Friday, February 25, 2011

xx

Warning: 
The following material you're about to read may induce nausea and vomiting. Please have a convenience bag in handy. Thank you.




            May pagkakataon na ako ay vulnerable sa mga multo ng kahapon. Minsanan silang nagpaparamdam pero hindi ko pinahahalata na apektado ako. Sa totoo lang iniiwasan ko ang mga pagkakataong ito sa kadahilanang, una- hindi ako likas na umeemo, pangalawa- marami akong iniisip at ginagawa, pangatlo- ako lage ang nahihirapan sa bandang huli at pangapat- mas positibo ako kung wala sila. Pero minsan parang pinagsisiksikan nila sa makipot kong putaness heart at madalas na may topak na pagiisip ang alala ng kahapon. Tulad noong 'sang araw...




tabian: oi hello, napatawag ka? nasa office ako ngayon


xx: oi bespren! pakinggan mo 'tong kanta 'ko? am gonna lab you till di en...am gonna bee your very true fren..aywana share your ups an downs..am gonna bee aroouunddd...
(ngumangawa sa videoke with matching echo)

tabian: *natawa* 'san ka ba ngayon?

xx: nasa videoke, natanggap kasi ako sa inaaplyan kong trabaho...kaya eto inoman kami

tabian: oi congrats! good job!

xx: nakalimotan mo na ang kantang 'yon noh?

tabian: *pause...trying to remember..cricket..cricket..* oi hindi ah, nasa office ako ngayon naka tsamba ka break ko

xx: magiipon ako, mga 2-3 weeks kong sweldo. pupunta ako dyan

tabian: ows? asus, wag na ipon mo nalang yan

xx: promise pupunta ako dyan, bisitahin kita. pero uuwi ka ngayong May diba? basta umuwi ka ha?

tabian: wag na kase...titignan ko pa kung makaka-file ng leave pero try ko talaga makauwi

xx: basta pupunta ako dyan

tabian: o sige na, baka ma-over break na 'ko...

xx: ok, ingat...lab you bespren

tabian: sige na, byers

xx: mag i lab you too ka rin

tabian: *nag-isip...cricket..cricket...* sige na, bye ( pinindot ang end call) 



