Tuesday, August 21, 2012

Pengeng Help (travel edition)


Pag-gising ko isang araw...

"Aaaaahhhhh!" 

   May nakita akong kahindik-hindik at karimarimarim (lalim phew)...
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
Meet my new friends 

"mukhang tinubuan ng boobs, I herrit!" 

   Parang may naka fertilizer lang ang aking mga pimples sa laki. Lately kasi ay busy akong tunay na nagreresearch, nagtatanong at kumekemberloo sa mga friends para sa aming byaheng Norte. First time ko kasing gumawa ng buong itinerary, kalerqui! Andami pa lang dapat e consider. Kung ka chwirrer ko kayo malamang alam nyo na kung saan na naman ako mapapadpad next month. Kung hindi, follow mey on Twitter (nagpromote?) @tabianmuch. You know the drill. hehe Anyways, kelangan ko (as in parang awa nyo na) ang tulong nyo para ma finalize ko na itey. I'll be in Manila, Philippines (parang kung saang bansa galing) by Sept 6. Buong araw akong magkakalat ng happiness, love, and devotion over there kasi sa gabi pa kami lalarga papuntang Ilocos. 

Ang aking mga dilemmas ay: 
  • Intramuros pa lang ang naiisip naming gala. May suggestions ba kayo kung saan pa pwede gumala? (sana yung cheap and cheerful, para may budget pa kami sa Ilocos) 
  • Sinong gusto magtour guide samin sa Manila? (special mention kay khanto, sob, ser bino
  • Kung may iba pa bang terminal ang sleeper bus ng GV Florida bound to Laoag, aside sa Sampaloc? (baka sabihin nyong hindi ako nag google) Wala po talagang matinong website and GV Florida according to my research or baka hindi ko lang talaga alam. hehe  
  • Magkano ba latest rates ng pamasahe pa Laoag? 
  • Kung may sasuggest kayong magandang puntahan sa Ilocos Norte at Sur. (4D/3N) 

Feel free to answer, suggest, or react sa comments section mga kafatid. 
Maraming Tenchu! 

^______________^



Tuesday, July 31, 2012

Jampacked July



  Oh hai you prens! Kamusta? Matatapos na naman ang isang buwan, which leads us to another month. Natural! So recap ko lang ito sa mga nangyari sa buong buwan ko, kumbaga buod, summary and all the other synonymous words. Haha Pinataas ko lang noh? Anyways, kung binasa nyo yung nakaraang entry ko , naman,  alam nyo kung saan ako nanggaling. 


1st Birthday ng aking brat na pamangkin. Alam nyo naman pag unang apo bongga ang celebration.


"yes gumaganyan po sya" 
At nadagdagan na naman ang aking bodeh weight...




Lumantak na naman ako ng walang bukas na paniguradong pagsisihan ko. May date pa na naman ang wedding na aatendan ko. So sa ngayon eh nagsisimula na ako sa #balikalindog program. Limang butil nalang talaga ng rice every meal. So help me gawwwd!


"at oo, masaya na sya ng lagay na yan!" 
Dahil umuwi ako hindi pwedeng walang side trip. Naman! 

"Kung nanunuod kayo ng  #phl360 malamang alam nyo 'to" 
Yes guysh! Dahil sa wagas akong inggitera at makati ang paa, pumunta ako sa Tinago Falls. Which is by the way located in Iligan City. Isang oras mahigit mula sa aking hometown. 

" feeling diwata ang peg ko ditey"

Pero bago ka makatampisaw sa waterlaloo ng falls eh kelangan mo munang pumanaog(?) ng mahigit kumulang 400+ steps. Oh yes, you read it right. Hindi ko nabilang ang exact baitang. Naman! Magbibilang ka pa ba kung halos hingal to the nth level ka na? So picture me pabalik sa taas. Haha! But it was all worth it. Yung tipong mapapanganga ka sa beautifulness. 
"ang diwatang naka life jacket..ahem, ahem!" 

Oh diba taray ng orange? Sabi ni kuyang tour guide hindi pwedeng hindi ka mag life jacket kasi super, duper, as in lalim daw. Syempre bilang ako'y hindi marunong lumangoy masunorin, nag life jacket me. Nagpunta din kami sa falls mismo, kaya lang wala ng picture. Hindi naman kasi waterproof si Ngiti (my camera). Solb na solb ang panandaliang side trip! 


