Tuesday, January 31, 2012

Sa pangalawang pagkakataon ako'y umibig

   Pain is indeed inevitable. Ansaveeeh? Kamusta earthlings? So how's weekend? Sa akin makulay, masakit at madugo. Ang siste kasi nagpaschedule kami ng retouch session para sa aming mga tattoo nung Sunny day. Pero dahil wala pa akong regalo para sa beerday ko at may kung anong pumasok na ipis sa utak ko nagpalagay na naman ako ng bago.


At itey ang evidence ng karumaldumal na nangyari.


"oh yeah!"
  Ang iingay pa namin before the session. Nang simulan na, ayun nagiba na ang mood. Unti- unti na kaming tumahimik at tipong huni nalang ng karayom ang naririnig. Nakakakilig!!!


" 5 steps para saktan ang sarili"

 Sinabi ko na ba na masakit? Parang hindi pa yata. Para sabihin ko sa inyo hindi sya masakit...super duper sakit! Specially yung shading part. Nangingiwi na nga ang mukha  at nagkandaduling ako sa sakit. Mabuti nalang at high ang tolerance ko sa pain. Hindi me naiyak, pero ito ang mga moments na napapakanta nalang ako ng "Kunin mo na ang lahat sa akin" to the tune of "Sisira ang bulaklak". 

"Swabe lang?"  

   Salamat nga pala sa aking boys. Sila ang aking naging molar support sa painful moments and vice versa. Kasi nakangiwi rin naman sila sa retouch sessions. Sabi nga nila, love is sweeter the second time around. Sa amin it's more painful the second time around (connect?). 

" Nelumbo nucifera"
          According to mareng WikipediaFrom ancient times the lotus has been a divine symbol in Asian traditions representing the virtues of sexual purity and non-attachment. Sexual Purity daw, taray! Kahit sobrang sakit worth it naman. Pak! 

11 comments:

  1. nakanaks..... di lang niretouch yung tatoo.... may bago ka na uling work of art sa kamay

    ReplyDelete
  2. Huwaw! Tatttooooooooo!!!


    kol me empi

    ReplyDelete
  3. astig may tattoo! hehehe.

    ReplyDelete
  4. nagpatattoo ka, I hateeeeeeeeee youuuuuu...

    Hindi ka naluha o naiyak? baka naihi ka...:D

    ReplyDelete
  5. weeeeeeee ang gara

    ReplyDelete
  6. ang porma ng intro ...

    parang ayoko ng magpatattoo nakakakilig pla :D

    ReplyDelete
  7. Waaah! Tattoo! Gusto ko rin magkaroon nyan, kaso takot ako sa karayom at dugo. hehe.. tsaka parang ang sakit-sakit.. baka himatayin lang ako. lol..

    ReplyDelete
  8. Although I wouldn't want one for myself, I am always impressed at how good the artists are. =)
    Well done you, if you're a happy customer, then all the pain is worth it =)

    ReplyDelete
  9. So bale yung iniinom kong coke eh biglang lumabas sa ilong ko nang mabasa ko ang sexual purity.

    ReplyDelete
  10. sexual purity? ampotah...!!!!!
    ahahahahhaa......

    ReplyDelete