Mga ilang araw na rin akong minumulto ng conversation namin. Ayokong umasa, pero at the back of my mind parang may nagdidikta na mag-antay ako, na malay mo totohanin nya, na pwedeng mangyari na pumunta sya dito. The possibility of seeing my best friend na naging boypren ko, na naging ex ko, na ngayon ay balik best friend, baka maging kami ulit. Jusko pong mahabagin pwedeng wag nalang? Our relationship as friends changed after na naging kami. Kung baga wala ng landi, or baka ako lang ang nalalandian, or ako lang talaga ang malande? Noon kasi ng kami'y mag-bestfriend pa ay parating nahuhulog ang panty loob ko sa kanya. Kaya lang may malaking BUT, may jowa sya noon. Ako naman na dakilang best friend eh hanggang  doon lang, hingahan ng sama ng loob, taga payo at taga ayos ng gulo. Pero sa loob-loob ko sana ako nalang. *insert Kung ako nalang sana song here*
Hindi ko tinolarate ang feelings at possibility na maging kami, dahil nga ako ang best friend, bawal, panget tignan, parang MMDA karatola yown - "Wag tumawid. Nakakamatay" at parang period na yown, walang kama comma at ellipsis sa relationship namin. College na kami nang nalaman ko na matagal na pala syang may gusto, hindi lang nya masabi-sabi. 
Nang nagtapat sya sakin eh muntik ko na syang binatokan, sabi ko " Engot ka pala, matagal ka na palang may gusto...'bat ngayon mo lang sinabi?", "Eh sana naging tayo na noon pa" ang sagot naman ng mokong, " Eh nahihiya ako, saka alam ko naman wala kang gusto sakin" at hindi na ako nagpa-hard-to-get at naging kami. 
Binigyan ko sya ng malagkit na tingin na puno ng pagnanasa at ginahasa ko na sya buong magdamag. Yung ginahasa part eh sa isip ko lang.*big grin* 
To make the story short naging kami nga pero 'di rin nagtagal, bukod sa long distance, eh hindi pa uso ang selopono at inernet noon. Focus din ako sa pag-aaral, charot! Walang closure, pero yung tipong alam nyo na wala na kayo, yung ganon, basta yown. Nabalitaan ko nalang na may naka relasyon sya, nagka-anak sila, got separated pero nasa kanya ang bagets. The good person that I am (good person daw oh?), naawa ako sa kanya at that time. 
Pero wala ako doon, wala ako sa tabi nya para hingahan ng sama ng loob. Hindi ako best friend nya kundi ex nyang nakikisympathize. 
Sa tuwing umuuwi ako sa amin, hindi ko pinapaalam sa kanya. Last year lang na bumalik uli ang communication namin. Nagkita at nagkamustahan, pero hindi na tulad ng dati. Wala nang spark , fireworks, at mga heart-heart sa mata nya tuwing tumitingin ako. Muta nalang. Hindi na nahuhulog ang panty loob ko. Sinubokan nyang bumalik, pero hindi ko na mabalik ang dating ako. 
Hindi na ang dating ako na ok lang mag-antay hanggang sa mahulog ang loob nya. 
Hindi na ang dating ako na palihim na umiiyak sa tuwing may jowa sya. 
Hindi na ang dating ako na ok lang kahit tapik lang sa balikat ay parang dinuduyan na sa langit. 
Hindi na ang dating ako na lihim na in love sa kanya. 
May isang gabi akong iniyakan sya, hindi dahil may feelings pa ako sa kanya, dahil hindi ko na mabalik ang dating ako, hindi ko na mahihigitan pa na hanggang pagkakaibigan nalang ang feelings ko sa kanya. Ang emo ko na. Nakakalerki na ang pinagsusulat ko, sinapian na naman ako ng kung anong lamang lupa. Lentik! Makakain na nga. Sige Bye!


Tuesday, February 22, 2011

pengeng help

"Taguan Pung at Manwal sa mga Napapagal - Eros Atalia"


Hindi po eto book rebyu. Eto ay isang panawagang post. Ako po ay nagmamakaawa, nagsusumamo, kumakatok sa inyong may mabubuting kalooban at begging much. Matagal ko na pong hinahanap ang librong eto, sa kasamaang palad eh hindi ko pa po sya nakikita, nahahawakan at napaparausan nababasa. It figures, title pa lang para na kaming nagtataguan ng librong eto.  Feeling ko ako talaga ang taya, feeling ko lang naman. Kung saang lupalop ng bookstore na po ako dito sa Cebu naghahanap eh wala, wala, huwalaaaaaa talaga silang kopya. Noong pumunta akong Manila eh hindi ko rin na bigyan ng panahon na hanapin sya, sa kadahilanang maikli lang po ang aking estay doon.
Ako po pala si Elsa, tiyohin ko po ang unang gumamit saken, dyuk! Pero seriously ( huh? seriously daw oh) ako po ay isa sa mga tagahanga ni ginoong Eros Atalia, eto nalang pong librong 'to ang hindi pa nasasayaran ng aking topak. Kung meron man kayong kopya, kahit gulagulanit na pero pwede pang basahin eh pahiram naman ako. *puppy eyes*  Kung may busilak naman kayong puso eh tumatanggap din po ako ng book donation, or may link kayong alam, utang na loob, pa share naman. Tatanawin ko po etong malaking credit on the inside (credit on the inside = utang na loob)  sa inyo. Sana ay mapagbigyan ninyo ang aking munting wish. *insert wish ko lang theme here*  Eto po ay desperate measure ko na, so please, please, puleeeeeeees, sana eh mapaunlakan ninyo ako.

Maraming Salamat much, and you have a great day! 

Ang Tipo Kong Lalake ay...


