Thursday, December 22, 2011

Wakas


Sa isang dapit hapong
Hindi alintana ang sakit at lumbay
Alam kong ito ang huling pagkakataong makakapiling ka.

Walang pagsidlan ang kalungkutang nadarama
Hagkan man kita sa pagpikit ko ay wala na,
Wala ka na.

Hawak ang galon ng gasolina,
Sa isang kamay naman ay dala ang kahong puno ng tayo
Paloob ang mga larawan, liham at tuyong bulaklak 
ng pangakong tanda.

Tinitigan kita ng buong pagmamahal
Ngunit sadyang dumadampi na sa aking pisngi
Ang mga luhang pigil 
na dala ng mga umalingawngaw na alaala.

Alaalang pilit na kinukubli 
pero nagpupumiglas
Damdaming pinaglipasan 
ngunit makapangyarihan.

Sa pagsindi ng posporo
Sa pagliyab ng kahon
Ng mga larawan, liham at tuyong bulaklak
Ay ang pagpawi rin ng ating nakaraan.

Ako'y niyapos ng mapagbighaning siklab
na walang pag-aalinlangang aking tinalima.

Tangan ng silakbong apoy 
Tangan ng abo 
Tangan ang ako
Ikaw 
at noong naging tayo.



**************************************

Ito ang resulta kapag -


a. nalilipasan me ng gutom 
b. kulang sa tulog
c. sinasapian ng kung anong lamang putek
d. gusto me makisasaw sa pakontes ni Ser Gasul

Ito ang official lahok ko sa Blogversary Writing Contest ni Gasoline Dude.


Ang sakit sa bangs at massive internal hemorrhage teh!!!   

















Thursday, December 15, 2011

Baguio-yo-yo!

      I had an early flight from Cebu to Manila. Full spirits and high hopes akong bumyahe syempre, kebs na kung hindi magcooperate si haring Sunshine. Thinking na magiging ok din ang weather. Pagkadating ko nag quickie laman tyan muna kami sa pinakamalapit na Syete/Onse (7/11). Na anticipate ko na mahaba ang byahe at dalawang stop overs lang so kelangan e control muna ang katakawan. Bladder control at potty training kaya ginawa ko para sa trip na itey, mahirap ng magkalat at mag take two pa sa leaflet incident. Nagdala na rin ako ng maraming tissue, just in case di na talaga mapigilan. Hehehe! 
Umalis kami galing sa Pasay ba yown or Cubao? Basta either of those Victory Liner terminals, di ko maalala dahil sa excitement siguro, basta yown! Umuulan na ng sangkatutak! Hindi talaga napakiusapan si Mr. Sun, kahit pa nag sundance na me at kumanta ng "Rain, rain, go away" go parin ang pagbuhos nya. Again kebs! Andito nalang naman me, so gorabells parin. 


"nakadungaw sa bintana at kumakanta ng Basang basa sa Ulan by Aegis"
Di na ako nagpadala sa weather...kumanta nalang me! Pagdating namin sa Pampanga nagulat nalang kami ng may parang sumabog ng slight -- na flat ang likorang gulong ng Bus na sinasakyan namin. Mga halos isang oras din kaming na stranded, so minus na sa panahon. Sabi ko sa sarili ko, ayos lang, positive vibes dapat. Sa haba ng byahe, natulog na ako at nagising, tapos natulog uli, hindi parin kami nakakarating. Masakit sya sa pwet in fairview. Sa dami na rin kasi ng aking mga gala ngayon pa lang ako nakapag travel ng mahaba...na nakaupo lang. Sabi nga nila ang kamalasan comes in three. And I guess they were right. Kamusta na umalis kaming 10 am, dumating kami mga past 7 pm na? Marami kasing road construction na nadaanan, umuulan pa tapos nag zero visibility pa nang malapit na kami. 

The next day! Umaraw ng pagkabongga. Pumunta kaming SM, sabi ko sa kasama ko "bakit pa tayo pupuntang SM eh meron naman nyan sa Manila tsaka sa Cebu?". But not to miss pala talaga ang SM nila kasi walang aircon at para syang isang malaking tent. Syempre di pinalagpas ng aking lente ang view.

