Thursday, December 22, 2011

Wakas


Sa isang dapit hapong
Hindi alintana ang sakit at lumbay
Alam kong ito ang huling pagkakataong makakapiling ka.

Walang pagsidlan ang kalungkutang nadarama
Hagkan man kita sa pagpikit ko ay wala na,
Wala ka na.

Hawak ang galon ng gasolina,
Sa isang kamay naman ay dala ang kahong puno ng tayo
Paloob ang mga larawan, liham at tuyong bulaklak 
ng pangakong tanda.

Tinitigan kita ng buong pagmamahal
Ngunit sadyang dumadampi na sa aking pisngi
Ang mga luhang pigil 
na dala ng mga umalingawngaw na alaala.

Alaalang pilit na kinukubli 
pero nagpupumiglas
Damdaming pinaglipasan 
ngunit makapangyarihan.

Sa pagsindi ng posporo
Sa pagliyab ng kahon
Ng mga larawan, liham at tuyong bulaklak
Ay ang pagpawi rin ng ating nakaraan.

Ako'y niyapos ng mapagbighaning siklab
na walang pag-aalinlangang aking tinalima.

Tangan ng silakbong apoy 
Tangan ng abo 
Tangan ang ako
Ikaw 
at noong naging tayo.



**************************************

Ito ang resulta kapag -


a. nalilipasan me ng gutom 
b. kulang sa tulog
c. sinasapian ng kung anong lamang putek
d. gusto me makisasaw sa pakontes ni Ser Gasul

Ito ang official lahok ko sa Blogversary Writing Contest ni Gasoline Dude.


Ang sakit sa bangs at massive internal hemorrhage teh!!!   

















11 comments:

  1. good luck sa ating mga lumahok :)

    ReplyDelete
  2. anong kalokohan ito???

    bakit ka dumadrama at sa pag-ivig fa???

    ReplyDelete
  3. sakit sa bang. hahahaha. walang s this time. lolslssllslsls.

    Goodlucks tabians. :D

    ReplyDelete
  4. haha! di bagay sau magEmo, Good Luck alarm..

    ReplyDelete
  5. Gumaganun ka tabs? Lol


    Good luck

    ReplyDelete
  6. Uy ang ganda nito. Gusto ko yung mga ganitong bagsakan ng tula lalo kapag patungkol sa Pag-ibig.

    Alaala ito ng nalusaw na pag-ibig, nilamon ng kahapon pero umaandap pa rin sa kasulok-sulukan ng kamalayan.

    Natitiyak kong babalik ako dito sa lungga mo, tagahanga ako ng sumusundot ng tula at humabi ng kung anong kwento at higit sa lahat ng mga larawan.

    Magandang araw po!

    ReplyDelete
  7. 'yung totoo? nagustuhan ko 'yung tula mo, tabian. simple pero malinamnam sa dila ang bawat bitaw ng linya. sulit naman pala ang pagi-internal hemorrhage eh. hehe.

    andaming magagaling sa pakonteshit ni ser gasul. kung sino man ang manalo, magpanomo na! hehehe.

    merikrismashapinuyirhapitrikingshapibalemtayms! \m/

    ReplyDelete
  8. mas lalum pa ni sa dagat ba...

    ReplyDelete
  9. kalawon hapit wala nako matugkad xD

    ReplyDelete
  10. After more than a month of reading and putting scores on each entry, FINALLY! Check my blog for the list of winners. Salamat sa paglahok at pagsuporta sa aking munting patimpalak. :)

    ReplyDelete