Tuesday, April 19, 2011

kung gago ka, wag kang magmaneho!

Still have the weekend hangover. Hindi alcoholic hangover ha, marami akong na realize over the weekend at hanggang ngayon eh traumatic parin. I was shocked about the death of AJ Perez, hindi dahil sa (1) close kami of some sort, (2) fan ako- w/c is by the way hindi,or (3) twitter/fb follower ako nya. Nalaman ko rin lang na namatay sya dahil it was all over social networking sites. At dahil na curious ako, nagpatulong ako kay mr.google, eto ang malupet na article
Before the incident, syempre weekend dapat gumala ang tabian. It was an impromptu lakad na naman. Dahil natulog ako whole sabeerday eh energize much ako by night time. Daig ko pa ang energizer bunny kasi pag weekends except noong nagkasakit ako
Maybe it was about 9pm na ako bumangon, text brigade sa mga barkadudes para gumala. Everything was set. Pumunta kami ni june sa haybol sa 'sang barkada namin. Dahil nga may sasakyan ang barkada naming yown, go kahit saan. Ready na. We're all set to go. Nang papunta na kami sa aming destinasyon para maghasik ng lagim, may nadaanan kaming group of teenagers. 
Mga magbabarkada rin, sakay sila ng dalawang kotse. Syempre we noticed them kasi ang ingay nila and hinay hinay rin sa pagmamaneho ang barkadude ko. Parang nakainom narin siguro sila. At a distance kita namin na nakasunod sila sa amin, mga limang dipang tao siguro ang layo nila. Kita namin kasi ang sasakyan ng friend ko ay parang mini multicab/pickup, so open likod. 
Sa isang iglap me narinig kaming skretch ng kotse. Pagtingin namin ang isang kotse na kasunod namin eh bumangga na pala sa nakaparadang taxi, umikot ang kotse ng 360° at tumilapon ang bumper. Napahinto kami sa gulat, mga isang kotse siguro ang layo namin sa tumilapong bumper. Siguro kung napalapit kami ng konti, sabog! Tatamaan talaga kami. Bilang kami ni june ang nasa likoran ng sasakyan, kami ang magiging casualties kung nagkataon. 
Huminto nang saglit ang kotseng nakabangga, tumingin tingin sabay may sumigaw -


"Tara bilis, bilis!"
Kumaripas ng takbo ang kotse at sumunod narin ang isang kotseng sakay din ang barkada nila. Bilang napahinto kami, kitang kita namin ang buong pangyayari. Pagdaan pa nila, kitang kita na nakangisi pa ang hinayopak na driver with his friends. Sa pagkakataong yown, dali dali naming kinuha ang plate number ng sasakyan. Pero parang sa bilis ng pangyayari, naging blurry ang lahat. Walang plate number na nakuha. Naging concern nalang kami sa nabangga nila. Bumaba ang barkada ko to check if there was someone na sakay sa nakaparadang taxi. At meron nga. Kaya pala nakaparada ang taxi kasi natutulog ang driver sa loob. 
Wasak ang likoran ng taxi. Lumabas ang driver kahit hilong talilong sya sa pangyayari. Natakot kami sa kalagayan ng driver. Morbid akong tao pero when it comes to this, parang ayokong nakakakita ng totoong nakabulagta at duguan. Jusko po!
Confirmed that he was ok, tinignan namin ang lumipad na bumper. Ang loko naiwan pati ang plate number. Buti nalang at nagkaganon. Naka hit and run sya pero nagiwan pa ng ebidensya, buti nga! 
Nagsidatingan ang mga repapeps, alam mo naman ang pinoy pag may ganitong mga eksina, daig pa ang langaw na umaaligid sa tae.
Umalis kami sa scene of the crime, kasi alam naming everything will be taken cared of at dumadami na rin ang mga langaw tao. 
Pumunta kami sa nearest ATM para may maiwaldas naman kami sa tagayan session. Malapit sa ATM nakita namin ang kotseng walang bumper, familiar. Fortunately nahuli ang guy na nakabangga, kung hindi pa naman sya ang pinaka engot, bumalik pala sya sa scene of the crime para kunin ang bumper ng sasakyan nya. Ayown huli tuloy, again buti nga sa kanya!
Naging pulotan namin ang nangyari. Swerte kami at hindi kami ang nabangga. 
Swerte at walang nasaktan sa pangyayari. Swerte at nahuli ang hinayopak. Swerte kami sa mga kaonting segundo na hindi kami ang nasa likoran ng kotse, malamang sa alamang eh wala ako ngayon at nagkukwento sa inyo neto.
Kung Gago ka, wag kang magmaneho. Kung gago ka, wag kang uminom at magmaneho, may sakay ka pa naman. Gago ka, at pinahamak mo ang iba. Gago ka at hindi ka nagiisip. Gago ka, natraumatize ako, sa tuwing malapit ako sa mga sasakyan ngayon ay laking takot ko na. GAGO! 
And its sad to admit, naglipana kayo!
Bakit may relate etong post ko kay AJ Perez? Dahil namatay sya sa car accident. 


