Tuesday, May 21, 2013

Bakit wala kang boypren?

Aside sa "What is your favorite food?" (na hanggang ngayon, tamaan man ako ng sandamukal na kidlat, ay hindi ko parin maalala ang sagot) isa rin sa hindi ko masagot-sagot eh ang tanong na "Bakit wala kang boypren?".

Scenario 1

Tumawag ang nanay ko para mangumusta...

Mamang: Oh Kamusta ang byahe mo? 
Tabian: Ok naman. Eto ang itim itim ko na mang, super negra na!
Mamang: So nagkaboyfriend ka naman sa pag gala-gala mo? 
Tabian: *tulaley* O__o

Ganyan po ang nanay ko. Casual lang po sa kanya yan. Imbes na tanungin kung kumain na ba ako eh mas concern po sya sa Lovelife ko. Kumbaga staple po yan sa tuwing tumatawag sya. Kaya may paunang bati akong naimbento sa kanya sa tuwing tumatawag sya...

Mamang: Kamusta ka na? 
Tabian: Ok naman po, mang wala parin po akong boypren. Wag nyo na po akong tanungin.
Mamang: *nga-nga*  

Scenario 2

Sa Office...

Office mate: Mam may boypren po ba kayo?
Tabian: Wala.
Office mate: Bakit po kayo walang boypren? 
Tabian: Sa wala eh...
Office mate: Diba may mga barkada naman kayo?
Tabian: Oo, marami. Bakit?
Office mate: Diba nagiinuman naman kayo?
Tabian: Minsan, bakit ba? 
Office mate: Hindi ba naman sila nagdadala ng iba nilang friends para makipag-inuman sa inyo?
Tabian: Minsan...bakit ba kasi? 
Office mate: Eh kahit isa po sa kanila mam wala kayong naging boypren? 

Sa mga panahong ito gusto kong bigyan ng malutong na slow clap si officemate...

Tabian: *poker face* Aba mam, hindi naman po ako nakikipag inuman para magkaboypren. 
Office mate: Ah ok, ang akin lang eh kung may pagkakataon lang naman. Hehe

At humirit pa talaga!

Scenario 3

Post BEERday celeb with barkadudes...prayer before kain.

Barkadude: Lord salamat po sa pagkain...at sa pagbigay nyo po kay Tabian ng another year to live (parang madedead ako any time lang 'no?) at sana po Lord next year na birthday nya eh may boypren na po sya...Amen!

Natats naman ako ng bongga..gusto kong maluha ng pako! 

Scenario 4

Dahil nga hindi ako nagdedate or kung ano man, gumawa ng drastic move ang isa kung barkadude...

Barkadude: Punta ka sa bahay bukas ha?
Tabian: Bakit? Ano meron? 
Barkadude: Wala lang. Basta punta ka lang videoke tayo. 
Tabian: Sige go!

Kinabukasan...

Barkadude: Tabian si (insert guy's name here), officemate ko. (insert guy's name here) si Tabian nga pala, single yan, malaki sweldo, wala nang pinapaaral. *wink wink* 

Ganyan ang introduction nila lage sa akin. Napaka true friends nila noh? 


Hindi ko po talaga alam kung bakit wala akong boypren, kasi alangan naman na ligawan ko ang sarili ko diba? Eh di nagmukha naman akong timang sa lagay na yun. Sa ngayon kahit cliché man pakinggan (lalong lalo na sa mga single pa hanggang ngayon), eh masaya po akong single. Masaya na ako ng paflirt-flirt here and there lang muna. Charot! Naeenjoy ko pa yung PBB teens stage muna. Charot ulit! 
Pero seryoso, hindi naman ako nagmamadali kasi hindi naman 'to unahan eh. Darating ang darating. May time ako, kaya intay intay lang muna. 

"wala akong boypren...dahil busy ako!" 

13 comments:

  1. Winner naman ang nanay mo! Concerned na concerned sa iyong status!

    At ang friendship, todo support! :D

    Magkakaron din yan. In time...in time. :)

    Napadaan po!

    ReplyDelete
  2. they're all concerned sayo.. how touching.. hehehehe!
    Wag ka lang masyadong ma-pressure, darating din yun. you'll never know, nandyan na pala sya sa tabi! :)

    ReplyDelete
  3. Wala kang boypren pero meron ka namang _____. (fill in the blank)

    hahahah

    ReplyDelete
  4. Emergerd tabian.... hahahhahhaha...
    binubugaw ka na ng friendships mo.

    buti di pa dumadating sa ganyang point ang mga friends ko. heheheh

    ReplyDelete
  5. Natatawa ako sa post mo tabs...parang pini-pressure ka na para magkaboyfriend. Lol

    ReplyDelete
  6. bonnga yung inom inom para magka boyfriend! maka-inom na nga rin. LOL

    ReplyDelete
  7. ilang taon kana bah at bakit pressure much kana dapat magka boyfriend?

    ReplyDelete
  8. bakit ganun ang mga kaibigan?
    mas concern pa sila sa lovelife :D

    ReplyDelete
  9. Ikaw na ang flirty! At wag ka dapat ipush ng mga kaibigan mo at Nanay mo na magka-boyfriend. Di ba nila narealize na kapag nagka-bf ka eh mawawalan ka ng panahon sa kanila LOL

    ReplyDelete
  10. natuwa ako dun sa pagiintroduce sayo. Hindi ka anman masyadong binebenta nila no? hahaha

    eh ngayon sexy may boyprend k n ba at hindi ka na nakakapagblog? :p

    ReplyDelete
  11. ahahahaha.. natawa naman ako.. i feel you... ako pag tinatanong na lang ng ganyan, sumasagot na lang ako ng "may mairerecommend ka ba?" tsaka "tanong ko rin yan e".. o kaya pakisama na rin sa dasal mo ah, baka sakaling may kasagutan na...

    ReplyDelete
  12. first time here, at natawa ko. :) bakit nga kaya laging ganyan tanong sa mga single na tulad natin? tsk.. ;)

    ~k

    ReplyDelete
  13. Hahaha natatawa ako! Relate na relate ako! Parang requirement talaga haha

    -Steph
    www.traveliztera.com

    ReplyDelete