"ANG TIPO KONG LALAKE YUNG MEDYO BASTOS, MAGINOO PERO MEDYO BASTOS...  " -DJ Alvaro 

 Yan lang ang pamantayan ni mareng DJ, maginoo pero medyo bastos, hindi sya masyadong 
choosy eh. Pero ano nga ba ang ideal na lalake? From a tabian's point of view, charot!
Ang tipo kong lalake ay ...*tantananan*

Ramon Bautista ( may sense of humor)  


                
                 one liner kung humirit pero tumbok! hindi ko alam anong karisma ang meron 

sya, pero tuwang-tuwa ako sa kanya. he brightens up my day, and wipes away my 

tears,chos (umeenglish much?) sa tuwing ako ay nagugulomihan eh napapawi eto sa tuwing 

ako'y nag-iistok  sa kanya dito at dito rin. sumasakit panga ko at tulo laway sa kakatawa sa 

mga pamatay na piktyur at hirit. lumelevel up din sya in fairness pindotin mo . ang alam ko 

sya ay isang prok sa upiups, taray! pero sabi nga nila, funny people are smart. pasok sa 

bangga, palayok at paso si ser ramon.



Lourd Ernest de Veyra ( may say, pranka, thinks out loud, musician)


                   pindot here  ako ay hangang-hanga sa pinagsasabi ng taong itey. kung paano 

nya sinusulat ang kanyang mga kuro-kuro,  sa buhay-buhay. may it be current events at kung 

wala lang. kung sa dart pa, bulls eye. he makes a point to have a point, oo na redundant na 

ako, pero yown ang summation ko sa kanya. may balls kung baga, kahit sino mang poncho 

pilato, may kapangyarihan man o wala, sikat man o tambay lang sa tindahan ni aleng nena, 

kebs, basta napapa-abot nya ang gusto nyang sabihin, go lang! indulgence ko ang 

basahin sya dito . a blogger, an artist and a musician, need I say more? pak!




Dr. Spencer Reid of Criminal Minds( matalino)

                          

                        according to mareng wiki pindot na, ang IQ nya ay 187, mas mataas pa 

compared kay ninong einstein (close?). dahil ako na ang weirdo, pangparelax ko ang 

manuod ng criminal minds. I find dr. reid hamazing. may pornographic, este photographic 

memory sya at halos alam nya na lahat, paniguradong kung naging kami eh di na 

makakaligtaan ang anniversary, monthsary,hoursary, minutesary, at kung ano-ano pang sary. 

pati siguro first kiss, hug, at *tototot* kung kelan at saan eh makakarecall sya. may boypren 

ka na, may sarili ka pang Google. panalo!



Sheldon Cooper of Big Bang Theory (sarcasm, wit, geek)

                        

                    ayon kay mareng wiki eto pindot . Isa syang theoretical physicist na OC, na 

may mysophobia, na may hypochondriasis, na narcissist, na may stage fright ( kayo nalang 

ang mag-google sa meaning) - in short a  total weirdo. I have this thing for geeks and 

weirdo, halata ba? I love Sheldon to death, at oo kahit ang sarcasm nya ay carry ng powers 

ko. Parang kung naging kami pwede naming pag dibatehan at pagusapan ang lahat. 

paniguradong may reason lahat ng bagay, kung bakit ganito at ganyan, kung bakit mas abnoy 

ako mag-isip, at mas madalas umaandar ang topak ko. Verbal kungfu at its finest, Bazinga!






Slight bitin pa ang aking selection, pero sa ngayon yan na muna ang pinagnanasahan ko.

Balita ko sa inyo kung may additional pa. *bungisngis* 



( Note: Hindi ako choosy much, sadyang ako lang ay nahuhumaling sa kanila. *hehehe*)




( at nagpaliwanag daw ako?) 



