Tuesday, April 16, 2013

What is your favorite food?


Ito ay hango sa tunay na pangyayari.


Kanina, hindi ako makalog-in sa SSS online dahil nakalimutan ko ang user ID at password ko. Para makalog-in kelangan mag retrieve sa email na ginamit sa pag register. Kaya nag log-in ako sa Email na ginamit sa pag register para sa SSS online, eh kelangan naman e reset ang password sa email. Kaya sinubokan ko mag reset ng password, syempre para ma verify ang account at hindi kung sino mang pontio pilato ang maka log-in bibigyan ka ng kunting pasulit. Naalala nyo kung gagawa kayo ng bagong account may confirmation question kayong dapat sagutan?  Example, what is your mother's maiden name, where did you grow up, what's your favorite color, what is love, what are the vegetables mentioned in Leron Leron Sinta and etc? Para sa mga ganitong pagkakataon yun.

Bubulaga ang malupet na tanong bilang kompirmasyon - 

What is your favorite food? 

Sapul! Anak ng tokwa't baboy na may pigsa sa singit! Malay ko ba kung ano ang naging paborito kong pagkain nung ginawa ko ang lintek na email account na 'to, at humigit-kumulang na tatlong taon ko nang ginawa ang email account ko na yun. At sa lahat pa na pwedeng itanong dapat talaga patungkol sa pagkain? Nanadya? 
Bilang ako ay swabe sinubokan kong sagutin, malay, baka umobra. 

Unang sagot -

Banana
Invalid user credentials

Hingang malamim. Sagot uli - 

Pizza 
Invalid user credentials 

Patay parang suntok sa buwan na talaga. Subok uli-

Burger (para sosyal)
Invalid user credentials 

Na litekan na talaga. Gusto ko nang isaboy ang kape sa monitor ko because I'm so frustrated na talaga (conyo?), pero bilang ako ay swabe, sinubokan ko na naman - 

Banana
....



You have reached the maximum number of attempts to verify your account. Please try again in 24 hours.
For further assistance contact Member Services at
1-866-777-8888
Monday - Friday, 8:00 AM - 1:00 AM (EST);
Saturday - Sunday, 8:00 AM - 10:00 PM (EST).

Sa mga panahong ito gusto ko na mag amok. Pero humingang malalim nalang ako at nagbilang ng 1-100...JOKE! Syempre 1-3 lang. Tumawag ako sa hotline na nakasaad sa website. Nagkaroon ng mahabang usapan hanggang umabot sa manager. Ang ending tinanong ako ng isang malutong na -

What is your favorite food? 
Tumulo ang luha ko sa left cheek at nag crisscross sa right check with matching dausdos moment sa pader. JOKE again! Pumunta nalang akong HR at pinayohan nalang nila akong mag email sa SSS point person. 

13 comments:

  1. mapapatawad mo ba 'ko kung labasan na 'ko ng semilya kakatawa mag-isa rito pagkatapos kong basahin ang tungkol sa paboritong pagkain mo, tabian? seryoso, banana? dalawang beses na banana? alam na! XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. dalawang beses na banana. threesome na ata yun. jowk! hahaha

      Delete
  2. hay naku naman. kaya next time ung talagang paborito mong food ang ilagay mo ha. hehehe. pop corn, hotdog, longganisa. tocino. ganyan lol

    ReplyDelete
  3. Ayan kasi kung anu ano ang nilalagay sa favorite food. Hahahaha

    Next time, yong lagi mong kinakain. Hehehe

    ReplyDelete
  4. Di ba angus beef yung favorite food mo? LOL

    ReplyDelete
  5. hahaha baka puro kalandian yang nilalagay kaya di mapost... hehehe peace...

    ReplyDelete
  6. sorry pero tawa ako ng tawa sa post na to. ikaw kasi bakit kasi pagkain nasa isipan mo pag nasa harap ng computer. lels

    ReplyDelete
  7. baka naman pansit canton yung nilagay mo. hehehe. grabeh naman yung secret question ng SSS. buti wala akong online account.

    ReplyDelete
  8. moral lesson: Wag pipili ng mga tanong na hindi permanente sa buhay mo kagaya ng what is lovE? hahaha :p

    ReplyDelete
  9. napaisip tuloy ako kung ano ang favorite food ko ahaha :) baka naman kaya nakalimutan mo kasi kinalimutan mo talaga ang mga food nung panahong megadiet ka para sa aabayan mong kasal? btw, congrats, ganda mo don teh :)

    ReplyDelete
  10. Haha ipilit daw ang banana! All time favorite? Tsk tsk baka kasi nung panahon na yun ang paborito mo ay hotdog, talong, etc. Food ba talaga? Baka pwede pa rin yung mga bagay na hindi naman food pero isinusubo... Try again next time.

    ReplyDelete
  11. hahaha, maganda pala tumambay dito, masaya, haha!

    ~k

    ReplyDelete