Tuesday, May 3, 2011

busy ko

Busy much po ako kaya medyo hindi ako nakakapagwento sa inyo. Eto na i-uupdate ko na kayo sa mga nangyari sa akin. Maraming nagbago. 

  • Hindi na ako voice agent, chat na po ako. Hindi na ako nagmumura ngayon verbally. Sa isip nalang. *big grin* Panay takatak ng aking keyboard. Mas stress-free sya compared sa voice. Pero nangangapa pa ng konti sa tools pero go parin.
  • Lumipat na ako ng bagong haybol. For the nth time around eh nag alsa balutan na naman ako, buti nalang konti lang ang gamit ko. Tinulongan naman ako ng mga barkadudes ko sa paglipat. Medyo maraming din akong ginawang linis/make over sa bago kong haybol. Ektwali, studio type room lang sya tapos may own CR. Isa kasi sa mga reasons kung bakit ako lumipat (na naman) eh dahil hindi na ma take ng powers ko ang pagka dugyot ng mga boarders sa tinitirhan ko noon. Shared kasi ang CR, so siguro you'd probably picture that one out. I'll leave it to your own imagination nalang. Basta kaderder sila, period. Henyways, yown nga naglipat ako last Wednesday. 
"busy much?"
  • Isa pang dahilan kung bakit ako busy ay...*drum roll*


"ako na ang late bloomer sa games"


Oh, hayan. Ang mga majorness na naka-apekto sa aking tabian life. 

Realization: Napaka life changing ng Plants vs Zombies. Lalong naging lusaw ang utak ko, minsan nga e present na sila sa panaginip ko. Paken sheyt! 

9 comments:

  1. eheheh. PVZ. gandang game yan. tapos tatanim ka ng nut na may angry birds. joke :p

    naks, new place.

    Mas masaya ata chat. less stress

    ReplyDelete
  2. ano ung batman? hahha...adik much ako dati sa plant vs zombie, dalawang beses ko na end, tapos 112 flags ak sa survival..hehe..

    AKONI

    ReplyDelete
  3. nice, bagong pad.. paparty ka naman sa new pad mo.. :) buti na lang at lumipat ka dmo kakayanin ang cr doon, parang may bumubulong, "a new wave of zombies are coming.."

    ReplyDelete
  4. haybol!!! ngayon ko lang uli naencounter ang term na yan after so many years hehehe kakaiba ka talaga tabian much!

    ReplyDelete
  5. @khanto - haha..yuko ng angry birds mahina ako sa physics..:D natapos ko na ang PvZ ano ba sunod? hehe

    @akoni - wag mo nang alamin..hehe basta to ward off evil spirits yan..goleng goleng mo nomon..natapos ko na sya, ano ba pwede sunod?

    @mr.chiz - paparty ako, punta ka ha? sa may kanto lang naman sa inyo diba?wehehehe
    napapanaginipan ko na nga sila eh, adik lang?

    @glentot - may kung anong laman yang sinasabi mo ah..keep it to yourself glentot ng walang dumanak na laman..ehehe..

    OT: natawa ako sa "Stayin Alive" na theme song..LOL

    ReplyDelete
  6. @empi - yuhuh! pero eyport maglipat..:)

    ReplyDelete
  7. isa daw ang pag lilipat sa mga pinaka pangit na pwedeng mangyari sa buhay ng tao.

    1. Masunugan ng bahay
    2. mabungian ng ngipin
    at ikatlo daw ang mag hakot ng gamit at lumipat ng bahay.

    pang apat mag blog.

    ReplyDelete
  8. @paps - hindi naman siguro pangit, pero kapagod...hehe
    ang pang apat and hingahan sa pagod na yown..:)

    ReplyDelete