Thursday, December 22, 2011

Wakas


Sa isang dapit hapong
Hindi alintana ang sakit at lumbay
Alam kong ito ang huling pagkakataong makakapiling ka.

Walang pagsidlan ang kalungkutang nadarama
Hagkan man kita sa pagpikit ko ay wala na,
Wala ka na.

Hawak ang galon ng gasolina,
Sa isang kamay naman ay dala ang kahong puno ng tayo
Paloob ang mga larawan, liham at tuyong bulaklak 
ng pangakong tanda.

Tinitigan kita ng buong pagmamahal
Ngunit sadyang dumadampi na sa aking pisngi
Ang mga luhang pigil 
na dala ng mga umalingawngaw na alaala.

Alaalang pilit na kinukubli 
pero nagpupumiglas
Damdaming pinaglipasan 
ngunit makapangyarihan.

Sa pagsindi ng posporo
Sa pagliyab ng kahon
Ng mga larawan, liham at tuyong bulaklak
Ay ang pagpawi rin ng ating nakaraan.

Ako'y niyapos ng mapagbighaning siklab
na walang pag-aalinlangang aking tinalima.

Tangan ng silakbong apoy 
Tangan ng abo 
Tangan ang ako
Ikaw 
at noong naging tayo.



**************************************

Ito ang resulta kapag -


a. nalilipasan me ng gutom 
b. kulang sa tulog
c. sinasapian ng kung anong lamang putek
d. gusto me makisasaw sa pakontes ni Ser Gasul

Ito ang official lahok ko sa Blogversary Writing Contest ni Gasoline Dude.


Ang sakit sa bangs at massive internal hemorrhage teh!!!   

















Thursday, December 15, 2011

Baguio-yo-yo!

      I had an early flight from Cebu to Manila. Full spirits and high hopes akong bumyahe syempre, kebs na kung hindi magcooperate si haring Sunshine. Thinking na magiging ok din ang weather. Pagkadating ko nag quickie laman tyan muna kami sa pinakamalapit na Syete/Onse (7/11). Na anticipate ko na mahaba ang byahe at dalawang stop overs lang so kelangan e control muna ang katakawan. Bladder control at potty training kaya ginawa ko para sa trip na itey, mahirap ng magkalat at mag take two pa sa leaflet incident. Nagdala na rin ako ng maraming tissue, just in case di na talaga mapigilan. Hehehe! 
Umalis kami galing sa Pasay ba yown or Cubao? Basta either of those Victory Liner terminals, di ko maalala dahil sa excitement siguro, basta yown! Umuulan na ng sangkatutak! Hindi talaga napakiusapan si Mr. Sun, kahit pa nag sundance na me at kumanta ng "Rain, rain, go away" go parin ang pagbuhos nya. Again kebs! Andito nalang naman me, so gorabells parin. 


"nakadungaw sa bintana at kumakanta ng Basang basa sa Ulan by Aegis"
Di na ako nagpadala sa weather...kumanta nalang me! Pagdating namin sa Pampanga nagulat nalang kami ng may parang sumabog ng slight -- na flat ang likorang gulong ng Bus na sinasakyan namin. Mga halos isang oras din kaming na stranded, so minus na sa panahon. Sabi ko sa sarili ko, ayos lang, positive vibes dapat. Sa haba ng byahe, natulog na ako at nagising, tapos natulog uli, hindi parin kami nakakarating. Masakit sya sa pwet in fairview. Sa dami na rin kasi ng aking mga gala ngayon pa lang ako nakapag travel ng mahaba...na nakaupo lang. Sabi nga nila ang kamalasan comes in three. And I guess they were right. Kamusta na umalis kaming 10 am, dumating kami mga past 7 pm na? Marami kasing road construction na nadaanan, umuulan pa tapos nag zero visibility pa nang malapit na kami. 

The next day! Umaraw ng pagkabongga. Pumunta kaming SM, sabi ko sa kasama ko "bakit pa tayo pupuntang SM eh meron naman nyan sa Manila tsaka sa Cebu?". But not to miss pala talaga ang SM nila kasi walang aircon at para syang isang malaking tent. Syempre di pinalagpas ng aking lente ang view.

" vivid, fish eye, miniature effect, yeah!"

And the day goes on. Pumunta kaming Oh my Gulay, nagkandawala- wala pa kami eh nasa Session Road lang pala sya. 

"artsy fartsy + good food = swak!" 

At dahil just around the corner lang naman ang Burnham Park eh nag side trip na rin kami. 

"ganyan ka sarap ang strawberry taho, na distorted ang mata ko..hehehe"
Hindi na kami nagpaka Basha't Popoy para sumakay ng bangka chuva. Mas natatakot akong mahulog sa boat kesa sa mag moment. 

Next stop - Good Shepherd Convent at Mines View Park. Bumili kami ng sangkatutak na pasalubong at nagpictorials.

"modern day igorot naka sneakers"
Di nakaligtas ang kamag-anak ni Vice Ganda na super pink ang hair! After sa Mines View eh Bliss Cafe naman.

"Bliss cafe" 
 Bliss Cafe serves vegetarian food. Dito ko narealize na hindi ko pwedeng isuko ang pagkameat lover ko. Pero in fairness sa place ang kulay at may mga exhibits din ng kung anik anik na related sa Cats at that time. Again, hindi ko isusuko ang love ko sa pagkain ng karne. 

Sumegway din kami sa Bell Church kinabukasan.

"feeling tourista si ateh!"
Medyo tinatamad na me magpicture kaya konti lang nakuhanan ko. 


"feeling ko ako ay isang Giant"
Kumain din kami sa 50's Diner bago kami bumalik ng Manila. Isa ding realization how I love meat and big food servings. :)
At syempre, hindi pwedeng hindi ko pasalamatan ang naghatid ng kabaklaan sa trip na itey - 

" tenchu! Jake from Usap Tayo Mamaya l The Jakey Junkie Blog"
  Marami pa akong hindi napuntahan kasi nga limitado sa oras, pero solb na rin. Paniguradong may babalikan at aabangan! 


Wednesday, December 14, 2011

Baguio getaway!

Ano pwedeng gawin sa Baguio?



  • Pumunta ng umuulan para mas cool
  • Kumain sa Bulalohan ng hating gabi 
  • Mag stroll sa kahabaan ng Session Road, again sa madaling araw para mas cool
  • Kumain ng ice cream sa madaling araw
  • Gumising ng maaga para masilayan ang sunrise 
  • Kumain sa Oh my Gulay 
  • Magpicture taking sa mga artworks exhibits
  • Mag stroll sa SM Baguio na walang aircon
  • Magpicture taking ulit sa mga scenic views ng Baguio
  • Pumunta sa Burnham Park 
  • E try ang strawberry taho
  • Mawala, magpasikot-sikot, pag napansin na nawawala na tsaka pa lang magtanong sa locals
  • Kumain ng vegetarian meal sa Bliss Cafe
  • Umikot sa Mines View at magpictorials
  • E try ang mga Igorot costumes at magpapicture
  • Bumili ng pasalubong sa Good Shepherd 
  • Bumili ng Ube jam, strawberry jam at peanut brittle 
  • Bumili ng kung ano- anong knitted sa Mines View
  • Kumain sa Flying Gecko
  • E appreciate and scenic night view 
  • Pumunta sa Bell Church at magpictorials ulit
  • Kumain sa 50's Diner
  • At bumalik sa Baguio 
Yan na muna kasi medyo vacation mode pa me. Next na ang album! :)

"nom, nom, nom"