(oo na) 


(at sinagot ko naman ang sarili ko. Parang timang lang)













( Final note: Hindi ako mahilig sa open/close parenthesis )


            
                                                                                   

Tuesday, February 15, 2011

panawagan



Dear Future Prince Charming,


        Natapos din ang Single Awareness day. Sa awa ni papa jes ay nalagpasan ko na naman ang pinangingilagan kong araw sa buong taon. Oo prince charming, tama ka sa nababasa mo. 
Eto ang araw na sana ay nag-skip nalang sa kalendaryo ko at naging Feb 15 kaagad. Sinasadya ko talagang hindi gumising ng maaga sa kadahilanang gusto ko nang matapos kaagad ang araw ng mga *ahem, ahem* di ko talaga kayang banggitin. 
Pero parang pilit na nagsusumiksik at hinahampas ng pagkakataon ang araw na eto. Nag bukas ako ng TV w/c is by the way a wrong move prince charming. 
          Manonood sana ako ng news, pero parang ang balita eh kung anong ginagawa ng mga labers, kung ano binibigay kadalasan sa mag sing-irog, at mga naglalapat labing mga couples. Asan na ang mga patayan, politics, at mga showbiz chismax na kadalasan eh headline? 
Ay nako po, pinatay ko ang TV at nag on ng radyo. Nak ng kabayong baog naman, pati sa radyo may mga pa bati(greetings) namang nagkukumahog patungkol sa araw ng mga putaness puso. Pinatay ko nalang ang radyo at lumabas para kumain. 
Again prince charming, wrong move. Paglabas ko ng bahay, akalain mo namang namumutakti ang mga pares, may dalang sandamukal na bulaklak, chocolates, at mga stuffing toys. *buntong hininga* 
           Hindi ko pwedeng ipikit ang aking mga mata prince charming baka ako ay masagasaan at maging isang memorable day eto sakin kahit ayoko. Nagtuloy ako kina karen (karenderia). Kumain pero muntik na akong mabilaokan ng makitang may nagsusuboan sa kabilang table.
Kung tinamaan ka nga naman ng lintik! 
          Oh kay hapdi prince charming, kulang nalang eh dagukan ko ang sarili ko ng 'di ko na makita pa ang sumusunod na pangyayari. Para akong dinadaganan ng sampung elepante, dalawang kalabaw at limang daang tarsier. 
Homaygad!! Paniguradong pagbalik ko ng bahay eh makikita ko na naman ang mga pachweet-chweet na labers.Pagalis ko naman papuntang opis eh, na trapik ako ng bongga. 
         Ginawang park ang mga daan, may mga nag HHW (holding hers hands while walking).Para akong tumulay sa alambre, kumain ng bagong ginilitan sa liig na dinosaur, at sumakay uli ng space shuttle ng EK. Ganoon kahirap prince charming ang araw na yown. 
Kasi naman bakit may araw ng mga puso pa? Bakit walang araw ng mga atay, balonbalonan,isaw, betamax,baga at kung ano-ano pang lamang loob? 
Bakit kasi parang may sili sa pwet ang mga taong inlababo pag dumarating ang araw na yown prince charming? Buti sana prince charming kung legal holiday sya at walang pasok, pero hindi, hindi, heeeenddddaaaayyyy! 


         Oo na prince charming inaamin ko, bitter na kung bitter, ako na ang may farmville na puro ampalaya ang tanim. Kasi naman ang tagal mong dumating. Sana ay buhay ka pa or pinanganak ka na. Sana hindi ka na magpadala ng mga substitute na ikaw at lamukosin ang aking achy, breaky, creepy paken shet puso. Sana sa susunod na *ahem, ahem* eh hindi na ako parang naka toma ng balde-baldeng ampalaya shake, kasi andyan ka na. Sana lang, sana, sana, sena, leng...










Umaasa much,


Tabian

Saturday, February 12, 2011

hindi eto matinong blog post


"hindi na masarap, kahit dilaan 'di na titigas"

Lusaw na naman ang utak ko, bangag sa pagkutkut ng albatros, suminghot ng katol at nakipag titigan sa ipis. Wala akong maisulat na matino. Sisimulan ko pa lang mag draft eh parang hanggang isang linya lang ang nasusulat ko. Sinimulan ko magsulat ng tungkol sa lab...sablay. Sa kahayopan...sablay. Sa nangyari sa opis...sablay. May kabag ata ako sa utak, puro hangin lang ang laman. Ininoman ko ng kremil-s...sablay. Di pala para sa utak yown. Sana mag diarrhea ulit ang utak ko ng may maisulat naman akong matino. Sana hindi na ayt klim na lusaw ang laman ng kokoti ko. Parang timang lang. Hindi ako inspired. Magbabalentyns paman din. Papa Jes, utang na loob enlighten me! 

