Friday, March 4, 2011

Hi, thanks for calling...



I've been with the call center industry for quite some time now, running 4 years to be exact. At umeenglish na ako, pero first sentence lang dahil baka ma comatose ako kung itutuloy-tuloy ko pa. Noong una trip ko lang mag-apply kasi sabi nila you'll just sit there and talk and cheching, instant money. I have this notion that its a no-brainer-job. But I was wrong, as in super bonggang ekis. Umaalis ako sa amin na dala lang ang lakas ng loob, 3k + barya sa pitaka, at isang kutsaritang english na hinukay ko pa sa baul. Nakipagsapalaran sa ibang lugar, iniwan ang pamilya at naging hampas lupang call center agent. Maka ilang beses ding hinambalos at pinagdutdutan sa pagmumukha ko na hindi pwede ang english ko kasi dapat may tuwang , tweng, twang kung ano man yown, basta dapat daw may american accent akew. Sa dinami-dami ng inaplayan ko sa awa ni papa jes eh natanggap ako. Ang alam ko lang dapat nasa customer service na department ako, pero ng nagparoleta ata ang mga lamang lupa eh sa technical support ako gumulong at bumagsak. Eh ang alam ko lang naman noon sa computer ay pag patay, as in pindotin ang button para e-off at pindot uli neto para e-on at mas mabagal pa sa pagong na sumali sa triathlon kung magtype. Nang nag training nga kami dumugo hindi lang ang ilong ko pati na rin utak, puso, atay, lamang loob, at kung ano pang pwedeng magdugo. Hemorrhage kung hemorrhage. 
May mga bagong term akong nalaman. Kesyo memory, motherboard, hard drive, parallel port, usb, BSOD at kung anik-anik. Kasi ang support namin eh mag trouble shoot ng computer over the phone. May virus, spyware, adware, trojan at kung ano pang lamang lupa na umaatake sa computer na dapat din naming e-address. So kung humina na ang powers ng pc mo at wala namang masyadong files, wag nang mag streaming ng porn, baka makasagap lang ng masamang espiritu. Humanda sa massive OSRI (operating system re-installation) or bura to the nth level. Lesson learned the hard way. *teary eyed*
Hindi ko 'to alam noon, hindi rin pala dapat na pindotin lang ang button para e-off at e-on ang pukyoter. May shutdown pala. Nyuk! 
Sa tagal ko sa industriyang itech, bukod sa mga computer terms eh marami pa akong nalaman, na experience at nabahaginan. Naging iba ang takbo ng body clock. Na sanay matulog sa araw at kumayod sa gabi. Pokpok kung baga according to ser maldito. Ang kape ay 'di lang pang umaga, eto ang nagpapagising at bumubuhay sa katawang lamang lupa na tulad ko. Samahan mo pa ng yosi, swak, buhay  na sa magdamag. AHT, QA, FCR, Avaya, headset, scorecard ay ordinaryong termino. Lunch kahit hindi naman sa tanghali. Pag-uwi ko umaga na, mga kasabayan ko sa jeep amoy bagong paligo, ako...never mind. Sa gabi naman ako ang amoy bagong paligo at sila naman ang amoy araw, anghit at may putok. Sanay masigawan at murahin sa telepono, eh ano ngayon malayo naman sila. Hindi pwede and super sensitive, baka maiyak lang sa pinagsasabi ng mga puti. Pwede rin namang magmura, 'wag lang kalimotan pindotin ang mute button. *big grin* 
Dahil din sa trabahong eto napagtapos ko ang mga kapatid ko, ate sa umaga, singer sa gabi... oi parang hindi ako yown. Yeah seriously, (seriously daw oh?) natulungan ko ang aking parents sa pagpapaaral ng mga kapatid ko, sa awa ni papa jes uli nakatapos din sila. Bumobonggang thank you din ako sa trabahong 'to kasi nang magkasakit si erpats eh may health card na sumalo sa gastosin, minsan nga lang sa kadalasan nya sa hospital eh gusto na atang doon nalang tumambay. Hahay, kay hirap talaga magpalaki ng magulang. (sa next post ko nalang e-elaborate) 
Tumagal ako ng 3 years sa una kong company, tumagal ako ng ganon ka haba sa pag trouble shoot ng computer. Sa ngayon printer naman ang tinatrouble shoot ko sa ibang company na. Hindi ko alam kung hanggang kelan ako sa bago kong company, hanggang kelan ako magtatake-in ng calls, hanggang kelan ako magiging hampas lupang call center agent. May mga pangarap din naman ako, gusto ko rin naman mag-artista wala nga lang time, chos! Pero next time na siguro yown, sa ngayon happy pa naman ako dito. 
Maraming nagsasabi that the industry I'm in right now eh hindi pang matagalan, kung baga its just a phase. May point nga naman sila, sino nga naman ang gustong tumanda sa trabahong eto na bukod sa night shit shift eh stressful pa? Hindi nga naman healthy. Para sa akin kahit noon pa, stress is a state of mind. Kahit pa siguro anong trabaho may kaakibat na stress, nasa tao naman na siguro yun kung paano e-handle, diva? Maraming pros and cons pero nasa pakikibagay lang siguro yown. Kung keri ng powers nyong pumasok sa gaya ng industriyang eto, go! Malay nyo dito pa kayo yumaman. Pak!




"yikes! taba ng mga daliri ko"




Disclaimer: Hindi po ako yumaman sa call center, hanggang ngayon eh hampas lupa at kayud pokpok parin ako. 

3 comments:

  1. kainis kapag boblaks ang kausap sa phone. At pati yung mga irate callers. wakokokokokok

    ReplyDelete
  2. no worries. huwag nila tayong maliitin. (lalo ka na. :P) tayong mga hampas lupang call center agent ang bumubuhay sa industriya ngayon. kung wala tayo, ewan ko na lang kng saan sila pulutin. (galit?!)

    ReplyDelete
  3. Parang nakaka relate ako, hehehe! Nakakasuka na talaga mag calls, lalo na kung morethan 5yrs na ginagawa... Pero mahirap naman mag resign basta2x, lalo na kung wala namang business na pang back up or kung lilipat man ng work or company, baka 'di na kayang tapatan ang basic pay. Kaya tiyagain nalang siguro hanggang lumaki ang retirement bonus, kapag puno na ang salop, saka nalang siguro mag resign kapag malapit ng mabaliw! Hehehe! Totoo yan, napaka halaga ng health card, nung mag asawa ako, napunta na sa wife ko yung health card na mas gamitin ng mommy ko. Eh 'di naman sakitin misis ko, kaya sayang din lang, kaya pag nagkakasakit mommy ko, patayan sa pagbayad ng hospital bills. Sana meron option kung kanino pwede ibigay yung HMO, para 'di na sasayang! Hayyy... Nice blog! Mabuhay! =)

    ReplyDelete