Pagbalik ko sa Cebu kinailangan ko na namang lumipat. At oo, the nth edition na ito. Pero sa malapit lang naman, ektweli sa kabilang pad lang. Hehe, bigger room with own toilet and bath but same price. Saan ka pa diba? Tapos may aircon pang bonus. So yun lumipat na naman me. 


"pagpasensyahan, hindi pa nagliligpit si Enday" 


Malaki yan, trust me. Pwede kang mag split at tambling nang sabay. Mejo konting ayos, curtains here and there pa, tapos palalagyan ko pa ng fountain at pool sa gitna para swabe. Charot! 


So ayan ang aking walang ka event- event na July. Kthanksbye! ^_________^





Tuesday, July 17, 2012

Random Chuvaness



  • This job has taken its toll on me. Umaarte? Parang sunod-sunod kasi yung leave at curricular activities ko, yung feeling na nawiwili na me magbakasyon nalang lage. Pumunta kaming Iloilo/Guimaras (June 21-26), Bantayan Island (June 29 - July 2), 5th year anibersaryo ng Wave namin sa previous company (July 8), House warming sa bagong haybol ni Nieco (July 15) at ngayong week uwi sa aking hometown (July 18-22). Now spell B-U-S-Y? 
  • Excitement much na rin akong umuwi. Namimiss ko na rin kasi si Fader at Mudrax kahit paniguradong bankrupt na naman ako pagkatapos.
  • Parang nalalasahan ko na ang pinakbet at paksiw'ng isda ni mudrakels. ^____________^
  • Sa paguwi ko feeling ko may magaapear, feeling ko lang. 
  • Sa dami ng aking plotted leaves lately umeeksena ang iba kong teammates. Kung makaleave daw ako wagas sa haba. Eh sa ganoon talaga pag pinagiiponan ang bakasyon. Hehehe Sana may matira at matanggap ako sa leave conversion at the end of the year. Asa much? 
  • Ikakasal na ang aking best friend by the end of the year. Nakanang! Alala ko pa yung sabi nya saken na pauunahin daw nya ako sa pagpapasakal kasal. Ayun, nag-iba yata ang ang isip. Sabi baka magmenopause na daw sya kung aantayin pa daw nya akong mauna. Nomon, nomon! Parang signs na itey.
  • Kelangan ko nang magbawas ng rice, mga limang butil nalang each meal. Sheyt! Napressure tuloy me kasi bridesmaid daw ako sa kasalan. Wow gagown ako for the pers time! 
  • 3 months na akong walang Coke at kung ano pang softdrinks. Yeahbah! 
  • Namimiss ko na ang tunog at pakiramdam ng karayom sa balat. Gusto ko na magpaburda ulet, pero wala pang budget.
  • Namimiss ko na rin yung red hair ko, pero wala pang budget ulet. Hays!
  • Nawiwili akong manood ng Fringe, malapit ko na matapos yung last season (4). Sa bahay ko nalang sya tataposin para chillax. 
  • Dahil din sa kakapanuod ko ng Fringe napaparanoid ako kahit panandaliang brownout lang. 
  • Kung kelan pa natapos ang PBB teens eh yun pa yung time na nagkakacrush na me. Iba talaga ang influence netong media. Eeeee...kinikileg at lumalande me ng slight. Hehehe 
  • Sa katamaran magblog, twit nalang me nang twit. 
  • Sa katamaran, nagrarandom nalang. (Guilty!?)
  • Sa hinaba-haba matatapos din itong random ko. 
END...










NOT!

Post ko na dito yung ginawang video ni Nieco sa aming Iloilo/Guimaras trip.

Babala: Baka maumay ka, kung hindi mala stainless steel ang sikmura mo STOP



" Yes, wala po kaming hiya...sometimes! "

Thursday, July 5, 2012

Quickie Bantayan Wanderlust



Slip into my paradise...


And drift away those sorrows


Bask into the solitude...


And leave those burdens 


For today's what matters... 


To our bound memories


When it's time...


We shall bid our goodbyes again.  

*******************************


  
Nakanang! Umeemo much? Sa totoo lang, vacation mode pa talaga ang aking feeling sa ngayon. Nasa isla nagtatampisaw sa salty water, nagbibilad sa kainitan ni Mr. Sun, gumagawa ng kastilyong buhangin at sumsasayaw sa saliw ng "Starship" ni mareng Nicki Minaj. Putek! Parang naghahalucinate na naman me. Mahaba- haba rin kasi yung bakasyon engrande ko, dalawang araw lang ako pumasok last week tapos leave ulit. What a life? 
Anyways high waist, hindi ko muna kukwento yung Iloilo/Guimaras trip namin sa maraming kadahilanan. At dahil din nabitin ako sa trip na yun, I decided last Friday to go on a sweet escape to my favorite getaway beach - Bantayan Island. Wala akong narcissistic pose kasi mas na enjoy kong magpicture-picture sa beach. This is the 4th time na pumasyal ako dito pero it always feels like the first time. Chos! It was a brief trip pero yung tipong recharged, renewed, at ready to rumble ang feeling after. #sabeh? 