Thursday, February 10, 2011

tenchu

...sa pagaantay sakin sa airport,sorry naman sa delay


...sa pagsalubong sakin ng with arms, legs wide open


...sa pagbitbit ng aking bag na pang ilang araw lang naman na damit ang dala eh parang pang 1 month ang bigat, sorry naman necessity lang *hehe*


...sa pagalalay sa akin sa pagsakay at baba ng sasakyan, hindi naman ako inutil, sadyang ako minsan ay eengot-engot at madaling ma tisod (mala damsel in distress ang show)


...sa mga palala na delikado sa Maynila at kelangan sipit kili-killers ang bag dapat


...sa explanation kung baket ganoon nalang ka traffic ang Maynila, na kung magdadala ako ng libro eh matatapos ko sya pero hindi pa ako aabot sa aking destinasyon


...dahil pinatikim mo ako ng Thai food for the pers time, masarap sya in fairness, sana lang sa susunod eh makapag food trip tayo ng mas matagal at marami dahil matakaw ako, limitado ang time,yah know


...dahil sinamahan mo ako sa gusto kong trip na sumakay ng MRT, 'lam ko naman na eto ay isang pangkaraniwang sakay lang para sayow, pero naging buwis buhay sya sakin,enjoy naman


...dahil na briefing mo ako ng maaga na sa MRT may mga pasabog na kung anik-anik na bodily bomba, at kili-killers, sa pag orient na para talaga akong nasa super bowl pag sumakay ako neto


...sa pagdala mo sakin sa iyong happy place, simple pleasures na naapreciate ko ng bongga


...dahil nagkwento ka ng parte ng buhay mo, 'lam ko naman na isa kang antukin pero nakipagkwentohan ka pa rin kahit halos pumupungay na ang mga mata mo sa antok


...sa pagdala mo sakin sa Quiapo Church, kahit buhat-buhat mo ang bag na pang 1 month ang bigat, oo na,again necessity yown


...sa pagalalay sakin sa buwis buhay ulit na pagsakay, this time sa bus, inaamin ko isa akong malaking lampa


...sa pagsama sakin sa Enchanted Kingdom, naging bata ulit ako ng mga panahong yown, isang malaking bata,at hinayaan mo ako sa aking kababawan


...sa pakikisama mo sa aking mga kaibigan








...and for making this one whole birthday trip memorable, na ang tangi mong sambit ay "Mag enjoy ka lang..."


solb na solb ang lahat dahil sayo *teary eyed*


Maraming Salamat!

"paken shet,pa kiss nga?"

Tuesday, February 8, 2011

Aaaaaaaahhhhh!!!

-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-



Umalog ang aking utak 
Tumilapon ang kung anong mura 
Nanginig ang tuhod
Nagkanda-tisod sa paglakad
Nanghina at natulala 
at hanggang ngayon ay parang may hang-over sa hilo...
Eto ang side effect ng pumunta akong Enchanted Kingdom at sumakay sa tinamaan ng lintik na Space Shuttle Max. Hindi na ako nag 2nd round, mahirap ng mag dragon sa ride mismo. Tama na ang nasubokan ko sya at one point, magiipon muna ako ng lakas ng loob. Hindi na ako nag padala sa kasama kong malaking troll na inaasar ako dahil di ako makapag 2nd round. Bahala na, marami na naman akong ride na nasakyan. Happy na bertdi ko kahit hilo. *big grin*