" vivid, fish eye, miniature effect, yeah!"

And the day goes on. Pumunta kaming Oh my Gulay, nagkandawala- wala pa kami eh nasa Session Road lang pala sya. 

"artsy fartsy + good food = swak!" 

At dahil just around the corner lang naman ang Burnham Park eh nag side trip na rin kami. 

"ganyan ka sarap ang strawberry taho, na distorted ang mata ko..hehehe"
Hindi na kami nagpaka Basha't Popoy para sumakay ng bangka chuva. Mas natatakot akong mahulog sa boat kesa sa mag moment. 

Next stop - Good Shepherd Convent at Mines View Park. Bumili kami ng sangkatutak na pasalubong at nagpictorials.

"modern day igorot naka sneakers"
Di nakaligtas ang kamag-anak ni Vice Ganda na super pink ang hair! After sa Mines View eh Bliss Cafe naman.

"Bliss cafe" 
 Bliss Cafe serves vegetarian food. Dito ko narealize na hindi ko pwedeng isuko ang pagkameat lover ko. Pero in fairness sa place ang kulay at may mga exhibits din ng kung anik anik na related sa Cats at that time. Again, hindi ko isusuko ang love ko sa pagkain ng karne. 

Sumegway din kami sa Bell Church kinabukasan.

"feeling tourista si ateh!"
Medyo tinatamad na me magpicture kaya konti lang nakuhanan ko. 


"feeling ko ako ay isang Giant"
Kumain din kami sa 50's Diner bago kami bumalik ng Manila. Isa ding realization how I love meat and big food servings. :)
At syempre, hindi pwedeng hindi ko pasalamatan ang naghatid ng kabaklaan sa trip na itey - 

" tenchu! Jake from Usap Tayo Mamaya l The Jakey Junkie Blog"
  Marami pa akong hindi napuntahan kasi nga limitado sa oras, pero solb na rin. Paniguradong may babalikan at aabangan! 


Wednesday, December 14, 2011

Baguio getaway!

Ano pwedeng gawin sa Baguio?



  • Pumunta ng umuulan para mas cool
  • Kumain sa Bulalohan ng hating gabi 
  • Mag stroll sa kahabaan ng Session Road, again sa madaling araw para mas cool
  • Kumain ng ice cream sa madaling araw
  • Gumising ng maaga para masilayan ang sunrise 
  • Kumain sa Oh my Gulay 
  • Magpicture taking sa mga artworks exhibits
  • Mag stroll sa SM Baguio na walang aircon
  • Magpicture taking ulit sa mga scenic views ng Baguio
  • Pumunta sa Burnham Park 
  • E try ang strawberry taho
  • Mawala, magpasikot-sikot, pag napansin na nawawala na tsaka pa lang magtanong sa locals
  • Kumain ng vegetarian meal sa Bliss Cafe
  • Umikot sa Mines View at magpictorials
  • E try ang mga Igorot costumes at magpapicture
  • Bumili ng pasalubong sa Good Shepherd 
  • Bumili ng Ube jam, strawberry jam at peanut brittle 
  • Bumili ng kung ano- anong knitted sa Mines View
  • Kumain sa Flying Gecko
  • E appreciate and scenic night view 
  • Pumunta sa Bell Church at magpictorials ulit
  • Kumain sa 50's Diner
  • At bumalik sa Baguio 
Yan na muna kasi medyo vacation mode pa me. Next na ang album! :)

"nom, nom, nom"

Thursday, November 24, 2011

Lingaw Siargao


Why hello thur! Kamusta? Sadyang ako ay nagrelax at gumala muna kaya hindi ako nakadalaw sa inyong mga bahay sapot. Destination - Siargao Island ,Surfing Capital of the Philippines. 
As you all know nagiging photo album na itong blog ko, pero kebs! Kaya heto na.


"Here na me!"




"Hindi kami halatang excited...as in!!!"
Kamusta ang 9: 50 flight na move to 11:50? Kahit delayed hindi parin humupa ang excitement. Isang buong gabi din kaming nagstay sa Surigao kasi hindi namin naabotan ang fast craft for Siargao. 




