Sunday, June 19, 2011

paparapapa

Sya ang Clara del Valle, Paquito Diaz at Bella Flores ng buhay ko. Isang love-hate relationship meron ako sa taong ito. Sabi pa nga nya matigas daw ang ulo ko, eh sabi ko naman "saan pa ba ako magmamana?" sabay tawa. Hindi likas sa kanya ang matalak, pero pagnagsalita na heavy much. Tagos sa bone marrow. 
Naalala ko pa nga noon, kapag bumababa na ang marka ko sa school hindi nya ako kinikibo at biglang may lilipad na lang ng kung ano sa akin.*aw!*
Sa kanya ko natotonan mag matrix, at hide and seek, In short magaling akong umilag at magtago pag napuno na rice cooker nya.
Sandok, pambugaw ng langaw, t-shirt, tsinelas at kung ano man mahawakan nya siguradong bulls eye kung hindi ka iilag. Tough love kungbaga. Desiplina militar, natural maganda ako eh. Ang umepal tutuboan ng pigsa sa singit!
Madalas din ang tampohan namin noon. Ang pinaka matagal naming hindi nagkiboan eh almost 1 year, nang magdesisyon akong tumigil sa pagaaral para magtrabaho. Pero ng umuwi ako hindi na sya kumibo pa...sinalubong nalang nya ako ng malaking hug. Talo ko pa ang prodigal son.*oh yeah*
Once in a blue moon din kung e appreciate nya ako, hindi kasi ako ang peyborit eh. Huli ko na nalaman na binabandera pala nya ang mga achievements ko sa mga kamag-anak namin. Ang laki ng ngiti ko noon, abot hanggang outer space.
Pero despite sa mga pangaapi(?)nya sakin, nang lumaon na naintindihan ko na kung bakit. Hindi siguro ako aabot kung asan man ako ngayon. *teary eyed, sabay singhot sa uhog* 
Everything was out of L-O-V-E


Sa president ng aking fans club at original boyfriend -




Happy Father's Day Pang! 

Haylabyah 

"walang panama si Vic Sotto..:)"

At sa lahat ng mga tatay ng mga bloggers,father bloggers, friends at frenemy fader na rin. Happy Paparapapa! :D

8 comments:

  1. natawa ako sa relationship niyo ng ama mo haha! parang kitang kita ko kong paano ka umilag sa mga pambabato niya noon.. hehe

    happy father's day sa tatay mo tabs.

    ReplyDelete
  2. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o tatawa...

    Mula sa Presidente ng FANS club mong BETSIN o KATOL, binabati kita ng maligayang araw ng tatay sa papa mo. ahhooo!!!!!!!! Mabuhay ka CEO!

    ReplyDelete
  3. katuwa naman 2...ngyari din skin to...kaya minsan even we are rude to our father but our love is endless.

    Belated happy father's day:)

    ReplyDelete
  4. Sagot ko sa tanong mo sa entry ko: Sa Dumaguete ni xa. Haha. Oo, kabalo na siya about ani iyang mga pictures. What can you say sa endangered specie? :P Wala akong pictures kasi ayaw ko maglagay ng pictures sa net. :P

    ReplyDelete
  5. weee fappy fathers day sa Clara del Valle, Paquito Diaz at Bella Flores ng buhay mo :) hehehe

    ReplyDelete
  6. Kontrabida much? Nyahahaha kaaway ko rin lagi tatay ko noon lalo na pagdating sa lipatan ng channel sa TV. Happy Father's Day!

    ReplyDelete
  7. Tabian, kamukha ni papa mo si bossing! Happy Father's Day sa iyong papa! =)

    ReplyDelete
  8. Haha. Kakatawa naman at sweet ng post mo para sa Pang mo! Medyo naalala ko naman ang relationship namin ng daddy ko nung bata pa ako, mainitin kasi ulo nun at strikto. But they mean well at pag dika nakaharap, mega proud sayo!

    ReplyDelete