"pasimuno ng kulto-e-panyo" |
Nagpapabili ako sa aking ermats noon ng panyo, si ermats naman na gustong mag ka meron ang kanyang jonakis eh bumibili sa ukay-ukay. Yikes!
Hindi ko pa alam noon na sa UKs nya pala nabibili ang mga panyo. Nang nalaman ko ang kahindik-hindik na fact na yown, nangilabot, tumayo, at nag raise the roof ang aking mga balahibo. Naiimagine ko na ang mga gumamit nun. Baka napunas na yown sa mga kasingit-singitan, mga ma-aantot na kili-killers, o kaya'y binugahan ng malagkit-lagkit na pandikit na galing sa ilong. Super eeewwwww!! Punas dito, punas doon. Kadiri much?!
Pero dahil wala akong choice at ayaw ko naman na mainsulto ang aking ermats, ginamit ko nalang ang binili nya. Inisip ko nalang na isa akong dakilang anak
Malamang sa alamang, malinis na yown. Pag nakakaluwag naman si ermats eh bumibili naman sya ng hindi galing sa UK.Yung tatlo-isang daan na pack, na pag ginamit mo eh parang mahihiyang lumapat ang pawis mo sa dulas type. Pero solb na rin ako sa mga panyong yown.
Nang magkatrabaho na ako at nagkalaman na ang aking bulsa, nakakabili na ako ng hindi UKs na panyo. Mahirap ng magkasakit, parang vitamins lang? Pag hindi ako makabili ng kung anik-anik sa department store eh consuelo de pagod ko nalang ang pag nakabili ako ng panyo.
At eto ang resulta ng hindi makabili ng anik-anik...
"konti lang naman diba?" |
"diba?" |
"slight lang naman... diba?" |
"pwamis... hindi ako mahilig sa panyo" |
Talaga may UK pla na panyo? hehehe...ako nagpapanyo lang pag nag iinarte lng o kya may sipon o ubo hehehe...
ReplyDeleteopo ser jag meron, branded pa...hehe 'di talaga ako makalabas ng bahay kung walang panyo (oc?)..:)
ReplyDelete