Tuesday, February 8, 2011

Aaaaaaaahhhhh!!!

-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-



Umalog ang aking utak 
Tumilapon ang kung anong mura 
Nanginig ang tuhod
Nagkanda-tisod sa paglakad
Nanghina at natulala 
at hanggang ngayon ay parang may hang-over sa hilo...
Eto ang side effect ng pumunta akong Enchanted Kingdom at sumakay sa tinamaan ng lintik na Space Shuttle Max. Hindi na ako nag 2nd round, mahirap ng mag dragon sa ride mismo. Tama na ang nasubokan ko sya at one point, magiipon muna ako ng lakas ng loob. Hindi na ako nag padala sa kasama kong malaking troll na inaasar ako dahil di ako makapag 2nd round. Bahala na, marami na naman akong ride na nasakyan. Happy na bertdi ko kahit hilo. *big grin*

6 comments:

  1. asus, kung alam ko lang, plinano mo na un noon pa para kayakap ka ni *******. :P

    ReplyDelete
  2. first time here. ayos! napatambay lang talaga

    ReplyDelete
  3. tambay ka lang mam ester! libre 'to fortified with vitamins pa..hehehe :)

    ReplyDelete
  4. Shit naaalala ko nung inalog ako nyan. Hindi ko na inulit...

    ReplyDelete
  5. ito ung hindi ko pa nasubukan, ang KJ ng mga kasama ko, an duduwag.. hay ambot.. hehe

    ReplyDelete