Friday, July 29, 2011

quickie

Pansamantagal akong walang maibahagi sa dami ng ginagawa eh blog hopping lang ata nakaya ng powers ko. O sya ito na, last weekend eh nag eskedyul na kami ng gala maraming nagbadya ng pagkulog at pagulan ilang araw bago ang final day. Hindi umayon ang panahon nang una pero nang may sumilip na katiting na haring sunshine gora agad! 


"All my bags are packed I'm ready to go..." at may pa sway sway pa!


Destination - Bogo Citeeey! Mga dalawang oras na byahe sa bus going North from Cebu City, kebs basta makagala. At hindi ko na patatagalin dahil hindi naman suspense thriller ito kaya ito na ang mga ebidensya -  


The Bitches 
"ok na sana, kaya lang parang gusto yata sumama ni ateh sa pic..."


Kasama ko si maldits at nieco. Ektwaley post birthday celebration ito ng anak ni nieco, hindi naman kami choosy teh basta galaan hala gorabells.


"galing-sa-palayan-look"


Pagdating namin eh umulan ng pagkabongga. Pero hindi nagpapigil ang makakating paa. Girl scout yata ako,  inilabas ang payong at nagwalking in the rain ang show. Nagwalkathon kasi nalagpasan namin yung babaan sana namin, ang reason - nawili sa naka two piece na palabas sa bus. 

"beer + good friends = super duper laugh trip"


Pagdating sa kanila, syempre may iba pa bang sasalubong? Beer baybeh! 
Ayown kahit wala pang kain tumatagay na. Kumain, uminom, kumain ulit at uminom ng marami. May kwentuhan, may nagtayo ng tent, may nalasing, may nagsuka at marami kaming tawa sa kung ano-anung bagay, may kwenta man o wala. Basta tawa nalang kami ng tawa. 



The next day, kelangan maghugas ng mga kasalanan magpray. Bumisita kami sa isang Shrine na malapit. Pero bago ka makarating sa top eh para kang nagpenitensya, kamusta naman ang 150 steps? Henyways the view from the top was worth it, medyo makulimlim nga lang ng konti pero solb na rin.


Syempre hindi complete and gala kung walang beach. Kahit umaambon at wala masyadong sunshine eh rampage parin sa dagat and swimming pool. 

"no comment..hehe"
Parang ang haba ng gala namin pero tatlong araw lang yan. 


Finally, hindi naman siguro magiging memorable 'to kung wala sila - 

Bitch#1 - Nieco



Bitch#2 - Maldito





Mas marami pa ata ang laugh trip namin kesa sa mga pera naming dala. Until next getaway Bitches!!! 

13 comments:

  1. third Time na isusulat Ko tong comment.punyeta! Gusto Ko lang magpasalamat Sa inyu Ni wacky..kahit na walal kaung kwenta.hahahha.joke. Seriously, You guys are the wackiest and coolest people.chos!

    pakisaksak nga yang echuserang ate na yan Sa mata..and same ng tingin eh.ahahaha...USAb Ta ani guysh!

    ReplyDelete
  2. ayoko nang tumambay kasama nyo. sumakit ang panga ko sa kakatawa. amf. :P

    ReplyDelete
  3. basta galaan talaga walang paki kahit uulanin enoh. hehehe

    ReplyDelete
  4. kaya pala c alarm clock dahil dito.. hehehe!

    ReplyDelete
  5. wahahahaha. saya naman ng trip niow.

    Natawa ako sa danger sign sa tyan ni nieco. lols

    ReplyDelete
  6. Ang cute naman ng mga under water picts nyo, hehehe! =)

    ReplyDelete
  7. kayong tatlo lang? nice! musta si maldito? pakisabi tarantado siya; nanunuyo na lalamunan namin kakaantay dito ng oktoberfest! lol!

    - Lio

    ReplyDelete
  8. yehesss! photo blog na talaga ito. angkyut nung babaeng nakasimangot sa first pic. kamukha ni inday namin

    ReplyDelete
  9. astig ng mga photos ah! thanks nga pala sa pagbisita sa damuhan! inadd kita sa blogroll ko :D

    ReplyDelete
  10. bisaya po ba kayo? kasi i'm from davao and TABIAN is a bisaya term :))

    ReplyDelete
  11. @maldito & nieco - feste! kamo na ang star..lech!hehehe I had a blast kahit tayong tatlo lang..char! sa uulitin bitches!!:D

    @empi - mapipigilan ang baha wag lang ang gala..hehehe

    @mommy-raz - hahaha..momsie tara gala!?

    @khanto - DANGER=wag tularan..hehehe

    @isp101 - salamat po! :)

    @lio - yep! laklakan ang show? haha yaan mo papaabot ko ser lio..

    @pablo - papanindigan ko na paps..baka si inday talaga yan..hehe

    @bino - salamat po ser bino! gala po kayo ulit, libre naman eh..:)

    @ester - perte mam! bisdak na bisdak! :D

    ReplyDelete
  12. Kumusta na?! Ang tagal mo na yatang di nag a update ng blog mo ah? hehehe! =)

    ReplyDelete
  13. Baw gid! Kalaagan jud bah! Lolz!

    I had fun looking at your pictures and those funny captons hehehe...

    ReplyDelete