Planning is not so me. I'd consider myself as the impromptu-lakad-now na-girl, but I guess this trip needs planning and strategy. I already have tickets for my bertdi trip, first time in my 25 years of existence ( parang Venus Raj lang) na magbibertdi ako somewhere else, aside sa bahay. Walang cake, ice cream or pancit. Parang treat ko na rin sa sarili ko dahil ako ay gagala sa Maynila (insert Maynila theme song here). Excited na ako ng bongga! Kahit malayo pa, actually the scheduled trip is Feb 5-7 so sobrang limited ang time kaya dapat sulitin.
One of my main goal is to go to Enchanted Kingdom, at oo hindi pa ako nakapunta doon. Gusto ko talagang ma subukan ang magbayad para mahilo, masuka at magtitili sa mga rides nila. When I was a kid there was no clear memory of me na pumunta akong perya at sumakay sa chubibo (tama ba ang spelling?), makakita ng pekeng serena, sumakay ng malaking caterpillar, or ma meet ang sikat na taong gubat na kumakain ng buhay na manok. I'd love to see that though (big grin). Pero I bet wala nyan sa Enchanted, kung ano man meron sigurado sa champorado malilibang ako.
Second on my itinerary, Manila Ocean Park. Gusto ko makita ang mga fishes sa malaking aquarium, aside kasi sa hindi ako marunong lumangoy (anong connect?) frustration ko nalang siguro makita silang mga fishes na makita sa malapitan, kahit nasa malaking fish bowl sila solb na ako. Pero may mga nag nenega sa tabi-tabi, hindi daw sya kagandahan, at mas maapreciate mo lang sya if your a kid, pwede naman siguro ang kid at heart noh? (chos!)
Third is Baclaran or Quiapo. Hindi naman sa ako ay religious or something, pero bertdi ko yun eh. At least magthathank you lang ako ni papa jesus na hinabaan pa nya ang aking tabian life, for a loving family na hanggang ngayon ay tanggap lang ng tanggap ng mga desisyon ko sa buhay, for good friends, na kahit meron o walang tagayan sessions eh hindi pa rin naririndi nagsasawa sa 'kin, career na sana tuloy-tuloy ang pag bongga, at ang huli ay (drum roll please) si soulmate, na sana ay matagpuan ko na sya, hopefully ay hindi pa sya patay pinanganak na sana sya.
Fourth maki partey-partey or bar hopping. Sabi nga nila, pag may bertdi dapat may partey. Sana malashing ako.
And para sa huling banat, sana makasingit ako ng shopping sa Team Manila. Na aamaze ako sa mga shirt designs nila yun lang.
If you think about it, ang babaw lang ng gusto ko sa bertdi ko, sana kahit isa man dito sa plano ko eh may matuloy sana sa konting panahon na 'to eh ma enjoy ko ng bonggang-bongga! Hopefully eh, magtuloy-tuloy na rin akong mag blog.
ui salamat!!!
ReplyDelete