"The arrival of the stars"
Syempre abot hanggang tenga ang ngiti pagdating. This is it, this is really is it! Natatae me sa excitement. Mga 2 hours din na lakbay fast craft mula Surigao City to Siargao Island. Buti nalang hindi me na sea sick, mahirap ng magdragon. 


"We're so wet!"

Syempre hindi namin sinayang ang init ni Mr. Sun. Gorabells agad sa beach. Nagsurf...sila. Hindi na carry ng powers ko ang waves. Ako pa naman ay bona fide member ng Swimmer's League, in short hindi po ako marunong lumangaoy. Kay pait mang aminin ate Charo, pero yown ang truth. Kaya hanggang surfing lessons muna me. 


" ang saya saya..yeahbah!!"
At pwede ba namang ma absent and mandatory/compulsory jump shots? Hindi! Kami na ang naka Enervon at humahyper. 


"planking Siargao style"
Nang mapagod makipaglaro kay Poseidon, planking naman napagtripan namin. Sa background nga pala ng mga pictures eh ang sikat na Cloud 9 . Para kang nasa loob ng washing machine sa laki ng alon. Yung tipong yuyugyogin pati internal organs mo. So nagkasya nalang kami sa pictorials, mahirap ng magkandalasog-lasog, reef break pa naman sya. 


"Da who?" 
Minsan sa sobrang excitement meron talagang nangyayaring hindi natin mapigilan. Yung 
napapakanta ka nga "Take me out of the Dark" by Gary Valenciano. *hahaha*


"Spot the Difference."
Konti lang naman ang difference diba? 


"Kaladkarins"
5 days din kaming nagtampisaw at nagbilad sa beach. Kebs kung umitim at mapasukan ng buhangin sa kung saan, basta enjoy! 

"Wagas"
Isa na namang jampacked bakasyon. Happy me! 


*Lingaw - fun

Tuesday, November 8, 2011

mema

     Ito yung mga pagkakataon na feeling Mema ako. As in mema post lang. Medyo excited na rin kasi me ng bongga sa next galaan. Mapapasabak na naman ang Tabian sa kakaibang experience at adventure. Yung tipong to the highest level na as in chudamax na ang excitement at nagbibilang na ng araw. Oo, ako na ang redundant sa excitement. Kung ano man yown, malalaman nyo rin sa susunod na mga araw. 


For the mean time ito na... Me nakita ako sa henternet kanina (rhyme lang?)

Take 1

Take 2

Take 3

"Baby Juan: putangina kumalma ka teh!"

Sus kung nakakapagsalita lang ang pamangkin ko. Nakupo kay laking gulo. 



Thursday, October 27, 2011

Instant pa sa instant noodles

Beach + Camera + Good Friends + Topak = Maximum Tawa

Aqui - Nieco - Tabian - Maldits



"Ultimate Beach bum kaladkarins"



"At dahil low tide, may na stranded na balyena!"

Kung gusto nyo pa ng tawa overload...

When Marina Meets Remington 
Directed by - Tabian

Wednesday, October 19, 2011

Hindi nga hindi



Dahil sa wagas ang pagkainggetira ko at dahil may post na si Nieco & Maldits kaya ito na. 


Hindi ako adik.

Hindi rin ako takas sa Bilibid.

Hindi ako lasing (kahit sabihin nila wag kayo maniwala, mapanira sila).

Hindi ito Henna.

Hindi ito libre.

Hindi ko sasabihin kung masakit ba o hindi (try nyo nalang).

Hindi na kami maghihiwalay neto, swear pang forever na 'to.

Hindi po yan jelly fish or pangil ng kung anong hipon o pating. 

Hindi ito ang huli.

at 

Hindi ito alam ng Nanay ko.

Hindi translation for Faith

Wednesday, October 12, 2011

Liham (ang karugtong)



Eto na ang pangalawang bahagi ng Liham...


Pero bago nyo basahin pindotin nyo muna ang play sa kanta para feel na feel ang moment...


