Wednesday, January 18, 2012

Weee! Naka UNO rin!

"TNL- walang abs" 

  Isang taon. 69 posts. Tingnan mo nga naman, umabot talaga ng isang taon. Gusto kong magtambling, magsplit, cartwheel, pumalakpak ng bongga habang kumakain ng buhay na fried chicken at nakalambitin sa hibla ng long shiny hair, dahil isang taon na palang nakabuyangyang ang buhay ko sa blogosphere. Naks! Sa totoo lang hindi ko inexpect na aabot ako ng isang taon as in one whole freak'n year, like duh! Arte much?
Pero seriously (seriously daw oh) hindi ko talaga inakala. Gusto kong maluha ng popcorn dahil na maintain ko ang online journal na itey.

I'd like to thank my sponsors :
  • My company - dahil lax lang ang IT at walang keme kaming nakakapagstream, bloghop at nakakapagsulat kung kami'y nababagot na sa trabaho at gusto ng laslasin ang pulso sa leeg sa stress. Sana pwede na rin ang porn in the near future. Hehehe  
  • Sa aking mga kaladkarin friends - Tara! Saan next destination? 
  • Sa aking B-E-A-M Family   para sa inyo ang award na ito,chos! Nanalo lang sa famas neng? Sa inyo na walang sawang nagbibigay kulay ng magulay kong buhay. 
  • Sa aking mga idol sa blogging -  alam nyo na kung sino -sino kayo, kayokayo, kayo, kayo, kayo, kayo, kayo, kayo, kayo ... hindi man ako nagkucomment ng madalas pero palihim ko kayong sinusundan binabasa at inaabangan. Alam ko na kung saan kayo nakatira at ang phone number nyo! Jowk! Stalker lang ang peg teh? Yung iba na meet ko na, yung iba gusto kong makatagay at makipagutotang dila naman minsan. Sana, sana bago mag 50th blogversary kung umabot man. Hindi ko talaga itatago ang paghanga ko sa inyo dahil isa(?) kayo sa mga nagbibigay inspirasyon sa aking pagsusulat (putek! napaka emotional ko na). Sa mga hindi ko nabanggit wag kayong mangamba at magtampo, supported ko kayo. Nasa blogroll ko nga kayo eh. 
  • Sa mga nagbabasa at nagkucomment -  Sa totoo lang (naka ilang "totoo" na ba ako?) ginawa ko ang blog na ito as a mode of release, kumbaga putokan ng nagjajakol kong utak. Sabi nga ni Toni Gonzaga sa My Amnesia Girl - " pandesal lang hiningi ko sa inyo, hamburger binigay nyo may fries pa" Pak!

Paumanhin at pangunawa lang sa mga humihingi ng pakontes chuvaness. Alam nyo naman siguro na ako ay taghirap ngayon dahil sa mga pangyayaring ito. Naisip ko talagang magpakontes at ipamigay ang picture ko pero baka maumay kayo, para lang kasi yown sa mga mararaming ipis, daga at dinosaur sa kabahayan, pang substitute sa Baygon kumbaga. Pwede bang love and devotion muna pamigay ko? Mwah, mwah, tsup, tsup! 

 Maraming, maraming salamat sa inyo! 

10 comments:

  1. Huwaw! Happy Blogversary! At nagulat ako sa isang link na nasa post mo. Hahaha! Tuluy-tuloy lang ang pagba-blog. :)

    ReplyDelete
  2. Happy one year!!!! Congratumalations! More more and more years to come. Tapos more beach party sa inyo nila nieco para madami pa kayong post. :D

    ReplyDelete
  3. ang daming nag a-anniversay ngyn ah, HAPPY ANNIVARSARY TABIAN, salamat sa picgreet..mwah

    ReplyDelete
  4. inaabangan ko ito, at walaaaang giveaways??? okay lang dahil ako din wala...hahaha...alindog lang kaya kung ipamigay!LOL

    Happy anniversary Sistah Julia..

    ReplyDelete
  5. happy anniversary madame bangs...ahahhahaa....iinum na nato imo blog veerday!! wowowowowo!!!ang first na nagcomment dito ay crush ni tabian..!! hello gasdude! aahhahahaha...epal.

    ReplyDelete