Tuesday, February 14, 2012

Bumabalentyms

Dear Palangga,


            Happy Balentyms day! Nagulat ka ba? Kasi alam mo naman hindi ako makeso so this is me being sweet. Salamat nga pala sa pagtext kanina. Ang aga mo pa talaga gumising para ma greet ako. At hindi ko talaga expected na may flowers na ihahatid dito sa office. Nahiya ako at the same time kinilig kasi kinantyawan ako ng mga office mates ko. Sorry nga pala at hindi ako nakaleave para sa special day na ito, alam ko inaanticepate mo na magkasama tayo buong araw. Alam mo naman dito sa office ngayon OA pa si boss, pasikat kasi. Pero babawi ako sayo, promise yan itaga mo man sa likod ng housemate mo! 
Pero sa totoo lang hindi naman natin kelangan e celebrate ang araw na 'to kasi everyday is valentines with you. Charus! Eto ang pamatay kong hirit. Siguro sa isip isip mo sinasapian na ako, ganoon lang kita ka mahal. Nagiging  horny korni ako. 
       Ang saya saya lang kung kasama kita, para tayong mga baliw sa mental, may sariling mundo. Salamat nga pala sa pagsama mo sa akin lage sa mga galaan at kung ano anong katopakan na maisip ko. Game na game ka lage. Alam ko iba ang time zone naten kasi pang gabi ako tapos ikaw pang umaga naman ang trabaho, pero pinipilit mo parin ipagkasya ang oras mo para magkasama tayo. Ang galing lang ng time management mo, di tulad ko, alam mo na. 
      Salamat din sa pag accept mo sa aking short comings, talagang ganito talaga siguro pagpinapanganak ng Pebrero, wagas ang topak. Nang nagpadagdag ako ng tattoo imbes na umayaw ka eh sinuportahan mo pa talaga ako, ang swerte swerte ko lang talaga sayo. You've accepted me for who I am and now I am a better person with you. Cliche man pakinggan pero you always bring out the best in me. Ansaveeh? Wagas na naman ang aking pagkabading, salamat at tanggap mo din yun.  
   Sa mga panahong kelangan ko ng cheerleader, andyan ka. Sa mga panahong gusto kong tawirin ang mahirap na daan hawak mo ang kamay ko at hindi ka bumitaw. At sa panahong andyan ka lang at nakikinig, maraming salamat. Kumokuta na ata ako sa salamat, pero hindi ako magsasawang sabihin yun. At syempre ang walang puknat na haylabyuberimats! 
   
    See you later palangga! Humanda sa umaatekabong boom boom pow! 


Haylabyuberimats! Mwah, mwah, mwah, tsup, tsup...

Chudamax na naghahaylabyu,
                                                                                                                          Tabian

**********************************
Chos lang! Wala naman akong pagbibigyan nyan, trolling on balentyms day, kasi single. 

Happy Balentyms sa mga may ka harotan, sa mga single Happy Independence/Single Awareness day sa inyo! 


11 comments:

  1. Lol! Natawa ako sa last line... Happy VDAY!

    ReplyDelete
  2. Happy Valentines Day! Enjoy sa man hunting...chos hahaha

    ReplyDelete
  3. aguy.. kung makapalangga wagas kaayu oi.. hahaha kasweet ba ani...

    ReplyDelete
  4. baka kasi le friendzone kaya di mo masabi yan. lols

    dep and derpina shades? 9gag :p

    happy balentayms tabian :D

    ReplyDelete
  5. haha..ang landi ng huling hirit...I like it. Horny din ako magmahal..LOL

    ReplyDelete
  6. ano daw?! palangga ah?! may pa ka naay palangga, abi nako apil ka sa ipa-firing squad taod taod.. alarm, ano ba talaga?!

    ReplyDelete
  7. hahaha.. ayos ang banat ah .. everyday is valentines with you.. parang araw araw pasko lang.

    happy valentines :)

    ReplyDelete
  8. oh edi ikaw na?
    ano ba kase yung valentines day

    ReplyDelete
  9. hahaha! na-victim ako dun ah. mabuti na lang nabasa ko 'yung pagkaliit-liit na font sa baba. malay mo, this year pala, may pagbibigyan ka na ng labletter na 'yan, tabian. antay-antay lang; darating din si mr. right. o eh di happy single awareness day na lang? lol!

    ReplyDelete
  10. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete