"Taguan Pung at Manwal sa mga Napapagal - Eros Atalia" |
Hindi po eto book rebyu. Eto ay isang panawagang post. Ako po ay nagmamakaawa, nagsusumamo, kumakatok sa inyong may mabubuting kalooban at begging much. Matagal ko na pong hinahanap ang librong eto, sa kasamaang palad eh hindi ko pa po sya nakikita, nahahawakan at napaparausan nababasa. It figures, title pa lang para na kaming nagtataguan ng librong eto. Feeling ko ako talaga ang taya, feeling ko lang naman. Kung saang lupalop ng bookstore na po ako dito sa Cebu naghahanap eh wala, wala, huwalaaaaaa talaga silang kopya. Noong pumunta akong Manila eh hindi ko rin na bigyan ng panahon na hanapin sya, sa kadahilanang maikli lang po ang aking estay doon.
Ako po pala si Elsa, tiyohin ko po ang unang gumamit saken, dyuk! Pero seriously ( huh? seriously daw oh) ako po ay isa sa mga tagahanga ni ginoong Eros Atalia, eto nalang pong librong 'to ang hindi pa nasasayaran ng aking topak. Kung meron man kayong kopya, kahit gulagulanit na pero pwede pang basahin eh pahiram naman ako. *puppy eyes* Kung may busilak naman kayong puso eh tumatanggap din po ako ng book donation, or may link kayong alam, utang na loob, pa share naman. Tatanawin ko po etong malaking credit on the inside (credit on the inside = utang na loob) sa inyo. Sana ay mapagbigyan ninyo ang aking munting wish. *insert wish ko lang theme here* Eto po ay desperate measure ko na, so please, please, puleeeeeeees, sana eh mapaunlakan ninyo ako.
Maraming Salamat much, and you have a great day!
never sen that book sa national at powerbooks. pero bka ntatabunan lng. may isang book n ako noon ni eros atalia. sa knya yung kwentong kaastigan b yung title nun
ReplyDeleteako rin, never seen it there kaya ko nga hinahanap eh..hehe
ReplyDelete3 books lang 'lam ko "Peksman (mamatay ka man) Nagsisinungaling Ako", "Ligo na U, Lapit na me" at etong putek na "Taguan Pung at Manwal sa mga Napapagal" na hanggang ngayon ay hindi ko pa nababasa. :(