Tuesday, July 31, 2012

Jampacked July



  Oh hai you prens! Kamusta? Matatapos na naman ang isang buwan, which leads us to another month. Natural! So recap ko lang ito sa mga nangyari sa buong buwan ko, kumbaga buod, summary and all the other synonymous words. Haha Pinataas ko lang noh? Anyways, kung binasa nyo yung nakaraang entry ko , naman,  alam nyo kung saan ako nanggaling. 


1st Birthday ng aking brat na pamangkin. Alam nyo naman pag unang apo bongga ang celebration.


"yes gumaganyan po sya" 
At nadagdagan na naman ang aking bodeh weight...




Lumantak na naman ako ng walang bukas na paniguradong pagsisihan ko. May date pa na naman ang wedding na aatendan ko. So sa ngayon eh nagsisimula na ako sa #balikalindog program. Limang butil nalang talaga ng rice every meal. So help me gawwwd!


"at oo, masaya na sya ng lagay na yan!" 
Dahil umuwi ako hindi pwedeng walang side trip. Naman! 

"Kung nanunuod kayo ng  #phl360 malamang alam nyo 'to" 
Yes guysh! Dahil sa wagas akong inggitera at makati ang paa, pumunta ako sa Tinago Falls. Which is by the way located in Iligan City. Isang oras mahigit mula sa aking hometown. 

" feeling diwata ang peg ko ditey"

Pero bago ka makatampisaw sa waterlaloo ng falls eh kelangan mo munang pumanaog(?) ng mahigit kumulang 400+ steps. Oh yes, you read it right. Hindi ko nabilang ang exact baitang. Naman! Magbibilang ka pa ba kung halos hingal to the nth level ka na? So picture me pabalik sa taas. Haha! But it was all worth it. Yung tipong mapapanganga ka sa beautifulness. 
"ang diwatang naka life jacket..ahem, ahem!" 

Oh diba taray ng orange? Sabi ni kuyang tour guide hindi pwedeng hindi ka mag life jacket kasi super, duper, as in lalim daw. Syempre bilang ako'y hindi marunong lumangoy masunorin, nag life jacket me. Nagpunta din kami sa falls mismo, kaya lang wala ng picture. Hindi naman kasi waterproof si Ngiti (my camera). Solb na solb ang panandaliang side trip! 


Pagbalik ko sa Cebu kinailangan ko na namang lumipat. At oo, the nth edition na ito. Pero sa malapit lang naman, ektweli sa kabilang pad lang. Hehe, bigger room with own toilet and bath but same price. Saan ka pa diba? Tapos may aircon pang bonus. So yun lumipat na naman me. 


"pagpasensyahan, hindi pa nagliligpit si Enday" 


Malaki yan, trust me. Pwede kang mag split at tambling nang sabay. Mejo konting ayos, curtains here and there pa, tapos palalagyan ko pa ng fountain at pool sa gitna para swabe. Charot! 


So ayan ang aking walang ka event- event na July. Kthanksbye! ^_________^





9 comments:

  1. HAHAHA. natuwa naman po ako sa malaking eyes... natakot tuloy si baby ^______^

    ReplyDelete
  2. shalan ng new pad!!!! me-aircons!

    Gusto ko din matry dyan sa nakatago este tinago falls. :D

    ReplyDelete
  3. jampacked na jampacked nga! ayos :D

    ReplyDelete
  4. parang maganda idea tong ginagawa mo nainggit ako gusto ko tuloy magback track sa mga nangyari sa akin napakamalilimutin ko pa naman hehe anyway..ang kyut ng pamangkin mo. hihi at ang mga falls super ganda!

    ReplyDelete
  5. hahaha pagka sa inahan o... tyabaw gud ang baby... hehehe... pero sige lang cute lang man gihapon.. hehehe

    ReplyDelete
  6. Hala anong ginawa mo sa pamangkin mo! At grabe ha, pde kn ring sumali sa phl360 next year sa dami ng gala mo teh!! Sori andaming!!! Hahaha

    ReplyDelete
  7. parang ayokong maimagine pag malungkot si baby juan... hahah

    ReplyDelete
  8. Ang shala naman ng Juan Paolo Antonio mala-haciendero na nagpapalayas ng kapitbahay na hampaslupa...

    ReplyDelete
  9. Just found out about yolru blog! and naaliw ako promise. are you from CDO? :) I am too! More tabi soon. I really love how you write. full of humor..

    ReplyDelete