Tuesday, January 31, 2012

Sa pangalawang pagkakataon ako'y umibig

   Pain is indeed inevitable. Ansaveeeh? Kamusta earthlings? So how's weekend? Sa akin makulay, masakit at madugo. Ang siste kasi nagpaschedule kami ng retouch session para sa aming mga tattoo nung Sunny day. Pero dahil wala pa akong regalo para sa beerday ko at may kung anong pumasok na ipis sa utak ko nagpalagay na naman ako ng bago.


At itey ang evidence ng karumaldumal na nangyari.


"oh yeah!"
  Ang iingay pa namin before the session. Nang simulan na, ayun nagiba na ang mood. Unti- unti na kaming tumahimik at tipong huni nalang ng karayom ang naririnig. Nakakakilig!!!


" 5 steps para saktan ang sarili"

 Sinabi ko na ba na masakit? Parang hindi pa yata. Para sabihin ko sa inyo hindi sya masakit...super duper sakit! Specially yung shading part. Nangingiwi na nga ang mukha  at nagkandaduling ako sa sakit. Mabuti nalang at high ang tolerance ko sa pain. Hindi me naiyak, pero ito ang mga moments na napapakanta nalang ako ng "Kunin mo na ang lahat sa akin" to the tune of "Sisira ang bulaklak". 

"Swabe lang?"  

   Salamat nga pala sa aking boys. Sila ang aking naging molar support sa painful moments and vice versa. Kasi nakangiwi rin naman sila sa retouch sessions. Sabi nga nila, love is sweeter the second time around. Sa amin it's more painful the second time around (connect?). 

" Nelumbo nucifera"
          According to mareng WikipediaFrom ancient times the lotus has been a divine symbol in Asian traditions representing the virtues of sexual purity and non-attachment. Sexual Purity daw, taray! Kahit sobrang sakit worth it naman. Pak! 

Tuesday, January 24, 2012

Delayed ako



"Dalawang guhit pala?"

***********************

      Echos lang! Pero delayed talaga ako...delayed ng dalawang post! Pinadaan ko muna ang blogversary ko kasi tinatamad busy lang talaga ako. O cia para masimulan sa pag update. Gumala kami first weekend ng taon. Bininyagan namin ang mga makakating paa, pabwenas para dumami pa ang gala sa buong taon.



"Kaladkarin gang" 
Para lang talaga kaming may sapi pag naka timer ang camera. Pero wag kayong magalala hindi po kami lulong sa ano mang bisyo, normal pa po yan. I swear! And take note pagdating pa lang namin yan ha.



Kumain, uminom, kumain. Yan po ang buhay namin doon sa isla ay meron pa pala, mag explore at mag beach syempre.




Di ko maala mga pangalan ng lugar pero kung gusto nyong malaman saan kami dinala ng aming mga makakating paa paki pindot nalang ITO!

"Me time"
Ito rin ang gusto ko sa pagtatravel, nakakapagisip ako. 

***************************
Sinulog 

"Feast of the St. NiƱo"
   Nang sumunod na weekend eh Sinulog naman sa aking mahal na Cebu Cidee! Medyo wala akong masyadong kuhang pictures kasi nagkawang gawa ako sa aking isang barkadude. Ako'y naging isang dakilang tindera ng Ice tubig, softdrinks, hotdog at hair color spray.


Diba ang colorful lang? Sing kulay ng rainbow and all!


Maraming walkathon na nangyari. Maraming naging baskil (basang kili-kili), amoy kung ano-ano pero kebs kasi masaya at festive ang mood ng mga madlang people. 


Masaya. Makulay. Madaming tao. 

"Caught in the act"
At nakakagutom! :)

   At yun nga. Konting events here and there, mall show, pictorials at autograph signing. Chos! May sinusubokan akong project ngayon para sa aking beerday. Pero secret na muna. Ayan na update ko na kayo. Sigethanksbye! 