Wednesday, June 13, 2012

Lumelevel Up

    Hello you! Kamusta? Matapos ang madugong paglahok ko sa kontes chuvaness ni ser J Kulisap eh mejo nagpahinga ang aking brain cells, and I decided na mag workout. Pero itey may kakaibang twist na workout, at first time ko itong ginawa sa tanang buhay ko. A bit of a fact, ako ay ( Insert number )Kg, sabihin nalang nating mejo healthy na me. Hehehe Pero dahil na rin sa kati ng aking alipunga paa ay sumama ako sa kakaibang workout na itey. 


Introducing Workout with Nature  - Mt. Lanaya style.


"Level Up!"
    Yes guysh, sumama ako sa mountain climbing ekbang. Mga halos 4 hours din na byahe mula Cebu Citeey to Alegria. Pero kung ang driver nyo ay yung tipong wapakels sa kinabukasan nyo pwede na ang 2 hours mahigit. Makalaglag upuan at feel na feel mong sumasakay ka ng roller coaster sa bilis. Nasa likuran pa naman kami nakaupo that time, so gets nyo kung gaano ka talbog at tumbalelong kami. Henyways, pagdating sa Algeria sumakay kami ng habal-habal or yung public motorcycle na pang dalawahan lang sana pero dahil business pwedeng pang maramihan basta walang mahuhulog, papuntang jump off point. 


"Mga bagong kaibigan/life savers" 






"Excited/Naiihi/Nerbyos"

  Kung makangiti me parang a walk in the park lang, pero sa totoo lang nerbyos me much. Syempre naglakad  kami ng maraming steps, may pataas, may pababa, may espagetti.Jowk! Hirap na hirap ang aking super healthy bodeh, may mga oras na nagdidilim ang aking paningin at parang kukunin na ako ni papa jesas. But I said to myself "No, you can do this!!" timang lang, kinakausap sarili? 

"yes, I'm so healthy and I herrit!" 
  Naglakad, hiningal, uminom ng maraming tubig at nakailang stop over dahil kinapos ng hininga. Matapos ang sangkatutak na steps to what seemed like forever ay naabot din namin ang rurok ng tagumpay (lalim!).

"View from Kalo-Kalo Peak @ Mt. Lanaya"
 Breathtaking was an understatement. Chos! Dahil before ko pa maabot ang peak ay makailang beses din akong kinapos ng hinga. Hehehe 

" I believe I'm a fly" 

 Oops, hindi pa tapos ang workout, dahil kelangan pa pala namin pumunta sa camp site. Which is by the way buhis buhay na down hell hill. No joke Tsong, makailang beses akong nag slide, tumambling at muntik nang kumanta ng rolling in the deep. Mejo mahirap na magpictorials sa mga panahong yun, mas inuna ko muna ang buhay ko kesa pictures. 

Pero para may idea kayo sa dinaanan namin check this out - 

"Buhis buhay na trek"
 Paumanhin sa pagkatagpi-tagpi ng larawan. Ang starting point ay yung sa Kalo-Kalo Peak, finish line eh yung sa campsite mismo. Marami kaming mala bangin at masukal na gubat na dinaanan. 

"Wagas"
  Sulit na sulit naman kasi nakita namin yung sunset. Pawi lahat ng pagod at paghihingalo ko nang masilayan ko ito. (insert The Climb by Miley Cyrus song here) 

At syempre hindi ito magiging memorable kung wala sila - 

"Salamat mga mam at ser!"

Sumakit ang katawan, balde-baldeng pawis, nagkandasugat-sugat, nadumihan ng bongga at nangamoy construction worker ako, pero kebs. My first Climb was EPIC! 

More than the view and the people I'm with, is the realization that anything is possible as long as you put your mind into it. #ansabeh? 

Wednesday, June 6, 2012

KM3: Tinig (Adik)


Iniabot sa iyo ang pinapangakong kapirasong langit at ito'y walang pagtanggi mong kinuha

Hithit buga...hithit buga...

