Saturday, May 21, 2011

ito ang dahilan kung bakit wala ako ng mga nakaraang araw

I'm back t-back! Detached ako sa henternet ng mga nakaraang araw dahil ako ay umuwi sa amin. Vacation mode kungbaga. Hindi ako nagpatempt na magopen kahit anong social networking site or blog. Kaya pagpasensyahan nyo na kung hindi ako nagala sa inyong mga haybol. Bumabaha ang updates sa mga finafollow kong blogs, hayaan nyo at babawi ako sa inyo ng pagka bongga! 
Dahil nga sa ako ay umuwi, eto at magwewento ako sa inyo sa mga nangyari. Nanghiram syempre ako ng jijicam sa isa kong barkadudes para e-capture ang mga moment. 
Umalis ako Sabeerday ng gabi at nagarrive sa amin ng umaga sa Sundeeey. 




"gomorning Cagayan de Oro Citeey"
After sa lumalagapak na isang taon na hindi paguwi sa amin maraming nagbago pero hindi ang appetite ko.*hehe* Isa kasi sa mga reasons kung bakit ako umuwi aside sa namimiss ko na si Mudrax at si Fader ay dahil fiesta sa amin. So here we go sago!




"kebs ang diet"
"ang aming bruno mars inspired lechon"
Parang nag gain na naman ako ng slight (in denial) sa heavy kainan. Kasi naman pinilit nila akong kumain yan tuloy. *big grin*
May bagong addition nga pala sa aming family. Ang bagong baby ni Mudrax.


"katkat a.k.a Becky Bayla"
Ewan ko kung ano'ng pumasok o nasinghot ni Mudrax ng pinangalanan nya ang pusang 'to. Lalake po si Katkat short for Kathy lang naman. Nang tinanong ko ang nanay ko, ang sabi lang naman eh "akala ko kasi babae" sabay ngiti. No comment nalang ako. Bininyagan din namin ng kapatid ko ng bagong pangalan si katkat - Becky Bayla. Hulaan nyo nalang kung bakit.


May bago din akong nadiscover, ang bagong trip nila Mudrax at Fader.

"manicure sessions"
Ang sweet! Mga kalikot sessions ng aking payrents, bonding moment nila ang pagmanicure ni Mudrax kay Fader. Nakalibre na sila sa parlor in fairness. 

Mas jampak din ang paguwi ko kasi umuwi din ang kapatid kong lalake. 

"Bruno Mars - chumbok version"
Ayaw nyang isama ang mga piktyurs nya dito pero wala syang magagawa kasi blog ko to. *bleh* 
Ang kasama ko sa food trip, tagayan, PSP wars, at debede marathons. Nagpabili pa sakin ng kagaya daw ng kay Bruno Mars na hat eh ang laki naman ng ulo, kaya ayan slight tabingin nalang para magkasya. Isa rin sa mga holdaper ko. 

"happiness :)" 

Si Mudrax trying hard to be korean, at si Fader na tipid...tipid sa smile. Kung ako eh halos ipamigay na ang ngipin sa mga ngiti ang tatay ko naman ay mahal ang smile, so pagpasensyahan nyo na. 
Sa paguwi ko kulang kami, hindi kasi nakauwi ang isa kong kapatid kasi malapit ng manganak. Mas masaya sana kung kompleto, pero oks lang madaragdagan na naman kami. Happy Yipee Yahoo! 


Note: Sila nga palang tatlo ang notorious holdaper ko. Ngayon na nakabalik na ako sa Cebu, magfafile na ako ng bankruptcy. 

7 comments:

  1. malapit sa amin ang cdo.. taga cebu ka pala? lamo bang galing ako jan.. sayang, pagbalik ko jan kita tayo ah..:)

    ReplyDelete
  2. Hehehe! Ayos naman si "BRUNO-BOY" na Lechon, hehehe! Habang tinataga nyo ba yan, kumakanta pa rin?! Hehehe! Napakadami nyong handa, nakakagutom! Hayyy.... =)

    ReplyDelete
  3. hahaha..taga cagayan diay ka mam..suroy ko didto inyo next time ha.before ko hawa diri sa cebu.hehehe...

    lechon!!!!!!!!!!!!!!!!to die for!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! aho! aho! aho!

    -thegreatmaldito

    ps: katkat din ang name ng pusa namin.ahahaa

    ReplyDelete
  4. @mommy razz - talaga mommy razz? asan ba sa inyo? nope, dito lang ako sa Cebu nagpapaalila taga CDO po ako...next time mommy razz gala ka uli dito sa Cebu! manglaag nya ta! :)

    @isp101 - uu, kumanta ng grenade..hehehe

    @maldito - yuhuh! sure sure, manglaag nya ta diri sa Cebu sa! hehehe
    bading din ba ang pusa nyo? XD

    @nieco - hahaha..bayot nang iringa! Bayla short for Bae nga Lake..XD

    ReplyDelete
  5. cuervo ba yung naispatan ko sa isang pic mo? ahihiihh.

    CDO ka pla. hihihh. kebs ang diet kapag lakwatsa mode

    ReplyDelete
  6. @khanto - hindi, mojito beybeh! moi paborito! :D

    ReplyDelete