Friday, February 25, 2011

xx

Warning: 
The following material you're about to read may induce nausea and vomiting. Please have a convenience bag in handy. Thank you.




            May pagkakataon na ako ay vulnerable sa mga multo ng kahapon. Minsanan silang nagpaparamdam pero hindi ko pinahahalata na apektado ako. Sa totoo lang iniiwasan ko ang mga pagkakataong ito sa kadahilanang, una- hindi ako likas na umeemo, pangalawa- marami akong iniisip at ginagawa, pangatlo- ako lage ang nahihirapan sa bandang huli at pangapat- mas positibo ako kung wala sila. Pero minsan parang pinagsisiksikan nila sa makipot kong putaness heart at madalas na may topak na pagiisip ang alala ng kahapon. Tulad noong 'sang araw...




tabian: oi hello, napatawag ka? nasa office ako ngayon


xx: oi bespren! pakinggan mo 'tong kanta 'ko? am gonna lab you till di en...am gonna bee your very true fren..aywana share your ups an downs..am gonna bee aroouunddd...
(ngumangawa sa videoke with matching echo)

tabian: *natawa* 'san ka ba ngayon?

xx: nasa videoke, natanggap kasi ako sa inaaplyan kong trabaho...kaya eto inoman kami

tabian: oi congrats! good job!

xx: nakalimotan mo na ang kantang 'yon noh?

tabian: *pause...trying to remember..cricket..cricket..* oi hindi ah, nasa office ako ngayon naka tsamba ka break ko

xx: magiipon ako, mga 2-3 weeks kong sweldo. pupunta ako dyan

tabian: ows? asus, wag na ipon mo nalang yan

xx: promise pupunta ako dyan, bisitahin kita. pero uuwi ka ngayong May diba? basta umuwi ka ha?

tabian: wag na kase...titignan ko pa kung makaka-file ng leave pero try ko talaga makauwi

xx: basta pupunta ako dyan

tabian: o sige na, baka ma-over break na 'ko...

xx: ok, ingat...lab you bespren

tabian: sige na, byers

xx: mag i lab you too ka rin

tabian: *nag-isip...cricket..cricket...* sige na, bye ( pinindot ang end call) 



Mga ilang araw na rin akong minumulto ng conversation namin. Ayokong umasa, pero at the back of my mind parang may nagdidikta na mag-antay ako, na malay mo totohanin nya, na pwedeng mangyari na pumunta sya dito. The possibility of seeing my best friend na naging boypren ko, na naging ex ko, na ngayon ay balik best friend, baka maging kami ulit. Jusko pong mahabagin pwedeng wag nalang? Our relationship as friends changed after na naging kami. Kung baga wala ng landi, or baka ako lang ang nalalandian, or ako lang talaga ang malande? Noon kasi ng kami'y mag-bestfriend pa ay parating nahuhulog ang panty loob ko sa kanya. Kaya lang may malaking BUT, may jowa sya noon. Ako naman na dakilang best friend eh hanggang  doon lang, hingahan ng sama ng loob, taga payo at taga ayos ng gulo. Pero sa loob-loob ko sana ako nalang. *insert Kung ako nalang sana song here*
Hindi ko tinolarate ang feelings at possibility na maging kami, dahil nga ako ang best friend, bawal, panget tignan, parang MMDA karatola yown - "Wag tumawid. Nakakamatay" at parang period na yown, walang kama comma at ellipsis sa relationship namin. College na kami nang nalaman ko na matagal na pala syang may gusto, hindi lang nya masabi-sabi. 
Nang nagtapat sya sakin eh muntik ko na syang binatokan, sabi ko " Engot ka pala, matagal ka na palang may gusto...'bat ngayon mo lang sinabi?", "Eh sana naging tayo na noon pa" ang sagot naman ng mokong, " Eh nahihiya ako, saka alam ko naman wala kang gusto sakin" at hindi na ako nagpa-hard-to-get at naging kami. 
Binigyan ko sya ng malagkit na tingin na puno ng pagnanasa at ginahasa ko na sya buong magdamag. Yung ginahasa part eh sa isip ko lang.*big grin* 
To make the story short naging kami nga pero 'di rin nagtagal, bukod sa long distance, eh hindi pa uso ang selopono at inernet noon. Focus din ako sa pag-aaral, charot! Walang closure, pero yung tipong alam nyo na wala na kayo, yung ganon, basta yown. Nabalitaan ko nalang na may naka relasyon sya, nagka-anak sila, got separated pero nasa kanya ang bagets. The good person that I am (good person daw oh?), naawa ako sa kanya at that time. 
Pero wala ako doon, wala ako sa tabi nya para hingahan ng sama ng loob. Hindi ako best friend nya kundi ex nyang nakikisympathize. 
Sa tuwing umuuwi ako sa amin, hindi ko pinapaalam sa kanya. Last year lang na bumalik uli ang communication namin. Nagkita at nagkamustahan, pero hindi na tulad ng dati. Wala nang spark , fireworks, at mga heart-heart sa mata nya tuwing tumitingin ako. Muta nalang. Hindi na nahuhulog ang panty loob ko. Sinubokan nyang bumalik, pero hindi ko na mabalik ang dating ako. 
Hindi na ang dating ako na ok lang mag-antay hanggang sa mahulog ang loob nya. 
Hindi na ang dating ako na palihim na umiiyak sa tuwing may jowa sya. 
Hindi na ang dating ako na ok lang kahit tapik lang sa balikat ay parang dinuduyan na sa langit. 
Hindi na ang dating ako na lihim na in love sa kanya. 
May isang gabi akong iniyakan sya, hindi dahil may feelings pa ako sa kanya, dahil hindi ko na mabalik ang dating ako, hindi ko na mahihigitan pa na hanggang pagkakaibigan nalang ang feelings ko sa kanya. Ang emo ko na. Nakakalerki na ang pinagsusulat ko, sinapian na naman ako ng kung anong lamang lupa. Lentik! Makakain na nga. Sige Bye!


3 comments:

  1. wag mag assume....dahil sa pagaasume natin..minsan dun tayu nasasaktan..hintayin mo nalang na sabihin niya kung ano ka ba talaga sa kanya..

    kung hindi ka makapag intay..well, unahan mo na.ahehhee

    ReplyDelete
  2. haha sabi ko na nga ba, gutom lang yannnnn!!! dapat sa iyo i-exorcise... you shouldn't lose sleep over it... pero masarap nga mag-emo minsan... kapag umuulan.

    ReplyDelete
  3. @maldito: dahil slight maharot ako, ginawa ko na yan matagal na..hehe
    @glentot: haha bawal talaga malipasan ng gutom ser, masakit sa bangs umaandar ang emoness!

    ReplyDelete