Daglian mong mararamdaman ang tama ng opyum, dala ng dayuhang kumikinang sa kalaliman ng gabi.
Iindak kahit puro kaliwa ang mga paa at aawit kahit wala sa tono. Liliban sa mga pangakong iyong isinumpa sa harap ng bansag mong watawat. Magiging sugapa at lunod sa kinang ng makabagong bagay
Ikaw ay mananatiling idlip, lulan ng panaginip na sa dako paroon may kasaganaan at walang pagdaralita
Ika'y lilisan sa katotohanan at sa tayog mo ay hindi ka na lilingon pang muli, at ang iyong dunong sa banyagang kalinangan ay magiging matatas.

Hithit buga...hithit buga...

Unti-unti Ika'y magiging isa, sa hulmahan ng lipunang balot ng ganid at mapanghusga. Sa saliw ng bagong himig ika'y iindayog, dahil ito ang magdidikta ng katumpakan at balikuko. Natatanaw, nasasambit, naririnig ang sigaw ng iyong lahi. Ngunit pilit mo itong ikukubli 

Hithit buga...hithit buga...

Uulit ka hanggang sa ika'y dalhin sa panandaliang kaluwalhatian. Daloy ang libog at halinghing ng bagong pakiramdam, Ika'y papalaot sa hibang na estado. May piring ang mga mata, busal ang mga bibig, at takip ang mga tainga. Walang bulong at wika na makakapukaw sa taong lunod ng banyagang impluwensiya at animo'y anino lang ang nakagisnan at lupang sinilangan. Ika'y nabubuhay sa panibugho at pagpapanggap 

Hithit buga...hithit buga...

Sino nga ba, sino ang tagapagligtas sa ligaw mong lahi? Mga kabataang nagwewelga, mga guro ng kasaysayan at panitikan? O mga dalubhasang batid ang sinauna? 

Hithit buga..hithit buga...

Wala na bang lilingap sa iyong pinanggalingan? Wala na bang hahango sa tinig na pilit pumipiglas sa iyong kaibuturan? May bukas pa nga ba? Nauubos, nauupos.
At tangan ng usok at tuluyang upos ang namumutawing tinig.
Sa kadiliman ay may siwang ng pagasa...kung saan nagmumula, yan ay hindi tiyak

Hithit...bug...





****************************************

Unang subok at sabak sa Kamalayang Malaya ni Ser J Kulisap. 

Once again nagmental hemorrhage na naman me...Kainaman nomon!!!







Saturday, June 2, 2012

asdf day

Staring blankly at the empty space. Umeemo?  


Titipa ng sandali tapos spaced out uli, hanap ng mga salitang pwedeng ilarawan sa mga nakaraang events chuva. 


asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...


Hinto, magiisip, recall, tapos backspace. Ang dami kong gustong ikwento pero  hanggang ngayon eh nakatitig parin ako sa kawalan (wow lalim). Nang magsawa kinuha  ang remote at sabay on ng TV. TV kong surplus, mga Php 2000 lang yung binebenta sa mga Korean Surplus ekbang. Ayos naman, hindi man flat screen pero umaandar, minsan nga lang eh rich na rich ang color kahit e adjust ko ng pagkabongga ay by default bumabalik din. Ayun, pa lipat lipat ng channel. Nga pala paborito kong channel yung TLC, halatang gala at matakaw. Pangit ang palabas, lipat na naman. Wala lang, at random hihinto tapos lipat uli. Ay putek muntik ko nang makalimutan nagsusulat nga pala ako. Harap uli sa laptop.


asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...


Parang nakakagutom mag-isip. Magbubukas ng chichirya at kain muna. Lilipat ng tab tapos stalker mode sa efbee.
Ay si ano may asawa na, si chuva may anak na, si chenelyn nasa abroad na pala. Sige kayo na, kayo na ang may progress sa buhay at ako na ang dakilang corporate slave sa putahan, hindi naman yumayaman. 
Tumawag kanina yung close friend ko noong college, ayun kamustahan hanggang sa ipamukha na naman nya sa masaklap kong eventless life ang mga tanong na "so nagasawa ka na?" Epic! Gusto kong sumigaw ng "PLEASE KILL ME NOW!" na dahan dahang lumluhod with matching rain. (drama?)  Excited? May priority number ba ang pagaasawa koyah? Nagmamadali? 
Tapos hihiritan ka ng "nakita mo anak ko, ang cute diba? mana saken...blah..blah..blah" Gusto ko na namang laslasin ng kutsara ang pulso ko sa hinlalaki. Tatawa nalang ako, pero deep inside nadudurog na me! At natapos ang aming conversation with me saying "ah sige na, matutulog na me"


asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...


