Wednesday, May 11, 2011

aaaupdate

Sorry naman at slight busy po ang inyong lingkod. Pero I always make it a point na gumala sa inyong mga kabahayan. Sige na euupdate ko na kayo sa aking mga happenings - 

  • Dalawang linggo na po ako sa chat support. Pansin kong naging mahinahon na ako, konting mura nalang on the side.*hehe* Improvement yown kung tutuosin sa isang tulad kong isang kutsarita lang ang patience. Pansin din ng mga kasama ko sa opis na mas tahimik na daw ako ngayon at focus. Naks! Hindi ako nagsabi nun ah, sila. Eh sa magmumukha naman siguro akong engot kung kakausapin ko ang sarili ko at magmumura noh? Henyways, medyo nangangapa parin pero getting the hang of things na ng konti. 
  • Ang tools namin eh walang ka kupas kupas. Nagiinarte, parang may mens lang ang #$%^&@. Minsan umaandar ng tama, kadalasan may tama. Yan lage ang pinagmumulan ng mura ko at ng ka opismates ko. Sabi pa nila nagupdate na ng tools. Eh parang walang nagbago, lalong lumala. Iniisip ko pa lang nahahighblood na ako. Kung kumulo lang ang dugo ko, matagal ng naging dinuguan dahil sa putaness tools. Buti sana kung pag nagloko walang trabaho, eh tuloy parin. Hahay buhey empleyado!
  • In relation sa trabaho, sa awa ni papa jes eh regular na po ako. Yipeee! Maeenroll na ako sa health plan ng company. Maeenroll ko na rin si mudrax at si fader. Double Yipeee! Di bale na malaki ang kaltas sa sahod basta insured. Kaakibat ng mga pagka regularize eh dapat mas responsible na. Hindi na pwedeng excuse na newbie may learning curve chuvaness. Dapat competitive, go for gold lage. Gusto ko atang mapromote to CEO lang naman. Dyuk! Pero seriously (seriously daw oh) ayaw ko ng maging poreber agent. Gusto ko ako naman ang boss. *big grin*
  • Another perk sa pagiging regular ay makaka-avail ka na sa vacation leave credits. Dito ako mas excited, kasi pwedeng magplot ng bakasyon engrandeey ahead of time. Diva vongga?! Nakaplot na kasi ahead ang paguwi ko, so excited much ang show.
  • Eksaktong isang taon din akong hindi nakakauwi sa amin. So parang homecoming/fiesta/get together cherva itey. Ngayong Sabeerday na ang uwi ko, ano ngayon Myerkules? Wala pa akong ticket pauwing Cagayan de Oro. Ay oo nga pala taga Cagayan de Oro po ako - The City of Golden Friendships (dapat may s kasi marami). At dahil parang napapahaba na ito, yan na muna ang aking aaaupdate (dapat parang epileptic lang sa pagsabi). Bibili pa ako ng ticket. Sige bye!
"autistic mode"

9 comments:

  1. same here, ang pinagmumulan ng kinahahayblad ng mga tao ay ang tools sa work. yung tipong laging naghahang, may topak tapos di maayos-ayos

    ReplyDelete
  2. Pareho tayo, nagpa-plan din ako ng vacation way ahead of time. Maganda yan kasi ako, pakiramdam ko palagi akong may nilo-look forward na bakasyon hehehe.

    Congrats sa regularization. Pagbutihin lalo ang pagta-trabaho :)

    Miss N of
    http://nortehanon.com

    ReplyDelete
  3. nakakarelate ako sa tools na yan na walang ginawa kundi manira ng araw, ahihihi.. inggit ako, gusto ko na din umuwi samin. enjoy your vacation! :)

    ReplyDelete
  4. hahaha buti nalang isang timba at mahigit pa patience ko.. hehhee

    ReplyDelete
  5. Ang kulit ng update. Congrats sa regularization. Ayos 'yan, meron kayong health plan na sakop pati dependents. Isama mo na din ang pag-iipon.

    ReplyDelete
  6. Hindi ako maka-concentrate sa binabasa ko dahil sa picture na yan..haha..bakit pa kasi naka-censored?

    ReplyDelete
  7. Hi, TABIAN! Isa ka ba sa Magic Sarap Ladies or judge sa PGT?! Hehehe! Wag mo na i hide ang iyong beautiful and flawless face! Ahihihihi! Oo, nakaka bwiset talaga ya'ng pesteng mga latency at outage ng tools na yan. Masaklap pa nito, pati stats natin ay apektado, FCR, TACRIFT at AHT... Buti sana kung iwe wave nila yung mga pagbagsak ng metrics, sasabihin lang nila, eh bakit yung iba pumasa?! Hehehe! Ako rin gusto ko ng ma promote, morethan 6years na ata ako sa trabaho, inaamag na ako! Isa pa rin akong hamak na tek supot, pero ok lang, mas malaki naman sahod ko sa ibang sup at paid pa ang overtime, kaya pwede ng pag tiyagaan. Kaso, nakakasuka na rin talaga minsan di ba? Pero, ito ang bumubuhay sa aking pamilya, nagbabayad ng bills, kaya shadap nalang ako! =(

    ReplyDelete
  8. Pinixelate mo pa nahiya ka pa hehe

    ReplyDelete
  9. howdy prens! pasensya na at medyo delayed ang mga reaction ko, kagagaking ko lang sa maikling vacation...here we go!

    @khanto - kerek! nag tools pa kayo eh ang bagal din naman..

    @ms.n - hallo there! maraming thanks sa pagbisita po! gala uli kayo..weee! :)

    @mr.chiz - mag file na ng leave at umuwi kasi!

    @akoni - wag na kasing umepal..paraparaan lang yan eh! hehe

    @isp101 - may tama ka ng bongga ser! :D

    @glentot - hahaha..wag ka na,pa mystery effect ako eh! XD

    ReplyDelete