Christina Perri - The Lonely
Powered by mp3skull.com



   Ngunit bigla kang nagbago. Nag-iba na ang pakikitungo mo sa akin. Ang araw- araw na text ay dumalang hanggang sa hindi mo na sinasagot tawag ko. 


 Tandang tanda ko na sumaglit ako sa inyo para makasama ka, pero parang hindi mo na ako kilala. Para ka yatang na amnesia noon. Hindi ko alam kung nabagok ba ang ulo mo sa malaking bato, pader o sadyang wala na...wala ka nang nararamdaman. Kung alam ko lang sana na mangyayari yun eh bumili sana ako ng helmet para sayo. Umalis ka, pinagpilitan kong sumama kasi gusto kong klarohin ang lahat tungkol sa atin. Sa halip na kausapin ako, umalis ka parin at dali daling naglakad. Hinabol kita, para tayong mga batang naghahabolan at ako ang taya. 
Hindi ka lumingon, derecho ka lang sa paglalakad. Tinawag ko pangalan mo pero deadma parin ang beauty ko. Halos mapigtas ang tsinelas ko sa kakahabol sayo hinayopak ka, pero sige ka parin. Dali dali ka pang sumakay ng jeep. Siguro hindi mo na naalala yown noh? Hindi na kita hinabol pa, para kasi akong nabuhusan ng malamig na ice tubig with nata de coco on the side at narealize kong ang tanga tanga ko pala sa eksinang yown. 


 Sa pangalawang pagkakataon eh nagpunta ako sa inyo, nagdahilan nalang akong kukunin ang mga natitirang gamit ko. Pero sa loob-loob ko gusto kitang makita at makausap. 
Ni hindi mo man lang ako hinarap, instead eh nagtulog-tulogan ka lang. Engot ka, alam ko kung kelan tulog ka talaga. Na-upo lang ako sa tabi mo, tinitigan kita ng buong pagmamahal pero nagkibit balikat ka lang at nagpatuloy sayong pretend-I'm-sleeping moment. Kinulet parin kita baka sakaling may tugon akong marinig sayo, pero ang sagot mo lang "text lang kita". So ganun lang? 


Hindi pa ako nakontento sa ginawa kong katangahan. New years day noon, at medyo lasing (slight lang) na ako. Pumunta ako sa inyo at inantay kita sa labas ng bahay nyo. Tinatawagan pa nga kita sa selopono mo pero kung hindi mo man sinasagot eh binababaan mo pa ako. Nakikita ko naman na may lock ang pinto nyo pero inaantay parin kita. Ang tanga noh? 
Potah lang, nilunok ko na ang pride ko tinapakan at binasura pero ang kupal mo hindi ka parin affected.


Isang linggo, dalawa, isang buwan, tatlong buwan. Lumipas ang mga taon at wala na akong narinig mula sayo.


Hindi talaga ako ang tipong iyakin pero pinaluha mo ako ng pila balde, ngumawa ng pagkatagal at tulaley ng mga higit kumulang 5 mins.
Marami ng mga tanong na nabuo sa isip ko. Pilit kong iniintindi at inaalala kung may nagawa ako sayo na hindi mo nagustohan.
Hindi ko man lang alam saan hahagilap ng sagot. Magpapahula ba ako, kokonsulta sa mga Doctor o kay Kuya Kim nalang kaya? 


Sana gumawa gawa ka nalang ng kwento. Na ayaw mo na sakin kasi may putok ako, bad breath, malakas kumain, oh sadyang di mo na feel. Nang sa ganoong paraan alam ko kahit gaano kababaw may dahilan, at pag may nagtanong may maisagot naman ako, diba?


Sa nangyaring yown, muntik na kitang isumpa na tuboan ng pigsa sa singgit, ipakulam sa Siquijor, ipatumba sa mga tambay sa may kanto at ipasagasa sa rumaragasang limang ten wheeler truck. Hindi naman ako masyadong harsh eh. 


Masisisi mo ba ako? 


Sana nga may dahilan, sana nga may pwede akong sisihin sa nangyari sa atin. 


Iniwan mo 'ko sa ere. 


You left, and carried along my heart.




Itutuloy...

