Thursday, February 21, 2013

[Don't] Call Me Baby!





Hello Prens! Question - Bakit halos lahat ng tawagan ng magjowa eh Baby, Beh, Bebe? Dahil buwan ng Feb-ibig pa naman at mapagpatul ako sa mga ganito papatulan ko yang tanong na yan. Which reminds me, hindi naman ako ever tinawag ng mga naging jowakels ko ng BABY! 
  • Ekis 1 - Pangalan lang, as in first name bases (walang ka latoy-latoy). Ni Honey, Love, or kahit korneng Sweetie Pie wala, zero, nadah, zilch! Unang pag-ibig nga naman.
  • Ekis 2 - Bf & Gf. Ito medyo level up ng slight, pero generic parin. Pero nang magsplit naging BFF na. Ang sweet noh? 
  • Ekis 3 - Buang (Baliw), Hangal, Ga. Yes, dumaosdos ng bongga. Kasi naman hindi pa masyadong uso ang cellphone noon at nakikitxt lang si ekboypren sa Pudra nya. Para hindi mahalata eh yun ang code name. Mantakin nyong walang I love you para hindi mabisto? I hate you dapat. Super sweet na kami ng lagay na yan ha. Nang mag transition period naman eh naging Ga, short for Palangga or Pangga. A bisaya term for Mahal. Nagkataong malabo na kami nang narealize namin na mas oks pala yung tawagang yun. 
  • Ekis 4 - Siqui & Pawee. Ito pa cute, patweetums at may konting lambing na. Siqui short for Siquijor, dahil doon kami nagkadevelopan. Charot! At Pawee, short for Paulette. Para sa inyong kaalaman, bininyagan sya ng pangalan na yun which means little Paul. Ang lande talaga! Hindi ko alam anong nakain ng nanay nya kung bakit sya pinangalanan ng Paulette. 
  • Ekis 5 - Hanhan. Hindi Hon (short for Honey) Hanhan talaga sya, para maiba. Bakit? Hindi ko rin alam, naisip ko lang na cute pakinggan kaya yun na. Very well thought of diba? 
Yung mga ibang Ekis na hindi nabanggit at hindi nalagyan ng # puro first name bases na. Haha! Pero ang totoo hindi ko na sila maalala.  
Kesehudang tawagin mo sya or ka nya na Labedabs, Mahal, Palangga, Sugar, Cupcake, Puto, Kutsinta, eh wala naman talaga sa tawagan yan diba? 
Kasi kahit tawagin mo man syang Hampas lupa, Inutil, Panget at kahit mura na sa pandinig ng iba, kung sa inyo eh terms of endearment yun syempre yun parin ang pinaka matamis sa pandinig mo. 
Natural, Galing sa taong mahal mo eh. Chararat! 
Kayo anong tawagan nyo ng inyong mga jowakels? 

Ayan sinapian na naman po ang inyong lingkod, pasensya naman... Cgethnxbye! 


[by the way highway ako yan...nung Baby pa akech!]

14 comments:

  1. nyahahaha. baka nahihiya lang sila na bigyan ka ng new name tabs.

    Dapat siguro ikaw nangunang magbigay ng codename.... mga pulot, pangga, chuknat ganyans. hahah

    ReplyDelete
  2. hahaha... mas hawud gud ka anang mga pangan2 .. ikaw nalang.. hahaha

    ReplyDelete
  3. natuwa lang ako nung sinabi mong "mga jowakels" MGA talaga. ilan kaya sila? wahaha anyway..parang gusto ko ring gumawa ng ganitong post backtrack lang sana natatandaan ko pa lahat hehehe

    ReplyDelete
  4. natawa ako sa ekis 2 ... lolz

    bata pa lang sekis ka na seksi :)

    ReplyDelete
  5. kung pagbabasehan ko ang picture mo sa taas, sexy star in the making ka pala nung kabataan mo.. hahahah!

    ReplyDelete
  6. ang cute mo naman nong baby ka.bibong bibo kungmaka smile. samin? uso talaga ang baby kahit me endearment kami humahantong parin sa baby.lels.

    ReplyDelete
  7. Nagkasyota ka ng Paulette? Apo ka ni Don Tiburcio no? LOL biro lang hehehe.

    ReplyDelete
  8. haha. yung classmate ko yung tawagan nila HUnHun. :P

    from Myxilog with love <3

    ReplyDelete
  9. nung virgin pa ko, nakokornihan ako sa tawagan na ganyan. nung bumagsak ang bataan, hindi na hihihi :p parang automatic na.lol

    ReplyDelete
  10. ay nawala ata ang post ko hahaha nasira net lol

    anyways, tell us how many "mga jowakels" nga yan hahaha reettss

    bakit kapag may lette eh maliit kumusta naman si omelette dyan? hihihih

    ReplyDelete
  11. kanina pinilit ako ng utol at mga pinsan kong manood nung pelikula ni sarah at jlc. ayoko naman talaga pero mapilit eh. wala lang. naalala ko lang bigla kasi bebe ko tawagan nila.

    at talagang lima lang ang naaalala mo sa dinami-dami ng boypren mo eh, no? matinik ka talaga, tabian. bow! ako kasi dude lang talaga. porebereneber!

    ReplyDelete
  12. p.s. salamat sa madalas na pagbisita at pagtanggal ng agiw sa datnet. 'yung panghuling post, matagal nang naka-draft 'yun. nagulat ako ba't biglang na-publish. na-hack ata account ko sa wordpress. paktay!

    ReplyDelete
  13. nakanaman!!! napa-isip ako bigla at di ko maalala...hehe. iba ka msT... :)

    back read pa, pantanggal stress....

    ~k

    ReplyDelete