Tuesday, April 12, 2011

weekend wawa



Hindi naging mabait sakin ang weekend. Rest day ko paman din, pero wala, wala akong ginawa kong hindi humilata. Nagkasakit ako, sorry naman. Lagnat ng bongga at sore throat. Nagbabadya na talaga na magkakasakit ako last Friday. Bahing dito, sneeze doon, kaliwa't kanang atchoo! Pero sabi ko sa sarili ko, hindi pwede, may gala this weekend. Sasama ako sa Camotes Island, white beach and excited much dahil first time ko makapunta doon. 


Ang plano eh Sunday morning kami lalarga, so sa isip ko ok lang na magkasakit sa Sabeerday wag lang sa araw mismo na aalis kami. Paguwi ko galing office, eh syempre Saturday morning na yown, may kakaibang lamig na akong na fifeel, pero kebs parin. Nagyaya pa nga ako kay nieco ng tagayan session. 
Before mag session, chumibog muna kami, pero talagang di na nagpapigil ang lamig. Nasa labas na ako sa office at sikat na sikat na ang araw eh naka jacket pa ako pero malamig parin. Nagsimula naring sumakit ang ulo ko. Kaya pagkatapos ng chibog, walang tagayang naganap. 


Umuwi ako at lumagok ng biogesic, nagbabakasakaling umokey. Nakatulog ako mga 9am at  naka set na ang alarm ko to 3pm, magpapalaundry ako pagkagising. Nagising ako ng mga 1pm siguro dahil sa lamig. 
Sing lamig na ng Siberia ang kwarto ko. Pinatay ang electric fan at lumagok uli ng tabletas na iniendorso ni john lloyd, pinatay ko na ang alarm. By this time, parang nang hina na talaga ako. Unti unti ko nang tinanggap na walang lakarang mangyayari kinagabihan. 


Marami na akong napanaginipan, kung ano-ano nalang ni hindi ko na maalala sa taas ng tulog ko. 
Deep inside nananalangin ako kay papa jes na sana umokey na para makasama naman ako sa Sunday. Sabeerday night, medyo umokey na ang lagnat ko, nagdecide akong maligo, which is by the way a wrong move. Ang laki kong engot, yown pala ang ikahihina ng powers ko.


Feeling fresh pa akong lumabas para kumain sa pinaka malapit na fastfood na may malaking bubuyog. 
Paguwi ko nagmarathon pa ako ng debede, then suddenly, naramdaman ko na naman ang lamig. 
Patay! Parang lalagnatin na naman ako neto, ayown bat kasi naligo. Wala akong nagawa kundi tumungga na naman ng biogesic, halos naubos ko na yata ang isang baon pack, yung may walong lamang tablets. Bumili pa nga ako ng panibago kasi naubosan pa. Pagkatapos lumagok, nag gear up (pajama, jacket, makapal na kumot) na ako para matulog. Lumamig uli ang kwarto ko. Sa kapal ng jacket at kumot ko ay ramdam ko parin ang lamig.Lentik! 


Sa mga oras na yown, ng papapikit na sana ang pumopungay kong mata tumunog ang aking selopono...

"6am ang dating ko, uuwi lang ako at magbibihis tapos larga na tayong camotes"
2am na text galing sa barkada ko. 
Nak ng tipaklong! Pano 'to? Homayghad! 
Suntok sa buwan kung makarecover ako sa kalagayan kong 'to. 
Wala na, wala ng pagasa na gumala at mag beach.
"Pass na muna ako...may lagnat pa kasi ako, with matching chills..di rin ako mageenjoy. Next time nalang siguro"
At gumuho ng pagka bongga ang aking world. Gusto kong maluha ng pagkadami daming popcorn sa panghihinayang...
"Sure? Matagal pa tayong makakabalik don.."
Eto lang ang sinagot ko - 
"Ok lang, may next time pa naman eh...enjoy nalang kayo"
Nyetang katawang lupa, hindi talaga nagcooperate. Natulog nalang akong hilo sa pinatutungga kong biogesic. Sunday morning, umalis ako at bumili ng gamot. Iba naman, para kasing pinagloloko na ako netong si john lloyd sa mga ingat lines nya. Nagpauto naman ako sa iba, bioflu naman. Nag self diagnose at self medicate na naman ako. 


Ang hirap kasi sa hindi pa regularized sa trabaho, wala ka pang coverage sa health insurance. Next month pa kasi ako mareregularize(fingers crossed). Bawal magkasakit. Sa awa naman ni papa jes naka recover ako, may side effect nga lang. Nang pumasok akong office Monday night eh hilong talilong pa ako sa mga pinagiinom kong tabletas. Nang pumunta akong clinic mahaba na ang pila, umalis nalang ako baka bigyan lang ako ng biogesic. Nang simulan ko ang entry ko na 'to Monday night, natapos...Tuesday morning. Ako na ang parang junkie. 




Nagkandaduling din ako sa pagsulat ng entry kong 'to. Side effect din siguro. Lech!
Nagkandaduling din ako sa pagsulat ng entry kong 'to. Side effect din siguro. Lech!
  
"ingat mo muka mo!"
 

 

 


6 comments:

  1. aw. sayangs ang lakads. Ang hirap pag nagkakasakit kung kelan may lakad/pupuntahang lugars

    ReplyDelete
  2. hehe..nag enjoy ako sa blogs mo...haha..teka, lumuluha ka ba minsan ng popcorn? hehe..sayang hindi ko makita ang litrato. tsk

    anyway, masaya si akoni dahil okay kana. at sana maregulat kana rin dyan sa work mo..hehe

    ReplyDelete
  3. i loved reading your blog!! saan part ba ang camotes island? haha! hindi ko na search kaya sau na lng ako itanong, pra mas cool..

    si papa loydie bkit ngka bigote? ingat.

    ReplyDelete
  4. @khanto - hahay..kung pwede lang sana e schedule din ang sickness noh? sayangs much!

    @akoni - popcorn? uu, sinasalo ko nga para kung nag sine ako ticket nalang babayaran ko..hehe
    sana nga maregular na ako (fingers and toes crossed) weee!!

    @mommy raz - maraming thank you momi raz! Island po na malapit sa Cebu mga 1 1/1 hrs bus ride tapos 2 hrs boat ride..
    nilagyan ko ng bigote para kunwari anonymous din..hehehe

    ReplyDelete
  5. sayang ang trip to camotes island.. bawi na lang next time at wag ng maniwala kay loydie.. :P

    ReplyDelete
  6. @mr.chiz - uu nga, next time..di pa naman aalis ang camotes eh..hehe kasi naman minsa feeling ko, ako si basha..charot!

    ReplyDelete