Tuesday, January 3, 2012

wala akong maisip na title...happy new year nalang!

   


      Huli man daw at magaling...huli parin! Happy New Year friends! Masaya ba ang holidays nyo? Ako, eto nagfile na ng bankruptcy.  


Sa Mall - 
Tabian: Mang, grocery na tayo para sa Media Noche.
Mudrax: Oi tingin muna tayo sa taas. (taas means sa department store at boutique)
Tabian:  Wag dun ma, maraming tao ngayon. Maraming naglalast minute shopping. (this is me convincing my mom not to buy her something
Mudrax: Tara na ate! (sabay hila sakin)
Tabian: (insert me tulaley-no-choice-face here)
Sa department store - 


Mudrax: Bagay ba sakin to teh? (sabay pakita ng blouse)
Sinilip ko ang price. Nanlaki ang mata ko, isang libo, sa isang blouse. Putek, caught off guard, holdap!
Tabian: Ay wag yan mang di bagay sayo, nakakataba. Eto nalang oh?! (hablot ng mas murang blouse)
 Mudrax: (sinukat ang blouse) Bagay ba? 
Tabian: Yan ma mas bagay sayo, payat ka tignan. Yan nalang ma! Bayaran ko na, tara! (this is me bluffing my mom..pero in fairness bagay naman talaga mas mura nga lang...hehe
Sa grocery - 
Tabian: Pang ano ba gusto mong handa naten mamaya?
Fader: Gusto ko ng sugpo, ham, pancit, spaghetti...blah..blah..blah...
Tabian: Ok (deep inside nagbabudget na)  Tara!
Sa bahay ng kapatid ko - 
Sisterloo: Teh asan na gift mo kay Juan
Tabian: Huh? Ay nasa bahay, di pa nababalot eh. Baka bukas or sa makalawa bigay ko.
Sa totoo lang hindi pa ako nakakabili ng mga panahong yun.
Minsan gusto ko ipa-band ang mga ganitong okasyon kasi nagiging pulubi ako. Never the less masaya na din naman ako kasi naging masaya sila. Pang one time big time kumbaga at minsanan lang naman, kaya ibuhos na ang saya! At may isa pa akong na achieve bago matapos ang 2011.


Remeber this? Mula DITO.


"Pamilya ala Baywatch"

Mukha pa kaming mga hampas lupang malnourished na magkapatid dyan. 


Eto na kami ngayon - 

"B-E-A-M toothpaste family"
May complete family picture na rin kami finally. Kami na ang mga malalaking bulas happy family. 
Maarte sila ayaw nila sa studio, kaya ayan nagkasya nalang sa bahay ng kapatid ko. Pagpasensyahan ang background at si fader na hanggang ngayon eh tipid parin...tipid sa smile! Masaya na sya ng lagay na yan ha.

They are the real reason of my existence at kung bakit ako kumakayod ng bongga. Pak!

9 comments:

  1. wahaahhaha. B-E-A-M means smile... smile kami pag beam. hahahaha.

    ikaw na ang grumogrocery at nagbubuys ng mga anikaniks noong nakaraang kapaskuhan.

    Ang toroy ng fam pic. Dapat nag-cross legs ka din sa new fam pic. ahahaha :p

    Happy new year tabian :p

    ReplyDelete
  2. nice ang style na pambobola ha. hehehe. happy new year :)

    ReplyDelete
  3. ang cute mo pala tabs noong bata pa... naka number four pa ah. Hehe

    ReplyDelete
  4. napadpad dito,,,
    nakkabankrupt talaga pag xmas at new year...pero oks lng yn atleast masaya naman family mo^^
    nice happy family ^^
    smile lang hehe,,,

    ReplyDelete
  5. wow! bata pa lang sexy na!

    ReplyDelete
  6. Strong face si tatay..tunay na lalake! hahaha..ang ngiti, pare-parehas!

    ReplyDelete
  7. BEAM! hehehe.. pwedeng pwede talaga kayo. Ganda ng mga smiles. :D Ang saya nga ng tatay! Woot! :P

    Happy new year! :)

    ReplyDelete
  8. natutuwa akong makakita ng masasayang pamilya :)

    happy new year...

    ReplyDelete
  9. @khanto - anhirap naman kung naka cross legs ako na nakatayo para naman akong ne jejebs nun khanto..hahaha

    @bino - kelangan..mahirap ang kaperahan ser bino!XD

    @empi - cute din naman ako ngayon ah..mataray lang ako nung bata ako kaya ako naka dequatro..LOL

    @unni - daan ka lang uli unni..fortified with kalokohan 'tong blog ko walang halong preservatives..XD

    @momsie - ofchors! hehe

    @akoni - hahahaha...tawang tawa ako sa comment mo..strong face, masaya na talaga sya ng lagay na yan swear!

    @leah - pwede na talaga kami sa commercial si fader lang hindi nagcocooperate!

    @bagotilyo - kala ko talaga bigotilyo..hahaha ayush tunay na lalake ka!

    ReplyDelete