Wednesday, June 13, 2012

Lumelevel Up

    Hello you! Kamusta? Matapos ang madugong paglahok ko sa kontes chuvaness ni ser J Kulisap eh mejo nagpahinga ang aking brain cells, and I decided na mag workout. Pero itey may kakaibang twist na workout, at first time ko itong ginawa sa tanang buhay ko. A bit of a fact, ako ay ( Insert number )Kg, sabihin nalang nating mejo healthy na me. Hehehe Pero dahil na rin sa kati ng aking alipunga paa ay sumama ako sa kakaibang workout na itey. 


Introducing Workout with Nature  - Mt. Lanaya style.


"Level Up!"
    Yes guysh, sumama ako sa mountain climbing ekbang. Mga halos 4 hours din na byahe mula Cebu Citeey to Alegria. Pero kung ang driver nyo ay yung tipong wapakels sa kinabukasan nyo pwede na ang 2 hours mahigit. Makalaglag upuan at feel na feel mong sumasakay ka ng roller coaster sa bilis. Nasa likuran pa naman kami nakaupo that time, so gets nyo kung gaano ka talbog at tumbalelong kami. Henyways, pagdating sa Algeria sumakay kami ng habal-habal or yung public motorcycle na pang dalawahan lang sana pero dahil business pwedeng pang maramihan basta walang mahuhulog, papuntang jump off point. 


"Mga bagong kaibigan/life savers" 






"Excited/Naiihi/Nerbyos"

  Kung makangiti me parang a walk in the park lang, pero sa totoo lang nerbyos me much. Syempre naglakad  kami ng maraming steps, may pataas, may pababa, may espagetti.Jowk! Hirap na hirap ang aking super healthy bodeh, may mga oras na nagdidilim ang aking paningin at parang kukunin na ako ni papa jesas. But I said to myself "No, you can do this!!" timang lang, kinakausap sarili? 

"yes, I'm so healthy and I herrit!" 
  Naglakad, hiningal, uminom ng maraming tubig at nakailang stop over dahil kinapos ng hininga. Matapos ang sangkatutak na steps to what seemed like forever ay naabot din namin ang rurok ng tagumpay (lalim!).

"View from Kalo-Kalo Peak @ Mt. Lanaya"
 Breathtaking was an understatement. Chos! Dahil before ko pa maabot ang peak ay makailang beses din akong kinapos ng hinga. Hehehe 

" I believe I'm a fly" 

 Oops, hindi pa tapos ang workout, dahil kelangan pa pala namin pumunta sa camp site. Which is by the way buhis buhay na down hell hill. No joke Tsong, makailang beses akong nag slide, tumambling at muntik nang kumanta ng rolling in the deep. Mejo mahirap na magpictorials sa mga panahong yun, mas inuna ko muna ang buhay ko kesa pictures. 

Pero para may idea kayo sa dinaanan namin check this out - 

"Buhis buhay na trek"
 Paumanhin sa pagkatagpi-tagpi ng larawan. Ang starting point ay yung sa Kalo-Kalo Peak, finish line eh yung sa campsite mismo. Marami kaming mala bangin at masukal na gubat na dinaanan. 

"Wagas"
  Sulit na sulit naman kasi nakita namin yung sunset. Pawi lahat ng pagod at paghihingalo ko nang masilayan ko ito. (insert The Climb by Miley Cyrus song here) 

At syempre hindi ito magiging memorable kung wala sila - 

"Salamat mga mam at ser!"

Sumakit ang katawan, balde-baldeng pawis, nagkandasugat-sugat, nadumihan ng bongga at nangamoy construction worker ako, pero kebs. My first Climb was EPIC! 

More than the view and the people I'm with, is the realization that anything is possible as long as you put your mind into it. #ansabeh? 

21 comments:

  1. ikaw na ang trekking girl! shalan ng lakad mo, umaakyat na ng mountains!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe..di nga social yan, more of cheap and cheerful at sobrang effort!!!

      Delete
  2. naks tumetrekking!!!! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. para maiba naman ser...hehe
      baka sa susunod eh mag bungee jumping na me..charot!!

      Delete
  3. isa yan sa mga pangarap ko sa buhay.

    ReplyDelete
    Replies
    1. napagusapan na naten to sa chwirrer...baka sang araw brotha matupad mo rin to..hehe

      Delete
  4. Replies
    1. sino? me? hehehe jowk!

      dong empi welkam back!! katkat pud kag bukid dong?

      Delete
  5. worth it naman pala ang pagod e at ayus yung tagpi-tagping pics ha, effort talaga, parang mountain climbing lang! mukhang tuloy-tuloy na talaga ang pagpapaka-healthy a, good luck!

    ReplyDelete
    Replies
    1. kelangan ng first step, pero sana masundan pa..hehe

      Delete
  6. great photos! great adventure! great people! two thumbs up, sulit ang pagod mo girl.. :)

    ReplyDelete
  7. level up nga..

    im sure sexy ka na after that one great experience ..hahaha

    favorite comment mo din to?

    tinawag kitang sexy ..hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. waaaaa...sana nga pero hindi rin mga ilang climb pa at maraming tiis moments siguro para sumexy..LOL

      hahaha..basta galing sayo pogi lahat favorite!!!

      Delete
  8. Whooaaa! ang kulet ng caption ng photos. I believe i'm a fly?! HAHAHA XD

    Napadaan dito :D

    Jewel Clicks

    ReplyDelete
  9. kainggit, hahah.. gusto ko din makasubok ng ganyang ectivity...

    "i believe i'm a fly"? hehehe.. wag ka tumalon ate!! hehe

    ReplyDelete
  10. sarap ng hiking nyo pede ba sumama next time? :)

    nice pics po...

    ReplyDelete
  11. sarap naman ng mga activities mo. regular mong gawin na umakyat ng bundok for sure magiging fit and sexy ka na. hahaha.

    ReplyDelete