Sunday, October 9, 2011

Supplies!!!



Sa next post na ang karugtong ng Liham. Sa ngayon magbibigagay daan muna ako sa isa sa mga taong nagbansag sa akin ng "Best in Candid". Weh? Kala mo ako lang...


"So ako lang? Huli ka! hahahaha"
Sa lahat ng aking barkadude si Nieco ang pinakaantokin sa lahat ng antokin. Madalas syang nagdedeny kahit kita naman at may ebidensya na. Laging walang gana at may toothache, pero hindi halata. Ayan, hindi ko sya sinisiraan likas lang akong honest. *hehehe* 


To a very good friend of mine...


Note: This is not a sponsored post. Kawang gawa po ito...joke! Supplies! 



Tuesday, October 4, 2011

Liham

Mr. M,


  Kamusta? Ako? Eto ok naman. Mahaba na ang buhok at may bangs na. Kung bakit ako sumulat, hindi ko rin alam. Let's just say na naalala kita. Mga ilang buwan din kitang iniisip, hindi naman kita namimiss pero sadyang sumagi ka lang sa isip ko. Para ka lang kabote, sumusulpot ng bigla. Siguro mga tatlong taon ding nakakaraan, nang naging tayo. Siguro nakuha mo ako sa tingin at tawa. 


Sumama ako noon sa team outing nyo, saling pusa kumbaga. Wala naman talaga akong maitim na balak sayo noon, dalagang pilipina ata ako. Dumating ka lang din naman unexpectedly. Naalala ko yung unang pagkakataon na dinala mo 'ko sa special place mo, sabi ko pa nga sayo baka mahuli tayo doon. Sa isang rooftop ng bahay yown. Sinabi mo kung gaano ako ka special sayo. Natameme lang ang beauty ko. 
Sa lugar na yun maraming masasaya at iyakang naganap. Ako ang naging super duper cheer leader mo, tagaremind sayo na "everything happens for a reason" kung may problema ka. Kulang nalang pompoms, mini skirt at split pang UAAP na. 


Pinakilala mo pa nga ako sa mga parents mo, again natameme na naman ang bongga kong beauty. Naging close din kami ng sister mo, walang kahirap hirap din ang pakikibagay mo sa mga friends ko. Naalala mo noong nagbirthday ang isang barkadude ko? Yung ako ang unang nalasing? Hindi na siguro ano? Nahiga ako, sumunod ka at nakipagsisikan  sa isang maliit na kama. Sabi ko pa nga sayo na ok lang ako at pwede ka pang makipag inoman sa kanila. Sabi mo "dito lang ako sa tabi mo, babantayan kita". Ang sweet sweet lang ano? Para akong nadiabetes na lasing. 


Mas cheesy ka pa nga sakin diba? Hindi naman kasi ako PDA, harot lang reserve kasi ako. Chos! Pagsumasakay tayo ng jeep o kahit sa daan gusto mo lage hawak ang kamay ko. Feeling ko tuloy inutil ako ang haba ng hair ko, abot hanggang outer space. Marami pa tayong mga masasayang moments. You were the simpliest reminder that its possible to fall in love again. 










Itutuloy...

Tuesday, September 27, 2011

feeding program

   
    Hindi ako umaatras sa tagayan. Kung meron, hala sige lang. May pagkakataon na kung nasa kondisyon eh parang walang nangyayari, ginagawang tubig ang alak. May mga pagkakataon din na lasing kong lasing, yung tipong dalawa na ang kausap mo kahit isa lang at sumasayaw ng kusa ang mga paa mo kahit walang tugtog at kahit nakaupo ka lang. May iba na natutulog lang, meron namang umeenglish na, nagaamok ng away na akala mo kung sinong matapang, may ibang umiiyak nag eemo at kung ano-ano pa. Kumbaga pagnakakainom may ibang sapi ng kung ano. Ako, pagnalalasing simple lang...may feeding program ng mga pato, in short nagsusuka.


