Tuesday, December 18, 2012

Gunawan Blues


Ayon sa mga Mayan magugunaw na raw ang mundo ngayong Biyernes, sa ika- 21 ng Desyembre taong 2012. Amazing! Dahil sa ka praningang ito, lahat nalang ng delubyo, at kung anu-ano pang sh*t eh kinukonek dito. 

Tambay 1: Napakalas daw ng bagyong Pablo pare, signal no. 3 sa Mindanao. 

Tambay 2: Kasi malapit ng magunaw ang mundo. Yun yun! 

Tambay 3: Agad-agad? Di ba pwedeng isang sistema ng klima na may nakabukas na sirkulasyon sa paligid ng isang sentro ng mababang lugar , tumatakbo sa pamamagitan ng init na inilabas kapag umaakyat at lumalapot ang basang hangin. Natutukoy sila sa mga ibang unos, katulad ng mga mababang presyon sa polar, sa pamamagitan ng mekanismo na nagpapatakbo sa kanila, na ginagawa silang "mainit na gitna" na sistema ng klima lang? 

Tambay 1&2: *Nga-nga*
=================================================
Chismosa 1: Mare narinig mo na ba ang latest? 

Chismosa 2: About kay pareng Erning?

Chismosa 1: Ay hindi, lumang issue na yun. Yung about sa Gangnam Style na kanta...

Chismosa 3: Ay mare marunong na akong sumayaw nyan. Gusto mong sample?

Chismosa 2: Me too!

Chismosa 1: Ay mga tanga! Hindi, sabi kasi nila signus na daw yang kantang yan sa pagkagunaw ng mundo

Chismosa 2&3: Weh? Talaga? Di nga? 

Chismosa 1: Google nyo kaya?  *walk-out*
=================================================
Kiddo 1: Si Enchong bading daw?

Kiddo 2: Ay talaga? Kalerky naman. 

Kiddo 1: Uu, hush lang teh. Closet kasi. 

Kiddo 2: Wala na, end of the world na talaga. Tege na beauty naten! 
=================================================

Pause, pause, pause! Seryoso? Halos lahat nalang inuugnay sa pagunaw ng Mundo. Pero kung sakaling totoo man na magugunaw, handa na nga ba tayo? Natanong ko na rin to sa sarili ko *timang lang? kinakausap sarili?* ako kaya go na? 

=================================================
Ito usapan namin ni Nieco

Nieco: Day kung sakaling magunaw ang mundo sa Friday, ready ka na?

Tabian: You mean like salbabida, food, shelter, clothing and stuffs like that? *conyo*

Nieco: Huh? As if maliligatas lahat noh? 

Tabian: Yun pala eh, syempre wa choice teh. Wa na prep, go na sa gunawan.

Nieco: Pag hindi ka nakasurvive bigay mo sakin yung susi ng pad mo ha?

Tabian: At bakit?

Nieco: Sayang naman kasi mga gamit mo. Akin na yung laptop mo tsaka yung aircon, yung TV 'di naman flat screen yun pamimigay ko sa mga hampas lupa. Wahahaha!

Tabian: Tengene! At pano naman kung ako nakasurvive? Ano ibibilin mo sakin? 

Nieco: Syempre madami, yung napanalonan kung ref. 

Tabian: Yun lang?

Nieco: Wait there's more...syempre sabi ko madami diba? Yung mga utang ko! Wahahaha

Tabian: Wahahaha, punyeta ka, animal!!! Wahahahaha

*Yes ganyan kami magusap* 

Nieco: Saka na nga lang, planuhin nalang naten yung "End of the world" day.

Tabian: Wow! Papapartey tayo? 

Nieco: Nomon! Paniguradong magtatakbuhan yung mga tao kasi nga magugunaw na ang mundo diba? 

Tabian: As if di ka tatakbo? Epis nga eh parang sinilaban na yang pwet mo. Wahahaha 

Nieco: Baliw! Hindi, di tayo sasabay sa mga magpapanic by that time. Papauwiin ko yung mag-ina ko sa  nanay nya. At least alam ko at panatag na kahit may gunawan na eh magkakasama sila ng pamilya nya.

Tabian: Wow! Umeemo? Heavy ha, iyakan portion na 'to teh? Eh paano ka?

Nieco: Syempre may pasok tayo nyan. 

Tabian: Ah oo, wala pa nga namang memo sa "End of the World" day. 'No plano mo?

Nieco: Natin dapat! Magiinoman tayo habang yung iba nagtatakbuhan at nagpapanic. Total wala namang ligtas lahat eh, para ano pa kung tatakbo diba? E-effort ka pa. 

Tabian: Genius! *slow clap* 

*At totoo, solid plan po namin ito kung sakaling magunaw ang mundo*


So sa Biyernes alam nyo na kung saan kami hahagilapin...

10 comments:

  1. hahahahaha. kulit ng convo nio ni nieco.

    kaso magreresign na daw sya... so di na kayo opismate.

    ReplyDelete
    Replies
    1. unfortunately uu...:( pero papartey at gagala parin kami!

      salamuch khanto!!! ^__________^

      Delete
  2. pahabol na comment, congratumalations sa pagkakapanalo sa SBA! Kudos!

    ReplyDelete
  3. hahaha napatawa ako diyan ah....

    ReplyDelete
  4. Hahaha...hey sistah..sobrang naenjoy ko ang post mo na 'to. Maintain mo lang ang size ng betsin. Maganda epek.

    ReplyDelete
  5. whatta konbersasyon hahahah

    ReplyDelete
  6. eto na yun day tabs. wala nang atrasan. 1 araw nalang talaga!

    ReplyDelete
  7. see you nalang sa cantomeza during the "gunawan day" hap! isang set sa akin... bwahahahahah! :P

    ReplyDelete
  8. And we all survived. hahah

    Merry Chrismast sexy :p

    nagnosebleed ako dun sa climate ever . lol

    ReplyDelete
  9. ang mahalaga buhay tayo...yey... im waiting for your next post...

    ReplyDelete