Wednesday, January 18, 2012

Weee! Naka UNO rin!

"TNL- walang abs" 

  Isang taon. 69 posts. Tingnan mo nga naman, umabot talaga ng isang taon. Gusto kong magtambling, magsplit, cartwheel, pumalakpak ng bongga habang kumakain ng buhay na fried chicken at nakalambitin sa hibla ng long shiny hair, dahil isang taon na palang nakabuyangyang ang buhay ko sa blogosphere. Naks! Sa totoo lang hindi ko inexpect na aabot ako ng isang taon as in one whole freak'n year, like duh! Arte much?
Pero seriously (seriously daw oh) hindi ko talaga inakala. Gusto kong maluha ng popcorn dahil na maintain ko ang online journal na itey.

I'd like to thank my sponsors :
  • My company - dahil lax lang ang IT at walang keme kaming nakakapagstream, bloghop at nakakapagsulat kung kami'y nababagot na sa trabaho at gusto ng laslasin ang pulso sa leeg sa stress. Sana pwede na rin ang porn in the near future. Hehehe  
  • Sa aking mga kaladkarin friends - Tara! Saan next destination? 
  • Sa aking B-E-A-M Family   para sa inyo ang award na ito,chos! Nanalo lang sa famas neng? Sa inyo na walang sawang nagbibigay kulay ng magulay kong buhay. 
  • Sa aking mga idol sa blogging -  alam nyo na kung sino -sino kayo, kayokayo, kayo, kayo, kayo, kayo, kayo, kayo, kayo ... hindi man ako nagkucomment ng madalas pero palihim ko kayong sinusundan binabasa at inaabangan. Alam ko na kung saan kayo nakatira at ang phone number nyo! Jowk! Stalker lang ang peg teh? Yung iba na meet ko na, yung iba gusto kong makatagay at makipagutotang dila naman minsan. Sana, sana bago mag 50th blogversary kung umabot man. Hindi ko talaga itatago ang paghanga ko sa inyo dahil isa(?) kayo sa mga nagbibigay inspirasyon sa aking pagsusulat (putek! napaka emotional ko na). Sa mga hindi ko nabanggit wag kayong mangamba at magtampo, supported ko kayo. Nasa blogroll ko nga kayo eh. 
  • Sa mga nagbabasa at nagkucomment -  Sa totoo lang (naka ilang "totoo" na ba ako?) ginawa ko ang blog na ito as a mode of release, kumbaga putokan ng nagjajakol kong utak. Sabi nga ni Toni Gonzaga sa My Amnesia Girl - " pandesal lang hiningi ko sa inyo, hamburger binigay nyo may fries pa" Pak!

Paumanhin at pangunawa lang sa mga humihingi ng pakontes chuvaness. Alam nyo naman siguro na ako ay taghirap ngayon dahil sa mga pangyayaring ito. Naisip ko talagang magpakontes at ipamigay ang picture ko pero baka maumay kayo, para lang kasi yown sa mga mararaming ipis, daga at dinosaur sa kabahayan, pang substitute sa Baygon kumbaga. Pwede bang love and devotion muna pamigay ko? Mwah, mwah, tsup, tsup! 

 Maraming, maraming salamat sa inyo! 