Ay ubos na pala ang chichirya. Ilang kilong betsin na naman kaya ang nadagdag sa pagkain ko neto? Ah ewan. May download nga pala akong movie kanina, panonoorin ko na kaya muna 'to.


(After almost 2 hours)


Nakanang, susulat nga pala ako ng kwento. Nakwento ko na ba sa inyo na sumakay ako ng Ferris Wheel? Pag may pyesta, may perya. Hindi talaga ako mapagpatol sa mga ganyan sa mga kadahilanang (1) marami ng nabalitang nadisgrasya sa pepetsuging rides (2) mas mauuna akong mamamatay sa tetanus dahil sa kalawang, at (3) papaubaya mo ang buhay mo sa isang tao na ang alam lang sa ganito eh pindotin ang buton para umandar ang  tila higanteng scrap metal na tinagpi-tagpi para tawaging "ride", imbes na kumalikot sa makina at siguraduhing ligtas at buo ka pa. Pero dahil sa udyok ng mga kaibigan at for the sake of camaraderie shit eh for the pers time sumakay ako. Sa totoo lang, nang inabot ko ang aking bente pesos para pasokin ang maari kong tawaging "last ride of my life"  ay para ko na ring pinaubaya sa lahat ng lamang lupa at bathala ang aking buhay. Lahat ng rides bata man o matanda 20 pesos lang. Samakatuwid twenty pesos lang din ang halaga ng buhay ko. 


asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...asdfghjkl...


Ay bago ko makalimutan, meron na nga pala ako neto...




"Yes, may valid ID na me. I'm such a valid person like that!"

^_______________^  *Happy Dance!*





Friday, May 25, 2012

First Time


"Sure ka na ba Babe?" 

"Oo, yata?"

"Pero bakit may doubts?"

"Syempre matagal ko rin 'tong pinag-isipan"

"Kung hindi ngayon eh kelan?" 

"Ewan?" 

"This is the perfect time, ano ka ba?"

"Natatakot ako Babe"

"Bakit naman?"

"Baka kung may kung anong mangyari?" 

"Trust me ok lang yan, ako bahala" 

"Ikaw bahala, tapos ako kawawa?"

"Ok lang yan!"

"Kinakabahan ako eh"

"Sa una lang yan"

"Sure?"

"Andito na tayo, aatras ka pa ba?" 

"Ewan, bahala na!"

"So ready ka na?" 

"I guess this is it"

"Walang atrasan?" 

"Oo, walang atrasan!" 

"Ready?"

"Ready!" 























"SUPER MAN AKOOOOOOOO!!!!"




Magjowa na nagbubungee jumping. Hehehe 

**************************************************
Happy Weekend Eblibodeh! ^________^







Sunday, May 13, 2012

To the person who supplied the ova and where I got my XX chromosomes

^_____________^


"Ayaw jud na awaya si Tabian, anak raba na ni Noemi" 
(Wag nyong awayin yan si Tabian, anak yan ni Noemi)

Walang panama kahit ipagsama ang Avengers, Tulfo brothers at Backstreet boys(?) sa bagsik niya. Daig si Claudine, Raymart at Floyd Mayweather sa tapang. At kung lahat nalang inaangkin ng China,pwes, hindi pwede yan sa kanya. Sa aking hulmahan, ang original sa carbon copy kong mukha, at sa aking super duper #1 fan...

To the person I owe my existence...

I You Berimats Mang!
(more than the size of the Super Moon)


Happy Mother's day!!! 


Monday, May 7, 2012

Bente



Ginawa na ni ser Bino, Lio, Salbe, Khanto at marami pang iba. At eto dahil sadyang wagas akong inggitera eh gumaya na rin ako. 