Eksina - Inoman sa boarding house ng kaibigan
Culprit - Tanduay 5 years (lapad), tubig (hindi malamig), walang ice


   Sa labas lang kami nagtatagayan at may duyan. Ako naman itong atat sa duyan, hala sakay kahit nakainom. Ang ending hilong talilong ako ng bongga. Nang pauwi na kami sabi ko sa sarili ko dapat umabot ako sa boarding house namin at doon na ako susuka, nakakahiya naman sa mga kasama ko. Pasuray- suray ang tabian. At dahil sa hindi pa ako cool noon, ayown nag feeding program sa daan. Ewww, kakahiya much.


Hindi ako nadala...


Eksina - Inoman sa bahay ng barkadudes
Culprit - Pulang kabayo, ice, barbeque


   Hindi ko maalala kung may occasion ba noon o wala pero kahit naman wala basta nagtrip, go parin. Nang malasing na me, nagexcuse ako para mahiga muna at matanggal ang amats. 
Sa aking pagkahiga at pagpikit ng mga mata, parang feeling ko umiikot parin ako. Yung tipong nasa chubibo. Sheyt na malagkit. Parang masusuka na talaga ang feeling ko noon. So dahil ako ay mabait na kaibigan at hindi ko haybol yown bumangon ako at pumunta sa pinakamalapit na suking lababo. Tinawag ko ang isang barkadude ko para alalayan ang nanghihinang katawang lupa ko. 


Pagtapat sa lababo --- shoot! 


Kinaumagahan pinagtawanan ako nila kasi hindi in liquid form. Buo buong barbeque, sabi pa ng barkadude ko "nginuya mo ba yung kinain mo or derecho lunok?" Ang saklap lang ng sinapit ko sa mapanghusgang mundo.Chos! 


Hindi parin ako nadala...


Eksina - Sa isang malapit na inoman/videoke bar
Culprit - Sandamukal na Pulang kabayo


  Galing kaming team outing, pero dahil sa bitin ang inoman nagkayayaan ng another set. Ang sumama napakadami...tatlo lang, at ako ang pangatlo. Pumayag ako kasi crush ko ang isa sa nagyaya, ang harot harot ko lang ano? *hehe* 
Syempre pasikat naman me. Tagay dito, lagok doon. Shoot dito, inom doon. Kwentohan kunyari nakikinig ako sa kanya pero pinagmamasdan ko lang sya. Nagiimagine na ako kung paano kaya kung magiging kami (with twinkling eyes), mas umaandar ang imagination pag nakainom eh.
Parang tatlo na sya sa paningin ko. So sabi ko sa kanya tama na kasi inaantok na ako, pero sa totoo nasusuka na talaga ako. Nakakahiya naman kung magkalat ako na andyan sya. Homayghad, that's so shameful! Charot!


Pinamigay na niya ang natirang beer. Sabi ko sa sarili ko, this is it. Pipigilan ko talaga 'to hanggang bahay total magtataxi naman kami. Hinatid nya ako, so ang haba na ng hair ko abot hanggang outer space. 
On the way home, nagpipigil parin ako. Mataimtim ko nang tinatawag ang lahat ng santo at espiritu ng mga namatay, hindi dito sa loob ng taxi, hindi sa tabi nya. 


Nang hindi ko na talaga mapigil at pumapaibabaw na ang kung anong bagay sa aking esophagus.


Sabi ko kay manong driver...


me: koyah pwede bang huminto muna tayo? sandali lang


Sumagot si crush...


crush: mamaya na, malapit na naman tayo sa inyo diba?


Umiling iling ako


me: koyah please, sandali lang 'to nasusuka na talaga ako 


crush: pigilan mo na muna yan, malapit na tayo


nagisip ako at nakiramdam hindi na talaga carry ng powers ko


me: koyah STOP!!! (ang sosyal lang ano?) buksan mo ang door! (sabay turo sa pintuan ni crush)


At dahil sa bagal nya, nagsuka ako sa labas pero nasukahan ko rin ang shorts nya ng slight (as far as I remember). Hindi ko maalala kung nagsorry ba ako sa kanya or may ginawa ako pagkatapos. Basta nakauwi akong buhay at kompleto pa naman. 
Kinabukasan kinamusta ko ang shorts nya, at nagsorry na rin ako sa nangyari. Ang saklap talaga, paniguradong auto turn off sya sakin. 



