Monday, March 14, 2011

the beer, the videoke, and the scandal

Its Sunday..ay Monday na pala. Maraming nangyari sa amin kanina (if I may say) dahil inumaga na naman ang tagayan sessions namin. While I'm writing this entry ay on going pa rin ang session. Sa totoo lang hindi ko talaga ma gets kung bakit napaka possessive ng girlfriend ng kabarkada ko sa kanya. Ganito kasi yown, we went out since umuwi ang kaibigan namin from Manila. So get together ang show. Kumain tapos ang usual routine catching up over a bottle of beer or so. Syempre sinama namin ang kabarkadang  may gf na super hitad at insecure nyetaness. Nakakasama lang namin ang barkada naming yown pag wala ang hitad or may war of the worlds sila. Parang mabibilang ng isang kamay ko ang beses na makasama namin sya, so usapang walang humpay, tawanan at ukrayan to the nth level. Itago nalang natin sa pangalang sun ang barkada ko. Si sun may trust issues na talaga sya with the gf, pero that was so long ago, and take note they're still together despite that fact. Ang hindi ko maintindihan kung bakit kahit kami ang kasama eh aligaga etong si ateh. Parang kapatid lang ang turingan namin ni sun, matagal na rin kaming magkabarkada so parang incest na kung patulan namin sya. Nag open-up si sun na hindi sila ok, at parang wala na syang gana sa sex nila. Kahit kiss nga eh hindi na nya ma atim. So there's no point to stick with the relationship if wala na talaga. Ang rebuttal ng gago naawa daw syang iwan sya. Sabi ko sa kanya " engot ka pala, kung pity lang yan eh wag na kayong maglokohan. Nyeta hindi mo na mahal, bat mo pa patatagalin?". Si sun tulaley at walang ma isagot. Bilang, matagal na nilang issue yan at ulirang kaibigan nerespeto ko desisyon nya. Ganyan naman talaga eh, hanggang advise ka nalang, nasa sa tao na rin kung gagawin nya yown. The whole time we were together bukang bibig nya ang problema nila. Marami akong sinabi, kesyo masyadong syang push over kaya ginagawa ng hitad na yown sa kanya, sya ang may balls - dapat na magmatigas naman sya at umalis nalang muna, at pumapayat na sya sa pangyayari. It was always the same conversation that we have. Nagiging cycle na nga lang ang lahat, today ok sila, kinabukasan aatake na naman ang di ko na eexplain... Sa kasarapan ng videoke at inoman namin, hindi ko namalayan na tumatawag na pala ang gf ni sun sa aking selepono. Ngumangawa kami doon na parang wala ng bukas, so expected na di ko talaga mapapansin ang tawag nya. Biglang may nag open ng pinto sa videoke, gf ni sun. Umuusok ang tenga at ilong sa galit. Ang siste kasi, pinapauwi na pala si sun eh sa nag eenjoy pa sya at late narin ng sumabay samin. Tumatawag din pala sya sakin para pauwiin na sya. WTF? Parang eksina sa pelikula, nanlaki ang mata ng hitad samin, hinila nya si sun at sinampal ng walang ka kem-keme. Ay nag scandalous acts ang gaga, hinampas ang pinto at muntikang magwala. Na shock much ang beauty ng tabian and friends. Hindi namin inakala na she would go that far to get his man to go home. Pinigilan ni sun si gf sa pagaway samin. Lumabas at nagusap. Hindi kami kumibong magbabarkada. Pero dahil sa abnormal kami, tuloy ang kanta (sayang naman ang babayarang oras noh?). Binukas muli ni gf ang pinto sabay sambit na " kanina pa ako tumatawag, kanina pa ako sa labas, you know how that feels? So masaya na kayo?" at nakatutok pa sa'kin. Hindi ko sya pinatulan. Gusto ko sana syang sabunotan, sa laki kong 'to tignan lang natin kung hindi ka manghiram ng mukha sa aso. Pero dahil barkada ko si sun, I didn't stoop down to her level. Umalis silang hindi ko alam kung na fix ba, nagkalimotan sila all the way sa bahay, tinarak ba nya ang kutsilyo kay sun or either ways, or naging ok ang lahat, at magiging cycle na naman ang nangyari. Patapos na ang entry kong eto pero hindi parin dumarating ang barkada kong si sun. Last text nya samin, aalis na daw sya doon (oo,live in sila and it makes it harder for things to happen) at itutuloy namin ang session. Wala ni anino. At a single's point of view, hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi nya maiwan-iwan ang gf nya, eh hindi na naman nagwo-work ang lahat sa kanila? As far as I can remember, may bf pa ako eh issue na ito, ngayon na single na ako at wala na ang mga hinayopak kong boypren ay ganito parin? I pity both of them. Sa opinyon ko lang, staying for the comfort and having a relationship just for the heck of having it is such a waste of time. Pity will never be enough to fill the hallow spaces of the f*cked up relationship. When you loose trust, parang thank you nalang lahat, unless you're willing to forgive and forget. Hahay ewan!















 Tagay ko na pala...

4 comments:

  1. maybe hindi pa decided si sun kung he should let go and move on. May guilt kasi siguro syang nararamdaman kung iiwan nia gf nia,

    ReplyDelete
  2. Hanep ayaw mag-paragraph! hehehe undersdtandable kasi sa inuman mo isinulat ito hahaha... bayolente si ate ah. Nananakit nang walang kakeme keme. Makokonsyensya yun kinabukasan.

    ReplyDelete
  3. gravy naman yun, mega sugod pang nalalaman kawawa naman ang friend mo. kapag wala na talagang love na namumuo sa relationship, much better to end it.

    ReplyDelete
  4. @khanto - just an update;umalis na sya finally pero di ko alam kung until when din..hehe

    @glentot - sorry naman, hindi pa nga ako lasing ng sinulat ko yan..hehe

    @mr.chiz - tomo! kawawa talaga, ang payatot kaya non..:)

    ReplyDelete