"Dreams are my reality..."
Eto ang LSS ko. Narinig ko 'to kanina bago ako natulog at ng magising eh sa 'di malamang kadahilanan,
yun parin.
Parang humahalo na naman sya sa utak ko ngayon *pause*
Dreams are my reality...na, na, na, la, la, la...
Dahil hindi ko sya memorize kaya ayun, "na" at "la" nalang.
Naalala ko tuloy ang panaginip ko kanina. Kinakasal sakal daw ako *buntong hininga*.
Pero ang weird kasi binubuhat ako ng groom, which is by the way naka tux, chusyal,
tapos parang pinapasa
ako sa mga guest na parang volleyball. Feeling ko ang gaan-gaan ko *ahem, ahem, ahem*,
panaginip ko 'to walang kokontra.
Nang umabot kami sa pang huling guest, nagulat ako, lumuwa ang mata at gumulong, arte lang.
Bumulaga sa akin ang napakagandang altar, may over-looking na city lights ang back drop.
May malaking puno na may white flowers.
(Note: hindi ito ang white flower na sinisinghot kapag nahihilo at nasusuka ka sa bus o kalachuching mabantot)
It was more like a cherry blossom tree, pero white version lang.
May mga white christmas lights sa paligid-ligid
May white tulips din sa tabi-tabi at may kabaong sa gitna, dyuk!
Walang kabaong, kasal eto hindi lamay.
May hagdan na gawa sa bato, mga tatlong baitang lang naman.
At least carry ng powers ng heels ko.
Pero sa part na 'to ay buhat-buhat parin ako ng groom ko,
at feeling ko I'm light as a feather (big grin).
Nagsalita ang huling guest na namukhaan kong Tita ko pala -
"This is supposed to be a surprise."
At totoo na surprise ako ng bongga!
Ahlabet!
Namuo ang luha sa aking mga mata sa tuwa, overwhelmed sa mga pangyayari.
Parang si groom nalang at ako ang natira, yung tipong sa pelikula na umiikot ang camera sa bida.
Huwaw na feeling ere!
Sabay sambit ni groom - "If this is not enough, I'll do everything to surprise you again".
Gusto kong tumalon, sabay sigaw ng "YES"!
|
"wag naman sana" |
"RING, RING, RING, RING, RING, RING, RING, RING, RING..."
Nyetang alarm clock.
Kung kelan nga naman eh gandang-ganda na ang eksina saka pa tumunog.
Nag snooze, baka sakaling makabalik sa Slumber land.
LOADING...
LOADING...
LOADING...
LOADING...
LOADING...
Wa epek, hindi bumalik si groom.
Sayang, di ko man lang na mukhaan, hahuntingin hahanapin ko lang sana pagising.
Pero wala...wala...huuuwaaaaaaaalaaaaaaaaaaaaaaa!
Walang nagawa ang pag extend, snooze at pikit ng aking beautiful eyes.
"RING, RING, RING, RING, RING, RING, RING, RING, RING..."
Tapos na, times up. Hindi na pwedeng mag snooze.
Reality has slapped me again.
Trabaho na naman. *buntong hininga*