  1. Sorry at sort of kinda hindi ako nagpaparamdam sa inyo. Hindi ko lang kasi gusto ang feeling na namimiss ko kayo ng bongga. Nga pala, reminders lang, wag na kayo mag LQ, cat fights at bangayan kasi kayo nalang dalawa dyan. And also hindi na kayo teenagers, ok? 
  2. Alam mo may anak ka na, sana naman maging mature ka na sa mga decisions mo. Hindi na ako magbibigay ng payo sayo tungkol sa kung papano mo palakihin ang anak mo, or paano mo ihahandle ang family mo. Sayang lang kasi, pasok sa kaliwang tenga, labas sa kanan. Pero andito lang ako, aalalayan parin kita kahit papaano.
  3. Ay naku, bakit ang choosy mo sa trabaho? Nakagraduate ka nga pero ano ka ngayon? Dakilang tambay. Tapos sasabihin mo saken na tulongan kita? Pick your own a** and move! 
  4. Oi why oh why ka nga ba nagbago? Parang hindi na ikaw yung close ko before, hindi ka naman ganyan noon ah. Ngayon parang kung naguusap tayo feeling mo lage eh competition ako sayo, hindi naman ako nakikipagpataasan ng ihi. Kung may pinagdadaanan ka sana sabihin mo, hindi ako si madame auring na pwedeng hulaan yan. Sayang naman ang mga taon na ok tayo. At gusto ko lang klarohin, hindi mo kakompetensya ang mga bago kong kaibigan. Walang ganun, hindi na tayo bata.
  5. Salamat nga pala at iniintindi mo si #4. Kung pwede ko lang sana hatiin sarili ko para may time ako sa inyong dalawa, why not diba? Pero siguro mas naeenjoy ko ang company mo kasi we don't consider ourselves to be rival but more of friends. Dahil din sayo na realize ko na marami pa pala akong pwedeng gawin kahit healthy me! hehe
  6. Masaya ako na ok ka na ngayon. Wag na magcomplain, part yan ng trabaho. Just be thankful dahil lagpas ka na sa part na walang keme kang inaalila ng dati mong company. Your Domina is so proud of you!
  7. Nasa listahan na kita ng torture victims ko. Pasikat ka masyado, wala ka namang alam. Nagtataka ka pa kong bakit ang taas ng attrition, tanongin mo kaya sarili mo. Tinatanong mo pa ako kung bakit hindi na ako #1 sa ranking, hello? Demotivated na lahat ng agents, negative pa scripting mo. Nag leadership training ka ba talaga o tulog (as always) ka noong dinidiscuss kung paano ihandle ang mga tao mo? Kung madali lang sana lumipat, ginawa ko na.    
  8. Masyado kang affected sa maraming bagay. Siguro pwede na kitang tawaging hypersensitive, dala ba yan ng edad? Sayo ko na realize kong gaano ako ka galing na listener, puro kasi tungkol sayo ang kwento eh. Yan yung isa sa mga reason kung bakit hindi ako masyadong sumasama sayo, kahit pa may kotse ka at libre mo 'ko lage. Nakakarindi naman kasi minsan.
  9. FYI masaya ako ngayon kahit wala na tayo. Diba may girlfriend ka na? Ba't ka pa nagpaparamdam? Daig mo pa ang multo, daig mo pa ang kabuteng pasulpot-sulpot. Sana naman maintindihan mong ok ako at ayaw ko ng komplikasyon. 
  10. Dahil hayok ako sa morbidity, pinapagpapantasyahan talaga kitang binubunot ang ngipin ng pliers isa-isa ng walang turok na anesthesia, ginagamitan ng blue torch yung mata mo at dahan-dahang ginigilitan ng kutsara yang liig mo...Pero noon yun. Alam ko masaya ka na ngayon. Good for you, hindi mo rin naman ako mabibigyan ng magandang lahi eh. So quits lang!
  11. Ayusin mo na muna kaya ang buhay mo, saka mo ko ligawan. At sana tubuan ka ng kaonting ambisyon, kasi paniguradong makakatulong ka sa lipunan at sa nanay mong nagkandakuba na sa pagtatrabaho. Naman, ang laki ng katawan mo magbanat ka ng buto.
  12. Hindi laway ang mga katagang "I Love you", na pwede mo lang wisikan kahit na sinong pwede mong mawisikan. Pagsinabi kong hanggang doon lang tayo, hanggang doon lang. Period na yun, wag kang lumagpas sa 1 inch na tinalaga kong linya, utang na loob lang!
  13.  Kung gaano ka tigas ang ulo ni #10 ikaw naman ang kabaligtaran. Ok na ako sa setup naten, no strings attached. Walang pilitan, walang hassle, walang magiging tayo. Ayush! Naeexcite na ako sa nalalapit na trip naten. 
  14. Para akong inahing hindi makapangitlog pag nagkucomment ka sa mga post ko. Minsanan lang pero super kinikiliig ako. Homaygawwd, iniisip pa nga lang kita nangingiti na ako. Eeeeee! 
  15. You never fail to make me smile, ay correction laugh (as in buhakhak) pagnababasa ko ang mga post mo. Kahit sabihin mong walang kwenta pero tawang tawa lage ako sayo. Nga pala wag ka masyado mag self pity, cute ka naman eh. Hindi ako masyadong nagkucomment kasi nauunahan ako ng hiya. 
  16. Inaabangan ko lage ang post mo, kahit napakahaba eh binabasa ko talaga. Walang halong stir tsong, ang lupet mo talagang magsulat. Sana makilala kita in person nang makapagutotang dila naman tayo. Nomo, yes?
  17. Wa pakels ako kahit napagkakamalan na ako ng mga officemates kong sira ulo sa kakatawa sa mga post mo. Oi magsulat ka na ulit. Namimiss ko nang tumawa ng wagas sa mga weirdong kwento tungkol sa mga kakilala/friends mo. 
  18. Minsan iniisip ko kung saan mo pinagkukuha yang kwento mo. Gawa ba yan ng sobrang kalungkotan o sa betsin yan brad?  
  19. Bilib ako sa time management mo. Halos araw-araw may post, nagbobloghop, nagkucomment, EB, at may sideline pang kong anik-anik. Tanong ko lang natutulog ka pa ba? Ikaw na ang hindi nalolowbatt. Apir kayo nung isa pang blogger.
  20. Nagflood ka sa twitter. Na unfollow kita. Don't take it personally. Ok? 
"say hello to my bangs and my spooky face"