Babala: Huwag gayahin, ang inyong natunghayan ay gawain ng pawang propesyonal lamang.


Simula ng mga pangyayaring yown ate charo natuto na ako.


  • Kung nasusuka na wag magpahalata dapat hanggat maari eh cool lang. Pasimpleng magexcuse at pumuntang CR. 
  • Pumasok sa pinakahuli at liblib na cubicle, wag sa lababo paniguradong may makakita or kung isang banyo lang wag kalimutang mag lock ng pinto.
  • Isabay sa pagflush ang paglabas ng sama ng loob, para hindi masyadong halatang nagfefeeding program sa mga pato.
  • Kung may gripo at balde, lakasan ang tubig para kung may nakikinig man sa pagmumura sa inodoro eh hindi masyadong marinig.
  • Pantilihing walang bakas o ebidensya. Punasan ang mga natitirang kanin o ulam sa bibig o mukha. Malaking kasalanan ang magdeny na halatang may nakasukbit pa sa cheeks na kanin. 
  • Hanggat maari wag talsikan ang suot, or else magiging kaduda-duda na nagkalat ka nga.
  • Kung hindi talaga maiwasan ang talsik at nagtanong kung anong nangyari, mag alibi na sira ang lababo. Wag nang damihan ang paliwanag dahil napaghahalata at magiging defensive ka lang sa paningin nila.
  • Mag estimate, kung sa tingin mo kaya mong pigilan ng 2 oras pa ang pagsusuka, go! Pero babala: Hindi lahat ng estimation ay tama. 
  • Kung hindi na talaga napigil at nagsuka na sa harap ng madlang people, umarteng lasing na talaga at wag nang magtangka pang uminom. Utang na loob, umuwi ka nalang. Kinabukasan, deadma. Pag may nagtanong sabihing wala kang naalala.
  • At ang huli, kung hindi na kaya wag nang tumagay pa (rhyming?). 

Na master ko na yata na hindi halatang nagsusuka. Dahil ang goal ko sa buhay- dapat laging cool at swabe lang. 

Tuesday, September 6, 2011

Leaflet

"Desperate times call for desperate measures."


May naalala akong pagkakataon dahil sa mga linyang 'to at sa post ni ser gasti
Faflash back tayo sa isang araw kung saan ako naging matakaw at naganap ang kahindikhindik na pangyayari.           *insert maalaala mo kaya theme song here*


So ito na, dahil sa maaga ang labas namin sa office at nagaantay kami ng mga kasama para makaalis sa team outing eh chumibog muna kami ng bonggang bongga! Lafang dito, lafang doon, kung makakain lang parang wala ng bukas (patay gutom much?). Sorry naman gutom lang eh. May nararamdaman na talaga ako sa kaibutoran ng aking tyan nang gabi pang yown pero dahil sa likas akong matiisin, so I held it back. Dahil din sa excitement sa team outing eh parang deadma na rin ako.


Ayan pwesto na lahat sa van. May mga kasama akong nagsight seeing, may nagkwentuhan/chismisan at may naglandian sa isang sulok, at ako...nagmemeditate. Nagpipigil na ako ng bongga dahil nagsisimula na ang putaness kong tyan. Pinilit kong maidlip muna para makalimutan na may parang sasabog na. Pero hindi... hindi ko makalimutan na may nagaganap na gyera sa loob-loob ko. 


Kamusta naman ang 3 hours ride papunta sa Resort? Sheyt na malagkit. Iba na talaga ang nararamdaman ko, yung tipong tumatayo na ang balahibo, nanlalamig at di na mapakali. Ang mga lecheng kasama ko pinalakasan pa ang aircon. Sing laki na ng popcorn ang malamig kong pawis. Sa isip-isip ko dapat cool parin, wag magpahalata na near crowning na. Nagdadasal na ako ng mataimtim kay papa jes na sana umabot ako sa stop over or sa destinasyon, na sana makisama naman ang punyeta kong pwet. 


