Friday, July 22, 2011

noon-ngayon

Noon pag nanonood ako ng TV akala ko si Sharon Cuneta si Mamang at si Dolphy si Papang kasi may bigote.


Noon ang gusto ko lang paglaki ko maging flight stewardess, kasi gusto  kong lumibot sa buong mundo.


Noon solb na pag nakakapanood ako ng Power Rangers.


Noon nanglilibre na ako pag P5 ang baon ko sa skwela.


Noon pag nawawala o nasisira ang pencil case ko ok lang kasi ibibili naman ako ni Mamang/Papang ng bago.


Noon problema na kung paano ako mangongopya sa kaklase kung may pop quiz, kung paano ko ipapasa ang mga grades, kung pwede kaya akong mag hello sa crush ko kung dumaan man sya at kung kelan ako magkakaboypren.


Noon ang gusto ko lang eh yumaman.


Ang simple lang at ang babaw ng mga problema at iniisip ko noon. 


Ngayon sa dami ng ginagawa eh ang gusto ko lang gawin pagkatapos ng trabaho eh matulog.


Ngayon swerte na pag may sale sa mga airlines saka pa lang nakakabyahe sa ibang lugar.


Ngayon hindi na uso ang libre, mahirap kumita ng pera.


Ngayon pag may mga bagay na sira hanggat pwede pa gamitin eh pagtitiisan at kung may sobra sa pera saka pa lang bibili ng kapalit.


Ngayon kung hindi ka magsisipag sa trabaho o hindi ka performing malamang sa alamang sipa ka.


Ngayon halos ipamigay na ako ni Mamang kasi dapat na daw akong magasawa. 


At hanggang ngayon gusto ko parin yumaman.


Ang hirap pala pag matanda(adult) ka na. Marami ka nang iniisip at parang kabute lang ang problema, sumusulpot nalang ng bongga. Minsan naiisip ko sana bata nalang ako. 


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------




Ngayon...


"Juan Paulo Antonio = Love :)"
Anak ng sisterloo ko, bagong addition sa aming family. Welcome baby Juan! 

5 comments:

  1. Ang galing-galing nito sistah...JP, ang cute mo!

    ReplyDelete
  2. ikaw ba yan noong bata ka pa? hehe.. totoo nga mas kumplikado ang buhay pala kapag malaki na tayo hehehe

    ReplyDelete
  3. masarap talaga balik-balikan 'yung mga panahong wala ka pang masyadong iniisip kundi sarili mo lang. pag bata ka kasi, napaka-petty ng concerns at wala ka talagang pakialam sa mundo. pero, ibang-iba na nga pag tumanda ka. those were the days!

    ang hindi ko lang talaga mapaniwalaan sa kwento mo eh 'yung part tungkol sa panlilibre mo kahit limang piso lang pera mo? seriously? ang liit-liit kaya ng value nun nung bata ako. o baka magkaiba tayo ng age bracket. hahaha!

    p.s. hinagilap ko ang spam comments ko pero walang comment dun galing sa isang tabian. so malamang sa alamang, hindi mo siya na-post. lol! anyway highway, thanks for dropping by the crib! \m/

    - lio

    ReplyDelete
  4. imoha ng baby? ang cute naman...

    ReplyDelete