Friday, May 4, 2012

Panty po



"once-in-a-blue-moon-moment" 
...at hindi brip ang suot ko
...may matris
...dinadatnan po ako buwan-buwan
...wala akong boypren, eh ano ngayon? 
...marami akong girlFRIENDS
...the last time I checked, lalake pa naman ang gusto ko
... MAM po, hindi SIR!
...hindi ako mahilig mag bestida (tuwing may sapi lang) dahil bukod sa mahangin eh madalas nasisilipan 




Ako si Tabian, once and for all BABAE po ako! 

Thursday, April 19, 2012

Utang





Para sabihin ko sayo, lintik lang ang walang ganti!


Wala akong nagawa ng pinadala ako ng Inang sa Maynila para maging katulong sa tiyahin ko. Pambayad utang daw. Nagkasakit kasi ang Itang, nang lumaon hindi na nya nakayanan ay bumigay na ito.
Si Tiya Mercing ang gumastos ng burol pati na rin pagpapalibing, bilang siya naman ang may kaya. Kaya siguro ganun nalang ang utang na loob ng Inang sa kanya.


Sanay naman ako sa gawaing bahay kung tutuusin, ako kasi ang panganay sa sampung magkakapatid. Kaya ko naman tiisin ang lahat. Pero ang hindi ko maiintindihan ay ang pagtrato sa akin ng tyang.
Wala akong pinagsabihan sa mga masaklap na sinapit ko sa kamay niya. Maraming beses na pananakit at pagpapahirap ang dinanas ko. Normal lang sa isang araw ang ingungud-ngud niya ang pagmumukha ko sa sahig, sampal, at pagpapamukha sa akin na ako'y isang palamunin. 


Nang minsan nga nagpiprito ako ng galunggong ay walang habas nyang tinabig ang kumukulong mantika sa akin. Lapnos ang kanan kong kamay at ilang gabi din akong hindi makatulog dahil sa pinaghalong hapdi at sakit. Naryan pa ang ipagtitimpla ko sya ng kape at pag hindi nya nagustohan ang lasa ay walang pagdadalawang isip na itatapon ito sa pagmumukha ko. Hindi rin nakaligtas ang binti ko sa plantsa, pag may nakita itong konting gusot sa kanyang blusa. 


Higit pa sa pananakit nyang pisikal ay ang mga salitang nag iwan ng sugat sa aking pagkatao.


"Palibhasa, walang alam 'yang nanay mo kundi magparami ng lahi", kanyang tinuran sabay duro sa aking noo.


"Kung tutuusin kulang ka pang pambayad utang. Kung hindi lang sana naglumandi ang pokpok mong lola sa tatay ko ay buo pa sana ang pamilya namin." 




Hikbi at luha gabi-gabi ang tila saksi sa mala malignong trato sa akin ng tyang. Ang mga alaala ng Inang, Itang at mga kapatid ko ang nagpapatahan sa akin sa mga panahong 'yun.At ang larawan ng aming pamilya; ang tanging kayamanang pinakaiingatan ko. Pilit itong iniipit sa lumang aklat ko sa panitikan. Ang una at huling aklat na aking hiniram sa silid-aklatan. Ang una at huling paalala ng aking murang isipang nangangarap na makapagtapos sa pag-aaral. Sabi ko sa sarili ko, na isang araw ay makakaalis din ako sa empyernong lugar na ito. Balang araw ay magkakasama kami ng aking pamilya.


