Tuesday, March 29, 2011

paalam



Walang pagsidlan ang aking kalungkotan ng ika'y lumisan

Hindi ko inaasahan na sa maikling panahong tayo'y nagkasama ako'y iniwan mo na

Sa tuwing ika'y aking kapiling, ngiti ang lagi mong dala 

Ikaw ang nagbigay ng  mga ala-ala, ng mga kahapong kay saya

O bakit lumisan ka

May luha, pighati at lumbay sa iyong pagkawalay

Batid kong maiibsan rin ito mahal ko

Kaya sa huling pagkakataon ito ang tanging alay ko

Paalam

Paalam mahal kong Ex

Paalam

-

-

-

-

-

-

January 2009 - March 2011






6 comments:

  1. haayy sobrang nakakalungkot naman ng post na 'to..haaayyy...isa pa nga..haaaaayyyyy....

    ReplyDelete
  2. paalam ex.. hindi na ba maibabalik ang dati, ang nakalipas? sayang ang pinagsamahan nyo..

    ReplyDelete
  3. at least yung akin naghihingalo pa. waahahaha...

    ReplyDelete
  4. @akoni - sabayan na kita..haaayyy.. nalungkot din ako ng bongga sa kanyang paglisan, sana lang ay nasa mabuti syang kalagayan..:(

    @khanto & mr.chiz - yep, pinaiiponan ko na ang bagong jejecam ko

    @ nieco - kantyaw jud ka!

    ReplyDelete
  5. YOU WILL BE MISSED, DIGICAM!

    ReplyDelete