Thursday, February 3, 2011

sapi ni ate V

         
"pasimuno ng kulto-e-panyo"
         Hindi ako Vilmanian yan ang panigurado. Nakasanayan ko na talaga ang magdala ng panyo pag umaalis ako ng bahay. Hindi rin naman ako pawisin, at lalong hindi ako uhugin iyakin. Nagsimula ang kabalbalang ugali kong 'to noong high school. Madalas kasi magdala ang bestfriend ko ng panyo, ako naman 'tong sama ng sama sa kanya eh parang na kulto na rin at gumaya. 
        Nagpapabili ako sa aking ermats noon ng panyo, si ermats naman na gustong mag ka meron ang kanyang jonakis eh bumibili sa ukay-ukay. Yikes! 
Hindi ko pa alam noon na sa UKs nya pala nabibili ang mga panyo. Nang nalaman ko ang kahindik-hindik na fact na yown, nangilabot, tumayo, at nag raise the roof ang aking mga balahibo. Naiimagine ko na ang mga gumamit nun. Baka napunas na yown sa mga kasingit-singitan, mga ma-aantot na kili-killers, o kaya'y binugahan ng malagkit-lagkit na pandikit na galing sa ilong. Super eeewwwww!! Punas dito, punas doon. Kadiri much?! 
        Pero dahil wala akong choice at ayaw ko naman na mainsulto ang aking ermats, ginamit ko nalang ang binili nya. Inisip ko nalang na isa akong dakilang anak kuno .Iniisip ko rin na nilalabahan naman nya siguro ang mga panyo bago nya ipagamit sakin. Mahahalata ko naman siguro yown, kasi may amoy ang mga UKs diba? *isip-isip* 
       Malamang sa alamang, malinis na yown.  Pag nakakaluwag naman si ermats eh bumibili naman sya ng hindi galing sa UK.Yung tatlo-isang daan na pack, na pag ginamit mo eh parang mahihiyang lumapat ang pawis mo sa dulas type. Pero solb na rin ako sa mga panyong yown. 
       Nang magkatrabaho na ako at nagkalaman na ang aking bulsa, nakakabili na ako ng hindi UKs na panyo. Mahirap ng magkasakit, parang vitamins lang? Pag hindi ako makabili ng kung anik-anik sa department store eh consuelo de pagod ko nalang ang pag nakabili ako ng panyo. 


At eto ang resulta ng hindi makabili ng anik-anik...






"konti lang naman diba?"

"diba?"

"slight lang naman... diba?"




"pwamis... hindi ako mahilig sa panyo"

Tuesday, February 1, 2011

"parang na e-ebs lang"


Dear Papa Jes,


           Excited much na ako sa Manila trip ko. Sana naman eh may pera ako by the time na lumipad ako doon at mag hasik ng lagim liwaliw. Sa ngayon pulubi pa ako, balak ko na nga sana pumwesto sa labas ng building at maglagay ng lata, kahit pang starbucks lang, arte much?! Parang ang bilis na ubos ng sweldo ko noong nakaraan, saan na nga ba napunta yown? Parang dumaan lang ng bahagya sa aking mala porselanang kamay, chos! Bayad dito, bayad doon, gastos dito, gastos doon. Wala naman na akong scholarship program ng boypren pero parang na holdap ako ng ilang beses sa bayarin. 
          Papa Jes, sana ay maging ok ang lahat. Hindi pa nagkocooperate si Mr. Sun, parang may bagyo ata. Sana eh maging ok na ang weather sa susunod na mga araw. Sana rin eh makarating akong buhay sa Manila, at hindi liparin na parang eroplanong papel ang sasakyan ko. Mageenchanted ako, sana lang eh sa pagsakay ko ng roller coaster ay hindi ako naka payong at naka raincoat. Ang sagwa naman kasi papa jes tignan na imbes na sumigaw ako sa excitement eh mas mapasigaw ako dahil kinuyog na ng hangin at ulan ang aking payong. Imbes na mabasa ako sa rapids ng ride eh unahan ng ulan ang aking outfit. Papa Jes hindi naman ako nag dedemand ng bongga. Eto ay pakiusap lamang galing sa isang syanang tulad ko. Sana lang eh maligayahan ako sa aking mga excapade galore sa Maynila *insert Maynila theme song here*.
         Yown lang po papa jes, sana pagbigyan nyo na me. Bertdi ko na naman yown eh.


Nagmamahal much,


Tabian








P.S.


Makita ko na sana si soulmate. *puppy eyes* 








Last P.S. pwamis...


Sana tumama ako sa lotto. *hehehe*