Dahan dahan akong dinala ng aking himbing na tulad ng saranggolang lipad sa kalayaan ng ulap at langit; na kahit man lang sa panaginip ay hindi ko maramdaman ang sakit. 


Kinabukasan, nagising ako sa kalabog at sigaw ng tyang.


"Hoy batugan, gising!" 


Binuksan nya ang aking nakakandadong silid, lumapit sa akin at hinila ang aking mahabang buhok. Kinaladkad ako ng tyang palabas, tinulak sa silyang malapit sa hapag at tinadyakan sa may baywang. Hindi ko mailarawan ang sakit sa mga pagkakataong iyon. Napaluha nalang ako at nagmakaawa.


"Tyang tama na po." ang aking nasambit.


"Anong tama na? Alam mo bang nasisante ako sa kagawaran dahil sa katangahan mo?" 


"Bwesit kang bata ka, kahit kailan malas ka talaga...malas kayo ng pamilya mo!" kanyang sigaw.


"Wala naman po akong ginagawa tyang" mahina kong sagot.


Nanlilisik na ang kanyang mga mata at umaapoy sa galit.
Hindi pa nakontento at hinambalos pa sa akin ang tsinelas nya. 
Hindi na rin ako nakailag at lumagapak ito, sapol na sapol ang aking pisngi.
Pilit kong sinangga ang kanyang mga hampas at sabunot pero mahina na ang aking katawan. Buhat na rin siguro ng mga pasa at mga sugat ng nakaraang araw na pagmamaltrato nya sa akin. Nagpaubaya nalang ako sa kanyang pananakit hanggang sa sya'y mapagod. Kinuha nya ang silyang malapit sa kanya at ito'y naupo. Hingal ngunit patuloy parin sa pagbulyaw. 


Naramdaman ko nalang na may mala likidong dumaloy sa aking ulo. Kinapa ko ito at tinitigan. 


Dugo. 


Nagdilim ang aking paningin at ako'y nawalan ng ulirat.




Gabi na nang ako'y magising. Tahimik ang paligid, pero parang may kakaiba sa akin at sa kung saan ako nakahiga. Sa kabila ng sakit ng katawan ay bumangon ako para siyasatin ang aking paligid. Pilit kong inaaninag ang lugar kung nasaan ako.


Malawak at luntiang damuhan, mga puno, mga kuliglig at kulisap na may kislap sa puwitan. Nasaan ako? Tanong ko sa aking sarili. Napansin kong nanlilimahid ako sa dugo at may palang dala. Paglingon ko sa di kalayuan may nakita akong hukay, nilapitan ko ito at sa gulat ay nabitawan ko ang pala.


Ang tiya Mercing ko, nasa loob ng hukay at punong puno ng dugo. 
Pilit kong inalala kung ano ang nangyari, kung bakit ako nasa lugar na ito at patay na ang tyang. Ni sa hinuha ay hindi ko akalain na aabot ng ganito. 




"Ano pang hinihintay mo dyan? Pasko?" sabi ng pamilyar na boses. "Tabunan mo na yang hukay!" dagdag nito. 


Lumingon lingon ako para makita ang pinagmumulan ng boses, ngunit isang anino lang sa kalapit na puno ang aking naaninag. 


"Wala ka nang dapat ipangamba. Tinapos ko na ang paghihirap mo" 


Pamilyar talaga ang boses, sigurado akong narinig ko na ang boses na 'yun. Dahan dahang lumapit ang anino, palapit sa aking kinatatayuan.


Isang hakbang, dalawa, tatlo...


Hanggang sa masilayan ko ang tila bayani na nagligtas sa akin. 


Siya'y may mahabang buhok at nakabestida na pamilyar din. Malabo ang kanyang mukha, kaya ako'y humakbang palapit sa kanya. Nahulog ang aking panga sa gulat.


Nakita ko ang isang babaeng duguan ang ulo...


Nakita ko ang aking sarili. 


Ako ang pumatay sa tiyahin ko. 


Ako. 


Tinapik ako ng lalaking naka asul na uniporme. 


"Inaamin mo nga talaga na ikaw ang pumatay sa tiyahin mong si Mercedita Concepcion?" kanyang tanong.












Nakatungo akong nakangisi. 




**********************************
Susme, dugo dugo gang na naman ako sa pakontes chuvaness na itey. 
Ito ang aking munting lahok sa Bagsik ng Panitik ni Ser Bino.