- Tabian is Cebuano term for talkative, madaldal, o makwento.
- Makulit. Madalas pa sa madalas eh may topak. Maingay (on a normal bases) pero tahimik pag may sumpong.
- Gustong gustong pumayat pero pang construction worker kung lumantak ng chibog.
- Extra rice is ♥.
- Nag gym narin noon. 1 week lang naging religious sa pagpunta, naging once a month, nainip at tumigil.
- Gusto maging chef. Kaya magsaing ng kanin, prito ng itlog at expert sa instant noodles.
- Mahilig sa pancit canton. Nakakaubos ng 3 pakete sa isang upuan lang, hindi ko alam bakit. Chili-mansi paborito kong flavor.
- Pag nagluluto ng instant noodles dapat 2 eggs. Mas maraming egg, mas masaya (wag green, sadyang mas masarap pag dalawang itlog).
- Mahilig sa siomai, ginabut (chicharong bulaklak), balut at street food. Mahilig din magkakain sa bangketa, rubbing elbows with the ordinary people (feeling extra ordinary daw ba ako?).
- May short attention span, mainipin for short. Isang kutsarita lang ata ang pasensya ko sa maraming bagay.
- Hirap matulog pag walang kulambo sa paanan. Oo, ako na ang may sakit at weirdo pero mula ng bata pa ako eh ganito na ang habit ko. Ganito rin ang mga kapatid ko. Hindi ko rin mapaliwanag, kung may scientific explanation kayong nalalaman, please enlighten me. *hehe*
- Hirap matulog kung may katabi. So good luck to me in the
nearfuture, at good luck na rin sa husband (kung meron mang dumating. *fingers crossed*) - Frustrated Veterinarian. Mahilig sa hayop, except sa mga animal kong ekis (bitter much?).
- Mahilig sa kulay RED. Oh yeah!
- Morbidity is an understatement pagdating sa movies.
- SAW. Favorite movie of all time.
- Curious sa maraming bagay.
- Independent.
- Positive thinker (except for the pregnancy kit..nyuk!)
- Masayahin.
O sya, yan na muna. Major facts tungkol sa inyong lingkod, bow!
"caught in the act!" |