Saturday, January 7, 2012

Diskarel

Wala. Random. Rants

  • bankrupt pa rin ako dahil sa nakaraang Holidays, buti nalang may konting na itabi para sa mga biglaang lakad
  • lumabas na ang conversion ng leave credits pero dahil sa dami ng gala ko last year ang liit lang ng natanggap ko minus ang putanginang tax
  • hindi ako gumawa ng new year's resolution, hindi na rin ako naniniwala sa mga ganuon 
  • nag reconnect ang dating tao sa buhay ko pero ayaw ko nang e complicate pa
  • may gusto akong e unfriend sa fb pero di ko magawa gawa
  • ang laki na ng tyan ko, para na akong tambay na tomador sa may kanto  
  • ang laki na rin ng appetite ko so no wonder
  • na disappoint na ako sa isang tao
  • minsan naman pwede bang ikaw naman ang cheer leader? napapagod na rin kasi ako eh
  • hindi naman ako pa importanteng tao 
  • mabait ako kaya nga siguro naabuso ang kabaitan, ma try ko nga maging masama one time
  • nakakabagot din pala maging shock absorber
  • may gala ako mamaya, first beach trip for the year hindi ako gaanong excited
  • halfhearted parin ako
  • malapit na blogversary ko pero wala pa akong plano
  • malapit na bday ko pero hindi ako excited, mas atat pa sila dito sa office (halatang mga PG lang teh?)
  • wala nang epekto sa akin ang kape aside sa naiihi nalang ako ng madalas
  • gusto kong uminom ng marami, yung tipong wasakan ng atay matagal ko nang hindi nagagawa yun
  • dapat pala no expectations para no hassle
  • sana maging ok na lahat
This too shall pass...

Tuesday, January 3, 2012

wala akong maisip na title...happy new year nalang!

   


      Huli man daw at magaling...huli parin! Happy New Year friends! Masaya ba ang holidays nyo? Ako, eto nagfile na ng bankruptcy.  


Sa Mall - 
Tabian: Mang, grocery na tayo para sa Media Noche.
Mudrax: Oi tingin muna tayo sa taas. (taas means sa department store at boutique)
Tabian:  Wag dun ma, maraming tao ngayon. Maraming naglalast minute shopping. (this is me convincing my mom not to buy her something
Mudrax: Tara na ate! (sabay hila sakin)
Tabian: (insert me tulaley-no-choice-face here)
Sa department store - 


Mudrax: Bagay ba sakin to teh? (sabay pakita ng blouse)
Sinilip ko ang price. Nanlaki ang mata ko, isang libo, sa isang blouse. Putek, caught off guard, holdap!
Tabian: Ay wag yan mang di bagay sayo, nakakataba. Eto nalang oh?! (hablot ng mas murang blouse)
 Mudrax: (sinukat ang blouse) Bagay ba? 
Tabian: Yan ma mas bagay sayo, payat ka tignan. Yan nalang ma! Bayaran ko na, tara! (this is me bluffing my mom..pero in fairness bagay naman talaga mas mura nga lang...hehe
Sa grocery - 
Tabian: Pang ano ba gusto mong handa naten mamaya?
Fader: Gusto ko ng sugpo, ham, pancit, spaghetti...blah..blah..blah...
Tabian: Ok (deep inside nagbabudget na)  Tara!
Sa bahay ng kapatid ko - 
Sisterloo: Teh asan na gift mo kay Juan
Tabian: Huh? Ay nasa bahay, di pa nababalot eh. Baka bukas or sa makalawa bigay ko.
Sa totoo lang hindi pa ako nakakabili ng mga panahong yun.
Minsan gusto ko ipa-band ang mga ganitong okasyon kasi nagiging pulubi ako. Never the less masaya na din naman ako kasi naging masaya sila. Pang one time big time kumbaga at minsanan lang naman, kaya ibuhos na ang saya! At may isa pa akong na achieve bago matapos ang 2011.


Remeber this? Mula DITO.


"Pamilya ala Baywatch"

Mukha pa kaming mga hampas lupang malnourished na magkapatid dyan. 


Eto na kami ngayon - 

"B-E-A-M toothpaste family"
May complete family picture na rin kami finally. Kami na ang mga malalaking bulas happy family. 
Maarte sila ayaw nila sa studio, kaya ayan nagkasya nalang sa bahay ng kapatid ko. Pagpasensyahan ang background at si fader na hanggang ngayon eh tipid parin...tipid sa smile! Masaya na sya ng lagay na yan ha.

They are the real reason of my existence at kung bakit ako kumakayod ng bongga. Pak!