Tuesday, January 25, 2011

master and me



Wala akong na accomplish buong weekend. Dumami lang 'ata ang muta ko sa pagtulog.
Inaatake na naman ako ng katamaran. Naging bespren ko na naman ang kumot, unan at kama ko. Wala naman kasing nag text para sa weekend inoman getaway. Hindi ko 'lam kung may load sila o sa katamaran ko rin eh hindi ako makapagtext. Nang umuwi ako ng Saturday morning, dahil ako ay isang hampas lupang call center agent, ay parang hinihila ako ni Master Slumber. 


"Master Slumber (stolen shot kuno)" hehehe
Master Slumber: O, lumapit ka
Kung gusto mo akong halikan
Bat kita sasawayin?
Alam na alam mo namang
Ito'y gusto ko rin
Alam na alam mo namang
Ako'y kikiligin *sabay giling*


At si Tabian ay nahulog sa bitag na gawa sa kutson.
Nang magising ako, madilim na ang paligid. Pinilit kong bumangon pero, lintik na panahon! Umulan, malamig, madilim sa labas, very conducive sa pag gala sa Lala Land. Tinawag na naman ako ni master.








Master Slumber: Kaya't sige, lumapit ka
Kung gusto mo akong yakapin
Di kita sasawayin
Ang laging pangarap ko'y
Yakapin ka rin
Alam na alam mo namang
Ito'y gusto ko rin *giling, kiss sabay hug*

Nagpadala na naman ako sa tawag ng laman antok.
Naghikab, at unti-unti akong ni yapos ng aking Master.
Nagising nalang akong hubo't hubad , dyuk! Di na ako nagpadala sa mga lambing ni Master.
Nag-unat, at nagplano ng gagawin sa buong araw ng linggo. Naligo, at umalis para bisitahin si papa jesus. 
Halos ma sambit ko lahat ng santo, 'di paman ako nakaka abot sa simbahan ay parang nag faflash back na ang mga kasalanan ko, mga mahal ko sa buhay, at parang pinagsisisi na ako, mabilis at matulis matulin si manong driver. Kung pwede lang sanang batukan, matagal ko ng ginawa, kaya lang parang naka taya ang buhay ko sa kanya.

Tabian: Manong naman baka lamay na ang abotan natin sa simbahan.
Manong Driver: Chillax! *sabay kindat* ako bahala sayo.
Tabian: Punyeta!
Manong: Am sarry? Pardon your french.
Tabian: (natahimik at nagtuloy sa pagdasal)

Pero echos lang. Di na ako umangal, pinagpapa sa Diyos ko nalang si manong. Sana kunin na sya later ni papa jesus. Dumating naman akong buhay pa sa simbahan. Nagusap kami ni papa jes at humirit akong ibigay na nya si soulmate ng may ma katabi naman ako sa pagtulog kasama naman ako ng hindi na ako kumanta ng Alone.

Till now I always got by on my own 
I never really cared until I met you 
And now it chills me to the bone 
How do I get you alone ... 
alowwwwnnnn... 
alowwwwwnnn... *fade*

Pagkatapos makipag chikahan kay papa jes, pumunta ako sa pinaka malapit na botika mall at chumibog.Nagwindow shopping, dahil gipitan ang show ng lola mo. Naglaway sa mga gustong bilhin, sparkling, shining, shimmering splendid, a whole new world. Chos! Arte lang. Hindi ko talaga balak bumili ng kung anik-anik pero ng napadaan ako sa Power Books, tila hinila ako ng kung anong enerhiya/powers/hypnotism o lamang lupa. Ayown, may nabili tuloy akong libro. Sana lang ay di sya ma apektuhan ng short attention span ko.
Hindi na ako tumuloy sa ibang parte ng mall, delikado, baka tiradorin na naman ang laman ng wallet ko. *tsk, tsk,tsk* Mamulubi na naman ako ng bongga!
Ako'y umuwi at sinimulan basahin ang nabili kong libro. Pero parang may tumatawag na naman sa akin.

Master Slumber: Tabian. 
O, lumapit ka
Kung gusto mo akong yapusin
Diyos ko! Ako'y kikiligin
Alam na alam mo namang
Ito'y gusto ko rin
Asahan mong ika'y di ko sasawayin *sabay kindat*

Di nabigo si master, nakuha na naman ako sa pa kanta-kanta at may pa sway-sway pa.Hindi na ako nag atubili, nagparaya nalang sa mga kamay ng aking master. At ayown, tulog uli si Tabian. Walang patumanggang pag hilik at tulo laway moment. ZZZZzzzzzzz...








No comments:

Post a Comment