Tuesday, November 20, 2012

Hello!



Of countless cigarette sticks, in between gulps of beer, drenched tissue papers,and dried out tears 

Our memories were a part of it 
On every glimpse of morning dawn until the sun sets, you linger 
There was you
There was me
But no more us


***********************************

Nakanang! Kapag tinamaan nga naman ng libog  kaemohan, wagas. Hindi ko pa natatapos yung kwento ko sa Ilocos escapade. Sadyang nauubosan na ako ng dugo sa umeenglish na post kay for the mean time updates nalang muna.

  • Stress drillon at toxic na sa office. Support all na kami, halos hindi na ako makapag post sa sobrang busy. Super queue na kasi at yung ibang teammates eh on training, tambak tuloy sa workload. Ang hirap pa eh madalian ang training session, ang labas half-baked tuloy ang mga agents. In short kapaan sa bagong support. Susme!
  • Sadly swelday nalang at weekends ang nilolook forward ko. 
  • Dahil sa sobrang busy sa office paguwi ko sa haybol konting fb at chwirrer ng slight nalang nagagawa ko. Borlog agad!
  • Tiis ganda parin dahil sa nalalapit na weddinglaloo. Gawwd! Felt na felt kong andami ng temptation pero pigil ang lafang. #balikalindogprogram Infairview sabi nila lumiit na daw ang aking tyan, mejo di na sya level sa boobs ko. Mga limang tambling at tatlong split nalang at kalinya ko na sa kaseksihan si  Anne Curtis. Walang ka gatol-gatol kong sasabihin yan. Ang kumontra tutuboan ng pigsa sa singit! 
  • No Beer...for now! Malakas kasi magpalaki ng tyanibells yun so off limits muna. (Halatang tumador) 
  • May bago kaming na discover na beach at naeexcite akong bumalik over there. 
  • At dahil sa madalasang pagbibilad ng araw may naka notice na. Tanongin ba naman akong nagpa-tan ba daw akech? Hala ha! Subtle way of saying ang Negra mo na. Pero kebs, ang kulay kong itey eh patunay akoy isang sarena *insert song here* 
  • Gusto ko na ulit gumala! As in, parang nakaka-adik. Para akong lintang nabuhosan ng datu puti pag may seat sale, at kung may nagaaya tuwing weekend automatic yes. Resulta na rin siguro to ng stress sa trabaho. 
  • Malaki na si pamangkin! ^_______^ At friends na kami, hindi na sya umiiyak pag bumibisita ako sa kanya. Di ko lang dapat makalimotan ang bribe, magdala ng pagkain! Wehehe 
  • Hindi ito Random post ha, updates itey, updates!!! (galit?) 
*************************
Yung poem sa taas, last month ko pa ginawa yan. Nastuck sa drafts, nasulat ko yan nung nalaman kong kinasal na pala yung tibay muks kong ekis na dinatnan ng delubyong amnesia. Pero ok na akech, moving forward. Aja! 

12 comments:

  1. alam mo... ganyang-ganyan din ang nagaganap sa amin lately.

    Yung mema-training lang kahit hindi madigest ang inaral tapos kelangan na isupport. Tapos parang cdr-king na andami na naming items/products ang dapat support. nakakapagods.

    at tama. RD at sweldo ang nilolookforward. yun na lungs

    ReplyDelete
  2. minsan darating talaga ung time na magiging super busy pero kahit ganun ka busy wag pabayaan ang sarili ^_^

    at mag enjoy din ^^

    ReplyDelete
  3. Akala ko nagkamali ako ng dalaw, kala ko ibang site to, ansabe daw? Aminin di ka pa talaga nakaka move on, sabi mo lang yan, este sulat pala. Aminin din na maraming episodes sa relationship mo kay ekis na pabalik balik sa ulirat mo. Andami mo pa kasing gustong sabihin lalo na kung di maayos ang closure! Hay ang pag ibig nga naman. Dont worry may nakatadhana talaga for you. Konting patience pa :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. kung makahampas naman 'to ng comment walang keme, wagas! uu na koyah, pwede ka nang sumidline kay joe d mango, ikaw si joe d mang gusteng! hahaha

      Delete
    2. Ahaha Sori naman teh, ui nasasaktan pa rin arouch ahihi o Sori na ha tatahimik nako ;)

      Delete
  4. sabi ko nga hindi to random post eh .hahaha

    dapat may picture ka din sa kasal ah .. mas Seksi ka na nun , ramdam ko . hehehe

    ReplyDelete
  5. masarap talagang makabasa ng mga random posts ;D

    ReplyDelete
  6. Natuwa ako sa poem tapos biglang naging random post LOL

    ReplyDelete
  7. naloka lang ako...hahahaha! parang combo lang! winner!

    ReplyDelete