"Desperate times call for desperate measures."
May naalala akong pagkakataon dahil sa mga linyang 'to at sa post ni ser gasti.
Faflash back tayo sa isang araw kung saan ako naging matakaw at naganap ang kahindikhindik na pangyayari. *insert maalaala mo kaya theme song here*
So ito na, dahil sa maaga ang labas namin sa office at nagaantay kami ng mga kasama para makaalis sa team outing eh chumibog muna kami ng bonggang bongga! Lafang dito, lafang doon, kung makakain lang parang wala ng bukas (patay gutom much?). Sorry naman gutom lang eh. May nararamdaman na talaga ako sa kaibutoran ng aking tyan nang gabi pang yown pero dahil sa likas akong matiisin, so I held it back. Dahil din sa excitement sa team outing eh parang deadma na rin ako.
Ayan pwesto na lahat sa van. May mga kasama akong nagsight seeing, may nagkwentuhan/chismisan at may naglandian sa isang sulok, at ako...nagmemeditate. Nagpipigil na ako ng bongga dahil nagsisimula na ang putaness kong tyan. Pinilit kong maidlip muna para makalimutan na may parang sasabog na. Pero hindi... hindi ko makalimutan na may nagaganap na gyera sa loob-loob ko.
Kamusta naman ang 3 hours ride papunta sa Resort? Sheyt na malagkit. Iba na talaga ang nararamdaman ko, yung tipong tumatayo na ang balahibo, nanlalamig at di na mapakali. Ang mga lecheng kasama ko pinalakasan pa ang aircon. Sing laki na ng popcorn ang malamig kong pawis. Sa isip-isip ko dapat cool parin, wag magpahalata na near crowning na. Nagdadasal na ako ng mataimtim kay papa jes na sana umabot ako sa stop over or sa destinasyon, na sana makisama naman ang punyeta kong pwet.
Inaaliw aliw ko ang sarili sa pakikipagsmall talk sa mga kasama ko, kunwari ok ako. Baka makahalata na jebs na jebs na talaga ako. As if nakikinig ako sa kasama ko pero nagpaplano na ako ng escape route. Ano kaya ang magandang gawin? (1)Pag nagsimulang mangamoy magtuturo ako ng kasama sa likoran yung naglalandian, (2) pag nagtakbohan na dahil sa baho, kunwari tatakbo rin ako pero mas malayo na ang tatakbohin ko para may chance pang magbawas o (3) magkukunwaring tulog para swabe lang. Patay, parang pwedeng sumablay lahat.
Nang mga isang oras nalang para maabot ang pupuntahan, nagdecide ang isang kasama namin na mamalengke muna bago pumuntang resort. Ayan, may chance na ako kasi kung public market paniguradong may public toilet. Eto na talaga, as in this is really is it!
Tumigil ang van, pasimple akong nag excuse para magrestroom. Sabi ko sandali lang ako at magwiwiwi. Pagdating ko sa public toilet parang may mga anghel na kumakanta sa langit at dinuduyan ako nang pasokin ko ang cubicle. Pero in reality dugyot na enodoro at naglilimahid na pader, wala na talaga akong pakialam crowning na sya. Bukas ng zipper, sit on the air position. Bira!
Nang matapos akong maglabas ng sama ng loob, tumingin tingin ako sa paligid. May baldeng may laman na tubig pero walang tabo. Parang sakto lang pang flush, nagtitipid yata sila. Lingon lingon para maghanap ng tissue. Homayghad! Walang tissue!
Hindi ko napansin na wala din pala akong dalang tissue. Sheyt again! @#$^&*! Lech! Anak ng bakang baog naman oh. May dala akong panyo pero no way jose! Hindi ko 'to pwedeng ipamunas sa pwet. Dumokut ako sa bulsa ko, to the left - walang laman. Patay na talaga. To the right - may nadukot ako, dalawang leaflets ng yellow cab. Sa kasawiang palad yung glossy type pa na leaflet. Nagisip me ng matagal...mga 2 seconds. No choice, bahala na. Pinunit ko ang leaflet para dumami kunwari, sing laki na sya ng apat na calling card. At yown din ang ginawa ko sa isang leaflet. Ang dami ko ng pretend tissue. Pikit mata kong pinunas sa a**. Ubos ang pretend tissue ko, now I'm squeaky clean. Flushed!
Tapos na. Kebs na sa ibang factor basta wala na ang mabigat na pakiramdam, para akong nasa commercial ng dolculax na tumatalon talon sa tuwa. Pagdating ko sa van nagtaka sila kung bakit ang tagal ko daw. Swabe kong sinagot, "ang haba kasi ng pila eh". Sabay balik sa cool self. *big grin*
ako dati, ung ticket ng bus ang ginamit ko hahahha
ReplyDeletelols. kaya dapats laging may tissue sa pockets. :D
ReplyDeleteako kinukurot ko sarili para di maramdaman ang sakit ng tyan. May time na nagpasa ako ng bongga kakatiis kasi hontogol ng byahe! :p
waahhhh!! salamat sa leaflet, buti natiis mo pa ng isang oras ang gnun, kong ako un? paktay sabog talaga! haha!
ReplyDeletehahaha... kain pa! Hindi ko pa naranasan yan na nasa byahe. Pero alam ko ang pakiramdam na ganun. Hehehe!
ReplyDeletehahaha kahit saan basta makapopo lang... bahalag sagbot ipahid.. hahha
ReplyDeletehahaha! parang ang hirap naman yata gawing tissue ng glossy leaflet ng yellow cab, tabian. medyo makapal 'yun eh, tsaka parang di absorbent sa mga tae particles. lol!
ReplyDeletedapat ginawa mo 'tong ssdd entry. hehe.
@bino - hahaha..diba ang liliit nown?
ReplyDelete@khanto - lesson learned na saken yown..hehe di na talaga madala sa kurot eh..lol
@momsie - ang leaflet ang dakilang tagapagligtas ko..hehe
@empi - blame it on the katakawan kasi..hehe
@kiko - aw og di na madala dong pwede ra sa pader..wahahaha
@lio - ang galing ko kayang magimprovise..lol late na rin kasi nong sinulat ko 'to so next pakonteshit nalang ser lio..:D
Mga ganitong kwento ang paborito ko LOL. Leaflets talaga anpota! Eh diba hindi naman absorbent yun! Panalo ka hahaha
ReplyDeleteNatawa ako sa putaness mong tyan. Patok much!
ReplyDeleteDapat na praktis mo na kasi nung bata ka pa ang pagpipigil ng jebs. Nung bata ako lagi akong naaabutan sa school, pero ayaw na ayaw kong jumebs sa school kase nakakahiya. Kaya ayun. Siguro sabig sabog na ang internal organs ko. Hindi na po ako magiging organ donor, Ate Charo.
Yellow Cab will never be the same again to me. :|
Horhor. Hello Tabian! :)
@glentot - sa mga pagkakataong yun magiging choosy pa ba ako? wiz na, maparaan yata 'to..hehehe
ReplyDelete@vajarl - howdy vajarl! salamat sa pagdaan..:)
in fairness potty trained naman akech, pero may mga panahong ang tawag ng kalikasan eh sing lakas signal #5 na bagyo! lol