Tuesday, August 21, 2012

Pengeng Help (travel edition)


Pag-gising ko isang araw...

"Aaaaahhhhh!" 

   May nakita akong kahindik-hindik at karimarimarim (lalim phew)...
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
Meet my new friends 

"mukhang tinubuan ng boobs, I herrit!" 

   Parang may naka fertilizer lang ang aking mga pimples sa laki. Lately kasi ay busy akong tunay na nagreresearch, nagtatanong at kumekemberloo sa mga friends para sa aming byaheng Norte. First time ko kasing gumawa ng buong itinerary, kalerqui! Andami pa lang dapat e consider. Kung ka chwirrer ko kayo malamang alam nyo na kung saan na naman ako mapapadpad next month. Kung hindi, follow mey on Twitter (nagpromote?) @tabianmuch. You know the drill. hehe Anyways, kelangan ko (as in parang awa nyo na) ang tulong nyo para ma finalize ko na itey. I'll be in Manila, Philippines (parang kung saang bansa galing) by Sept 6. Buong araw akong magkakalat ng happiness, love, and devotion over there kasi sa gabi pa kami lalarga papuntang Ilocos. 

Ang aking mga dilemmas ay: 
  • Intramuros pa lang ang naiisip naming gala. May suggestions ba kayo kung saan pa pwede gumala? (sana yung cheap and cheerful, para may budget pa kami sa Ilocos) 
  • Sinong gusto magtour guide samin sa Manila? (special mention kay khanto, sob, ser bino
  • Kung may iba pa bang terminal ang sleeper bus ng GV Florida bound to Laoag, aside sa Sampaloc? (baka sabihin nyong hindi ako nag google) Wala po talagang matinong website and GV Florida according to my research or baka hindi ko lang talaga alam. hehe  
  • Magkano ba latest rates ng pamasahe pa Laoag? 
  • Kung may sasuggest kayong magandang puntahan sa Ilocos Norte at Sur. (4D/3N) 

Feel free to answer, suggest, or react sa comments section mga kafatid. 
Maraming Tenchu! 

^______________^



8 comments:

  1. may pasok kasi ako ng september 6 eh. MOA hehehe. intramuros ok, luneta maganda na rin honestly.

    ReplyDelete
  2. susyalannnnssss.... magnonorthbound you! Itchu olreydi!

    At honloki ng pimple.

    regarding mapapasyalans sa manila, di ko yan forte kasi ang alam ko lang ay robinsons at megamall. bawahaahha.

    try ko mameet ka for lunch or dinner :D

    ReplyDelete
  3. di pa rin kasi ako nakakapunta ng ilocos dahil nung may tour kami dun di ako sumama haha pero maganda pumunta dun sa windmill. at sa sampaloc lang talaga ang alam kong terminal ng florida ang malanding pink na bus na may cr. wala akong masuadong maitutulong pero tip lang sabi nila yung mga nagpunta nung tour sa ilocos magdala ng maliit na kumot or blanket kasi super lamig sa loob ng bus ng florida. as in wagas. yun lang =D

    ReplyDelete
  4. hala, nadungisan na ang mala-porselana mong kutis dahil sa mag-asawang pimples! haha.

    anyway, may sakayan ng papuntang Ilocos sa may EDSA Pasay. try mo din check yun. Kung gusto nyo naman gumala sa Manila on the 6th of September, eto gawin nyo:

    Airport - Luneta Park: Magbigay-pugay muna kayo kay Dr. Jose Rizal. Siya yung pambansang bayani namin.. (kunwari hindi nyo alam dahil stranger kayo sa Manila) Katapat lang nyan yung Roxas Blvd so pwede kayong maglakad-lakad dun at magmuni-muni.

    Luneta Park - Intramuros: for sure na-google mo na 'to so dun tayo sa next nyong pupuntahan.

    Intramuros - Binondo: dito maraming masarap pero murang kainan. foodtrip galore ang gawin nyo dito.

    Binondo - Divisoria: pwede kayo magshopping dito at makipagtawaran sa mga tindera. Sa halagang Php 250, may Lacoste polo shirt ka na! haha.

    Divisoria - Pasay: get ready for your flight doing to North. :)

    ReplyDelete
  5. Kung mag intramuros at luneta kayo, dayo na rin kayo sa manila ocean park. Syempre ang mga must visit: blue lagoon, kaybiga falls, bangui windmill,calle crisologo sa vigan!

    ReplyDelete
  6. andaming pupuntahn sa ilocos don't forget to visit the blue lagoon :)

    ang laki ngpimple mo hahaha

    ReplyDelete
  7. Malay mo i-tour ka ng two new friends mo LOL

    ReplyDelete