Wednesday, September 19, 2012

Byaheng Norte Chronicles - Manila


       Ohayou prens! Sana kayong lahat ay super Yakult...everyday OK! Henyways high waist, may utang na naman akong kwento sa inyo. Kaya here we go sago!
    Last Sept 6 eh gumala na naman ang Tabian, this time byaheng Norte, Sibika at Kultura ang peg namin for a change. At dahil may spare kaming mahaba-habang oras sa Manila (insert Maynila theme song here) bago ang aming "The Great Ilocos Adventure", eh nag tour chuvaness muna kami. 


Intramuros




"Baluarte de San Diego" 
"Hole in the wall"

"Coin maker daw sabi ni kuyang tour guide...not sure kung legit..hehe " 
Natesting ang mga tagalog na iniingat-ingatan ko sa baul, kelangan chumika for directions teh. Epistaxis to the nth level. In fairview naabot naman namin ang Intramuros. Nakalibre pa kami sa bus, ang lagay eh hindi kami siningil ni manong konduktor, kaya yun laki ng ngiti pagbaba sa may City Hall. Wehehe 

"spell L-U-M-O-T?" 

"Amazement!" 



"Cretty (Creepy + Pretty)" 

"Plazuela de Sta. Isabel" 

Nagikot-ikot kami ng bongga sa Intramuros. Kumuha ng maraming pictures at bumalik sa pagka estudyante blues. Maraming mga kwento si kuyang tour guide mga history ng building, kalsada at kung anik-anik. Pero ang pinakagusto ko sa lahat eh kung gaano katibay ng mga gusali na hanggang ngayon ay nakatayo parin. Siguro wala masyadong kurakot noong unang panahon noh? 






"Fort Santiago"
Pag may gala, kung minsan may sapi kami ng kung anik-anik din. 

"Seryoso po kami...minsan!"
"Our super high-tech ride at si kuyang tour guide alyas Palos"  
Matapos kaming umikot-ikot ng pagkabongga sa Intramuros eh sumide trip kami kay pareng pepe sa may kanto. 

Rizal Park - Luneta 

" Sun bathing pre?" 

"gusto ko sana mag gangnam style nahihiya lang me ng slight..LOL" 
"kaya swabe nalang akong nag nailcutter..wehehe" 
Nang magutom kami eh pumunta kaming Binondo para sa lafang hunt. 

Binondo, Chinatown 

"Ma Mon Luk/ Masuki" 
Hindi kami na warningan na ang mga pagkain nila dito eh may puot, galit at nagkukumahog sa laki. Talk about siopao at siomai on Steroids! Walang joke men super laki, kaya super bundat din kami. Tapos naming pagurin ang aming mga twinkly toes eh pumunta na kaming SM Manila para magpalipas oras bago umalis for Ilocos. Nameet ko si Khanto at chumika kami ng chumika, bait-bait nya kasi kahit taga Pasig sya eh nagpunta talaga sya ng Manila (insert Maynila theme sone here) para sa simpleng meet 'n greet. Sayang hindi man lang kami nakapag pictorials dalawa at nahiya naman me kasi wala me dalang pasalubong, baka next time Khanto! Or better yet, next year aabangan ko ang gala nyo dito...^___^ 

********************************************
Unang bahagi itey ng aming adventure and take note side trip lang ito. 

"abangan..." 

13 comments:

  1. at ito ung di kita nameet in person kasi tulog ako lol. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. trueness! LOL may next time pa naman siguro..wehehe

      Delete
  2. ay oo nga, yan ang nakalimutan natin, magpapictures! lols.

    Ikaw na ang nakalibot sa intramuros. kahit dyan sa intramuros ang skul ko, di ako nakalibot dyan.

    sensya pala sa jargons during chikahan... saka nanosebleeds ka at napalaban magtagalog. wahihihihi.

    nice meeting you :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. pleasure meeting you too khanto..(umeenglish?)

      next year ha? by that time magdadala na ako ng maraming tissue para nosebleeding..wehehe

      Delete
  3. Bakpackers! Ayos ang gala nyo...pasama nmn next time hehe...

    ReplyDelete
  4. Replies
    1. kasi we're so cool like that!! wahaha

      may ikaiitim pa naman ako glentot, lubosin ko nalang...

      Delete
  5. ang ganda ng mga kuha nyo. nice. 5 years na ko dito sa manila pero di pa ko nakapunta ng intramuros ay nakapunta na pala pero di ko pa nalibot.

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamuch!!! ^____^

      eh ganyan naman talaga pag accessible yung lugar hindi napupuntahan kelangan pang dumayo para may something different like that..LOL

      Delete
  6. Wow looked like you enjoyed your tour, salamat kay manong tour guide, yung golf course dyan kami dati nag-rotc :) nadaanan nyo rin school ko nung college (yaman may school nung college hihi )

    ReplyDelete