Monday, May 7, 2012

Bente



Ginawa na ni ser Bino, Lio, Salbe, Khanto at marami pang iba. At eto dahil sadyang wagas akong inggitera eh gumaya na rin ako. 

  1. Sorry at sort of kinda hindi ako nagpaparamdam sa inyo. Hindi ko lang kasi gusto ang feeling na namimiss ko kayo ng bongga. Nga pala, reminders lang, wag na kayo mag LQ, cat fights at bangayan kasi kayo nalang dalawa dyan. And also hindi na kayo teenagers, ok? 
  2. Alam mo may anak ka na, sana naman maging mature ka na sa mga decisions mo. Hindi na ako magbibigay ng payo sayo tungkol sa kung papano mo palakihin ang anak mo, or paano mo ihahandle ang family mo. Sayang lang kasi, pasok sa kaliwang tenga, labas sa kanan. Pero andito lang ako, aalalayan parin kita kahit papaano.
  3. Ay naku, bakit ang choosy mo sa trabaho? Nakagraduate ka nga pero ano ka ngayon? Dakilang tambay. Tapos sasabihin mo saken na tulongan kita? Pick your own a** and move! 
  4. Oi why oh why ka nga ba nagbago? Parang hindi na ikaw yung close ko before, hindi ka naman ganyan noon ah. Ngayon parang kung naguusap tayo feeling mo lage eh competition ako sayo, hindi naman ako nakikipagpataasan ng ihi. Kung may pinagdadaanan ka sana sabihin mo, hindi ako si madame auring na pwedeng hulaan yan. Sayang naman ang mga taon na ok tayo. At gusto ko lang klarohin, hindi mo kakompetensya ang mga bago kong kaibigan. Walang ganun, hindi na tayo bata.
  5. Salamat nga pala at iniintindi mo si #4. Kung pwede ko lang sana hatiin sarili ko para may time ako sa inyong dalawa, why not diba? Pero siguro mas naeenjoy ko ang company mo kasi we don't consider ourselves to be rival but more of friends. Dahil din sayo na realize ko na marami pa pala akong pwedeng gawin kahit healthy me! hehe
  6. Masaya ako na ok ka na ngayon. Wag na magcomplain, part yan ng trabaho. Just be thankful dahil lagpas ka na sa part na walang keme kang inaalila ng dati mong company. Your Domina is so proud of you!
  7. Nasa listahan na kita ng torture victims ko. Pasikat ka masyado, wala ka namang alam. Nagtataka ka pa kong bakit ang taas ng attrition, tanongin mo kaya sarili mo. Tinatanong mo pa ako kung bakit hindi na ako #1 sa ranking, hello? Demotivated na lahat ng agents, negative pa scripting mo. Nag leadership training ka ba talaga o tulog (as always) ka noong dinidiscuss kung paano ihandle ang mga tao mo? Kung madali lang sana lumipat, ginawa ko na.    
  8. Masyado kang affected sa maraming bagay. Siguro pwede na kitang tawaging hypersensitive, dala ba yan ng edad? Sayo ko na realize kong gaano ako ka galing na listener, puro kasi tungkol sayo ang kwento eh. Yan yung isa sa mga reason kung bakit hindi ako masyadong sumasama sayo, kahit pa may kotse ka at libre mo 'ko lage. Nakakarindi naman kasi minsan.
  9. FYI masaya ako ngayon kahit wala na tayo. Diba may girlfriend ka na? Ba't ka pa nagpaparamdam? Daig mo pa ang multo, daig mo pa ang kabuteng pasulpot-sulpot. Sana naman maintindihan mong ok ako at ayaw ko ng komplikasyon. 
  10. Dahil hayok ako sa morbidity, pinapagpapantasyahan talaga kitang binubunot ang ngipin ng pliers isa-isa ng walang turok na anesthesia, ginagamitan ng blue torch yung mata mo at dahan-dahang ginigilitan ng kutsara yang liig mo...Pero noon yun. Alam ko masaya ka na ngayon. Good for you, hindi mo rin naman ako mabibigyan ng magandang lahi eh. So quits lang!
  11. Ayusin mo na muna kaya ang buhay mo, saka mo ko ligawan. At sana tubuan ka ng kaonting ambisyon, kasi paniguradong makakatulong ka sa lipunan at sa nanay mong nagkandakuba na sa pagtatrabaho. Naman, ang laki ng katawan mo magbanat ka ng buto.
  12. Hindi laway ang mga katagang "I Love you", na pwede mo lang wisikan kahit na sinong pwede mong mawisikan. Pagsinabi kong hanggang doon lang tayo, hanggang doon lang. Period na yun, wag kang lumagpas sa 1 inch na tinalaga kong linya, utang na loob lang!
  13.  Kung gaano ka tigas ang ulo ni #10 ikaw naman ang kabaligtaran. Ok na ako sa setup naten, no strings attached. Walang pilitan, walang hassle, walang magiging tayo. Ayush! Naeexcite na ako sa nalalapit na trip naten. 
  14. Para akong inahing hindi makapangitlog pag nagkucomment ka sa mga post ko. Minsanan lang pero super kinikiliig ako. Homaygawwd, iniisip pa nga lang kita nangingiti na ako. Eeeeee! 
  15. You never fail to make me smile, ay correction laugh (as in buhakhak) pagnababasa ko ang mga post mo. Kahit sabihin mong walang kwenta pero tawang tawa lage ako sayo. Nga pala wag ka masyado mag self pity, cute ka naman eh. Hindi ako masyadong nagkucomment kasi nauunahan ako ng hiya. 
  16. Inaabangan ko lage ang post mo, kahit napakahaba eh binabasa ko talaga. Walang halong stir tsong, ang lupet mo talagang magsulat. Sana makilala kita in person nang makapagutotang dila naman tayo. Nomo, yes?
  17. Wa pakels ako kahit napagkakamalan na ako ng mga officemates kong sira ulo sa kakatawa sa mga post mo. Oi magsulat ka na ulit. Namimiss ko nang tumawa ng wagas sa mga weirdong kwento tungkol sa mga kakilala/friends mo. 
  18. Minsan iniisip ko kung saan mo pinagkukuha yang kwento mo. Gawa ba yan ng sobrang kalungkotan o sa betsin yan brad?  
  19. Bilib ako sa time management mo. Halos araw-araw may post, nagbobloghop, nagkucomment, EB, at may sideline pang kong anik-anik. Tanong ko lang natutulog ka pa ba? Ikaw na ang hindi nalolowbatt. Apir kayo nung isa pang blogger.
  20. Nagflood ka sa twitter. Na unfollow kita. Don't take it personally. Ok? 
"say hello to my bangs and my spooky face"

