Tuesday, February 1, 2011

"parang na e-ebs lang"


Dear Papa Jes,


           Excited much na ako sa Manila trip ko. Sana naman eh may pera ako by the time na lumipad ako doon at mag hasik ng lagim liwaliw. Sa ngayon pulubi pa ako, balak ko na nga sana pumwesto sa labas ng building at maglagay ng lata, kahit pang starbucks lang, arte much?! Parang ang bilis na ubos ng sweldo ko noong nakaraan, saan na nga ba napunta yown? Parang dumaan lang ng bahagya sa aking mala porselanang kamay, chos! Bayad dito, bayad doon, gastos dito, gastos doon. Wala naman na akong scholarship program ng boypren pero parang na holdap ako ng ilang beses sa bayarin. 
          Papa Jes, sana ay maging ok ang lahat. Hindi pa nagkocooperate si Mr. Sun, parang may bagyo ata. Sana eh maging ok na ang weather sa susunod na mga araw. Sana rin eh makarating akong buhay sa Manila, at hindi liparin na parang eroplanong papel ang sasakyan ko. Mageenchanted ako, sana lang eh sa pagsakay ko ng roller coaster ay hindi ako naka payong at naka raincoat. Ang sagwa naman kasi papa jes tignan na imbes na sumigaw ako sa excitement eh mas mapasigaw ako dahil kinuyog na ng hangin at ulan ang aking payong. Imbes na mabasa ako sa rapids ng ride eh unahan ng ulan ang aking outfit. Papa Jes hindi naman ako nag dedemand ng bongga. Eto ay pakiusap lamang galing sa isang syanang tulad ko. Sana lang eh maligayahan ako sa aking mga excapade galore sa Maynila *insert Maynila theme song here*.
         Yown lang po papa jes, sana pagbigyan nyo na me. Bertdi ko na naman yown eh.


Nagmamahal much,


Tabian








P.S.


Makita ko na sana si soulmate. *puppy eyes* 








Last P.S. pwamis...


Sana tumama ako sa lotto. *hehehe*

5 comments:

  1. ingat sa byahe mam..advance hapi bday kung kelan man yun..ahehe :)

    Dear Jes,

    sana tumama sya sa lotto.. para mambalato xa(close?) hihi

    amen

    ReplyDelete
  2. maraming thank you neng! pauulanan kita ng ayt klim pag nanalo ako...hehe

    ReplyDelete
  3. Haha sana mag-enjoy ka sa Manila escapade mo! Don't worry hindi naman maulan masyado these days...

    ReplyDelete
  4. sana nga ser glentot!
    ako ay nananalangin kay papa jes at sa lahat ng mga lamang lupa na tumino ang panahon sa pag alis ko...:D

    ReplyDelete