Inaaliw aliw ko ang sarili sa pakikipagsmall talk sa mga kasama ko, kunwari ok ako. Baka makahalata na jebs na jebs na talaga ako. As if nakikinig ako sa kasama ko pero nagpaplano na ako ng escape route. Ano kaya ang magandang gawin? (1)Pag nagsimulang mangamoy magtuturo ako ng kasama sa likoran yung naglalandian, (2) pag nagtakbohan na dahil sa baho, kunwari tatakbo rin ako pero mas malayo na ang tatakbohin ko para may chance pang magbawas o (3) magkukunwaring tulog para swabe lang. Patay, parang pwedeng sumablay lahat. 


Nang mga isang oras nalang para maabot ang pupuntahan, nagdecide ang isang kasama namin na mamalengke muna bago pumuntang resort. Ayan, may chance na ako kasi kung public market paniguradong may public toilet. Eto na talaga, as in this is really is it! 


Tumigil ang van, pasimple akong nag excuse para magrestroom. Sabi ko sandali lang ako at magwiwiwi. Pagdating ko sa public toilet parang may mga anghel na kumakanta sa langit at dinuduyan ako nang pasokin ko ang cubicle.  Pero in reality dugyot na enodoro at naglilimahid na pader, wala na talaga akong pakialam crowning na sya. Bukas ng zipper, sit on the air position. Bira! 


Nang matapos akong maglabas ng sama ng loob, tumingin tingin ako sa paligid. May baldeng may laman na tubig pero walang tabo. Parang sakto lang pang flush, nagtitipid yata sila. Lingon lingon para maghanap ng tissue. Homayghad! Walang tissue!


Hindi ko napansin na wala din pala akong dalang tissue. Sheyt again! @#$^&*! Lech! Anak ng bakang baog naman oh. May dala akong panyo pero no way jose! Hindi ko 'to pwedeng ipamunas sa pwet. Dumokut ako sa bulsa ko, to the left - walang laman. Patay na talaga. To the right - may nadukot ako, dalawang leaflets ng yellow cab. Sa kasawiang palad yung glossy type pa na leaflet. Nagisip me ng matagal...mga 2 seconds. No choice, bahala na. Pinunit ko ang leaflet para dumami kunwari, sing laki na sya ng apat na calling card. At yown din ang ginawa ko sa isang leaflet. Ang dami ko ng pretend tissue. Pikit mata kong pinunas sa a**. Ubos ang pretend tissue ko, now I'm squeaky clean. Flushed! 

Tapos na. Kebs na sa ibang factor basta wala na ang mabigat na pakiramdam, para akong nasa commercial ng dolculax na tumatalon talon sa tuwa. Pagdating ko sa van nagtaka sila kung bakit ang tagal ko daw. Swabe kong sinagot, "ang haba kasi ng pila eh". Sabay balik sa cool self. *big grin*



Wednesday, August 24, 2011

Lugar? weh?


Word - Gall Bladder 
 Ateh: Tao ba 'to?


Koyah: Hindi...


Ateh: Hayop? Bagay? Pagkain?


Koyah: Pwede?


Ateh: So pagkain?


Koyah: Oo..(sabay ngiti)


Ateh: Pagkain nga?


Koyah: Hindi..hindi...


Ateh: Lugar?


Koyah: (nag-isip, ang difficult naman) Pwede..Oo


Ateh: Sa Pilipinas?


Koyah: Pwede..hindi


Ateh: International? 


Koyah: Oo (nalito)...pwede


Ateh: Europe? London? Asia?


Koyah: (nag-isip) Ah..hindi? (nalito uli, umiling-iling)


Ateh: Sa ibang bansa?


Pagkatapos ng 2 mins....


Bossing Vic: Alam mo ba 'to?


Koyah: Hindi? lugar diba? (na confuse pa?)


Bossing Vic: Street food 'to...pwedeng street food (sabay tawa) yung iniihaw...


Ateh: (tulaley) ay yun pala...lugar!(ngek!)




Ang laki ng tawa ko sa Pinoy Henyo. Nababagabag lang ako ng slight na ang Gall Bladder pala ay isang lugar, kelan pa? Baka Mall sya or tourist spot. Hahaha