...sa pagsalubong sakin ng with arms,
...sa pagbitbit ng aking bag na pang ilang araw lang naman na damit ang dala eh parang pang 1 month ang bigat, sorry naman necessity lang *hehe*
...sa pagalalay sa akin sa pagsakay at baba ng sasakyan, hindi naman ako inutil, sadyang ako minsan ay eengot-engot at madaling ma tisod (mala damsel in distress ang show)
...sa mga palala na delikado sa Maynila at kelangan sipit kili-killers ang bag dapat
...sa explanation kung baket ganoon nalang ka traffic ang Maynila, na kung magdadala ako ng libro eh matatapos ko sya pero hindi pa ako aabot sa aking destinasyon
...dahil pinatikim mo ako ng Thai food for the pers time, masarap sya in fairness, sana lang sa susunod eh makapag food trip tayo ng mas matagal at marami
...dahil sinamahan mo ako sa gusto kong trip na sumakay ng MRT, 'lam ko naman na eto ay isang pangkaraniwang sakay lang para sayow, pero naging buwis buhay sya sakin,enjoy naman
...dahil na briefing mo ako ng maaga na sa MRT may mga pasabog na kung anik-anik na bodily bomba, at kili-killers, sa pag orient na para talaga akong nasa super bowl pag sumakay ako neto
...sa pagdala mo sakin sa iyong happy place, simple pleasures na naapreciate ko ng bongga
...dahil nagkwento ka ng parte ng buhay mo, 'lam ko naman na isa kang antukin pero nakipagkwentohan ka pa rin kahit halos pumupungay na ang mga mata mo sa antok
...sa pagdala mo sakin sa Quiapo Church, kahit buhat-buhat mo ang bag na pang 1 month ang bigat, oo na,again necessity yown
...sa pagalalay sakin sa buwis buhay ulit na pagsakay, this time sa bus, inaamin ko isa akong malaking lampa
...sa pagsama sakin sa Enchanted Kingdom, naging bata ulit ako ng mga panahong yown, isang
...sa pakikisama mo sa aking mga kaibigan
...and for making this one whole birthday trip memorable, na ang tangi mong sambit ay "Mag enjoy ka lang..."
solb na solb ang lahat dahil sayo *teary eyed*
Maraming Salamat!
"paken shet,pa kiss nga?" |
No comments:
Post a Comment