Thursday, January 27, 2011

ah weight a minute

"Sus diet-diet ka. Nya nalipay ka?" 
(Sus diet-diet ka, so masaya ka naman?)

Yan ang nasambit ko ng biglaan habang kami ay chumichibog. Madalas kasi 'tong kaibigan kong 'to na masungit, dahil nga sya ay diet ng diet. Ang ultimate goal nya ay magka abs tulad ng kay Marc Nelson, kamusta naman ang nangarap ng gising? Para namang natulog ka tas pagkagising mo ay pang macho man na ang abs mo. Sa totoo lang pumayat na sya ng konti, ang dating medium shirt nya ay nagkakasya na, para nga lang naman syang alanganing longganisa. Pero carry pa naman. Hindi rin naman ako sa mapanglait, dahil 'di naman din ako kapayatan, healthy lang. Kung baga sa chusyal na term "chubby" lang. 
Ang hirap naman kasi sa nag dadiet kung kaibigan ay susungitan ka nalang bigla. Ang dakilang rason ay dyeta sya, pigil ang pagkain, at kahit gustohin man nya lantakan ang naka hain eh hindi pwede dahil masisira ang diet nya. Arte much. 
Dumaan na rin ako sa mahirap na pagdadiet. Gym, pills at kung anik-anik na debidi ng exercise. Fulfilling naman pero madugong labanan din, nag lose ng weight, pero pumayat din ang laman ng bulsa ko. Mahal ang bayad sa gym at dapat ang kakainin mo low fat, low carbs, low salt, at kung ano pang low. Kung low sila sa lahat bakit high ang price? May sukat din ang pagkain, dapat 'sang cup lang or less. Wala nang dagdag. Pero gutom much. Sabi pa nila small frequent meals, pero parang bitin parin. Parang ang na install lang sakin eh yung frequent meals. Hahay, pambihira naman 'tong dyetang 'to. Kay raming rules. Palagi din akong simangot nung mga panahong yaon, kasi nga pigil sa lahat ng bagay.Di ako makapag isip ng tama, kasi gutom. Parang yung mga nakasalubong kong naglalakad eh pagkain na ang tingin ko sa kanila, sarap tikman, chos! 
Maraming dapat e- sacrifice sa diet. Bawal ang ice cream, cake, chocolate, naiisip ko pa lang natatakam na ako. Nasira ang buhay ko sa diet-diet na yan, arte lang. Pero 'di ko na kayanan, 'di na rin ako masaya, matamlay na ang sex life buhay ko. 
Kaya lentik na diet at pagpapapayat na yan! Kung 'di rin lang ako magiging masaya, eh ayoko na.
Hindi ko na pipilitin ang sarili ko, nahahagard na ang bongga kong beauty. Magpapapayat ako hindi dahil sa kung sino mang poncho pilato, 'di dahil sa uso, at 'di dahil sinabi nila na "ang taba mo na". Magpapapayat ako dahil gusto ko at kaya ko. 



"Pak!"


Friend: Oo nga 'di na ako masaya
Tabian: Ba't ka pa magdadiet?
Friend: Kasi sayang naman ang abs na tulad ng kay Marc Nelson
Tabian: Ka abs mo nga si Marc Nelson, kamukha mo naman si Panchito.*sabay tawa ng malakas*
(Note: Hindi kasi lumiliit mukha nya) 

3 comments:

  1. asus. parang di naman nag enjoy sa paglantak nang pagkain. eheheh

    ReplyDelete
  2. wait sa gud... kinsa man ni nga friend bah??

    ReplyDelete
  3. ay dai si adie mana gud...hehe lisod man sad kung mag name-names ta ngari..

    ReplyDelete