------------------------------------

Kung umabot ka sa linyang eto either tinapos mong basahin ang post ko (salamat) or nag skip read ka (ok lang)*roll eyes*
On a lighter note. Dahil sa dami ng catching up to do at kwentong na pending ng mga barkadudes ko ay inumaga na naman kami sa tagayan sessions.


"nyeta! ako na ang parang na e-ebs ang smile"

11 comments:

  1. hahahah,. boblaks yung nakabangga,. he deserves that thingy! :D

    ReplyDelete
  2. maraming mga ganyan ngayon noh? lakas magtrip lalo at nakainom. usually ung mga teens ang ganyan eh.. may same experience akong naencounter years before, the only difference eh sa eksena na nawitness ko may namatay. grabe ung time na un, gustong humiwalay ng kaluluwa ko sa katawan ko sa nakita ko. ung guy na nakadisgrasya was an 18year old rich kid who's drunk and irresponsibly driving his dad's car and later on nareveal na tinakas lang pala ung sasakyan sa kanila

    www.lifes-a-twitch.com

    ReplyDelete
  3. yan ung mga sarap bungian.. mga wreckless driver at nakangiting aso.. maytag mabungi ang pahing!

    ReplyDelete
  4. title palang natawa na ako...LOL lang..so ibig sabihin nito ay pwedi pala ako magdrive? hehehe

    Ingat lang palagi tabian, saka thanks god walang nangyaring masama sa inyo at bungi nga sa mga gago na un...

    ReplyDelete
  5. May mga tao talagang hindi dapat payagang magmaneho!

    ReplyDelete
  6. @khanto - na alog ata ng bongga ang utak ng bumangga! hehehe

    @yanah - tomo! naglipana na nga sila..ayoko nakakakita ng mga real morbid stuff, pang movies lang ang powers ko..hehe

    @mr.chiz - hahaha..mabungi jud? iyang bumper lang man ang nabungi..

    @akoni - pwede ka ng magdrive, bili ka muna ng sasakyan..hehe hunga! nabungi ang bumper nya..weee!

    @glentot - kerek! weee!

    ReplyDelete
  7. hehe.. may lang kay ang iyang kotse ang nabungi, wala maapil iyang ngipon.. laughtrip unta to! :D

    ReplyDelete
  8. Tabian, buti nalang at safe ka naman, ako dati tricycle naman, ang bilis ng takbo, tapos biglang nag preno yung siraulong driver! Nag 360 degrees na umikot ikot ang tricycle habang nanduon lang ako sa likod ng driver... Awa ng DIYOS, buhay naman ako at maliit na sugat lang sa likod ang tinamo ko. Yung mga kapatid ko sa loob ng cab ay ok naman din... Dapat kasi, unang una, wag iinom kapag may balak palang mag maneho. Maraming mga taong iresponsable, sarap balatan ng buhay... Buti nalang 'di naman kayo napaano. At, salamat at nahuli naman yung naka bangga, buti binalikan nya yung bumper nya! Dapat mas matindi parusa kapag ka ganyan na nag hit and run, sana gawing death penalty! hehehe! =)

    ReplyDelete
  9. @ ISP 101 - dapat balatan tapos buhosan ng asin..wahahaha

    ReplyDelete
  10. hahahaha! just now ra kaau ko sa post... OMG im in this blog! starring?? hehehe

    ReplyDelete