25 comments:

  1. Sa bandang dulo pala ung tungkol sa mga bloggers. Hahaha. Ayos ang post na to. Nakakaparanoid din lol.

    ReplyDelete
    Replies
    1. bakit paranoid? wala namang dropping of names eh..so chill!!

      Delete
  2. At nakigaya kana rin, dahil dyan gagawa ako......siguro,sana may mahugot ako..hahaha..

    At I am 100% ako yung number 18...lol may dalawang clue eh..lahat tugma sa akin..you're so adik like no one else. Charot!

    ReplyDelete
    Replies
    1. weh? ikaw? sure? LOL

      sige magbente ka rin tapos hulaan naten...weeee!

      Delete
  3. panalo si number 10!!! i like the torture!!! woot!!! pain!!!!!

    at kilig kiligan you kay number 14 (naks, by number, parang pumipili sa aquarium). lols

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay noon lang yang pantasyang torture scene khanto boy...hehehe

      si #14 ay si tototot!!

      clue - hindi pa sya nagkucomment sa post kong itey..nyahahaha

      Delete
  4. 'yung totoo? natuwa ako dun sa number 7. isa ka palang top performer sa inyong putahan? pa-cheeseburger ka naman, tabian.

    pero ang pinaka-aabangan ko talaga eh 'yung pagbibigay ng clue sa kung sinu-sinong mga blogger 'yung number 14 - 20. may kilala kaya ako sa kanila? o_O

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu #1 ako..pero iba ang tumanggap ng certificate at tumataginting na 1K for top agent of the year, putek! nalaman ko lang noong inanounce yung kakaramput kong increase(kuno)..nang tinanong si #7 kung bakit nagkaganun eh wala itong naisagot, ang tanga lang!

      cheeseburger ba kamo? pag nagala ka dito libre kita at magwawasakan tayo ng atay! ayush? ^____^

      Delete
  5. sino ba sila... sino.. hahaha... di ko na ata alam ang agong trend.. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. si tot og si tot...hahaha

      gawa ka rin ng bente dong kiko...sorry no dropping of names man jud ang rules so di jud pwede...

      kamusta ka na nga pala?

      Delete
  6. Ako ata ang #20.. Inunfollow moko eh. hahahaha!!! :P

    Relate sa #12. Sabi nga, hanggang dun lang. Pag sinabing dun lang, dun lang dapat. Walang tawad.. tsk.

    ReplyDelete
    Replies
    1. sorry ms leah no name dropping ang rule eh...no hard feeling ha? oks?

      si #12 pag lumagpas eh sure na ang b*tchslap..LOL

      Delete
  7. hi bangs :)

    usong uso na sa blogsphere to... hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. oi hello pogi..este bagotilyo!!

      so makikiuso ka rin? hehehe

      Delete
  8. Replies
    1. mabuti naman at natawa ka ng bongga...pero sa totoo lang nahirapan akong sagutin ang comment mo...

      Delete
  9. ito eh! nakita ko to everywhere. haha magawa nga to paminsan2 :D ang arte lang hehe :D inggitera ako. oppps

    ReplyDelete
    Replies
    1. ok lang gawin wala naman kasing copyright neng!! ^____^

      Delete
  10. nakakatuwa ang trend na to, nakaka-paranoid na di mo malaman hehe :) basta ang hula ko isa sa kanila si bino at si glentot, yung iba hindi ko kilala kasi di ako masyadong makapagblog hop at wala akong twitter hay sensya.

    tama ba ko teh?

    ayus yung bangs a!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. dapat nga siguro ang title ng post na 'to eh "Hula mo, Bente ko" LOL

      salamat po, ok lang yan pag hindi nahanginan..hehehe

      Delete
  11. LOL! Ngayon lang ako nag bloghop ulit at puro ganitong posts ang nakikita ko. Puwede bang hulaan kung sino si #19?

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay pwedeng pwede po ser gasul..pero malamang walang ka challenge challenge yung hulaan...hehehe ^_________________^

      Delete
    2. pwde bang mag bigay ng clue? I thinnk gasul is one of them...hindi ko lang alam anong number..niyahahhaa..

      PANIRA.lol

      Delete
    3. shall I kill you? do you have your death notes ready? hmmmmppp!!!

      Delete
  12. I think nahulaan ko lahat..niyahahhaa...di lang ko magsaba...wehhh!!

    ReplyDelete