Hindi mo na set ang alarm clock sa saktong oras para gisingin ka.
Nagmamadali kang maligo, pagcheck mo sa banyo wala ka na palang shampoo at kapiranggot lang ang sabon mo.
Sira ang plantsa na gagamitin mo sa gusot gusot na t-shirt.
Sa paradahan ng jeep, walang dumadaan. Kung meron man puno.
Sumakay ka ng taxi, walang panukli ang driver.
Sa pagmamadali mo sa pagakyat ng hagdan sa opisina eh nadulas ka pa. *BLAG* Bagsak ng bongga, una ang pwet.
Pagpasok mo, late ka pa.
Tambak ang trabaho mo. Humirit pa ang boss mo na mag OT ka.
Paguwi mo walang pagkaing nakahain. Walang laman din ang ref, puro tubig. Nakalimutan mo kasing mag grocery.
Familiar? Kung tutuosin konti lang ito sa tinatawag nating day to day misfortunes or kamalasan. Kadalasan (oi rhyme) napapailing nalang tayo, o di kaya dinadaan nalang natin sa mura. Sabi nga nila; "When it rains, it pours...hard". Kung mamalasin ka nga naman ano? Kung hindi naman sunod sunod eh may isang major na mangyayaring ikakasira ng buong araw mo. Bakit nga ba? Yan din tanong ko sa sarili ko ilang araw na.
Nagaantay nalang ako ng oras para maglog out pero may hihirit pang customer na magpapaayos ng putaness nilang printer. Yung tipong 2 mins nalang before log out, kamusta naman yown?
Magrereply na sana ako sa isang importanteng text, - CHECK OPERATOR.
So ngayon magpapaload syempre ako, pagdating sa tindahan - "naubosan po kami ng load". Nak ng bansot na dinosaur naman oh. Eh sa kabilang kanto pa ang kasunod na tindahan, wala pang kasiguraduhan kung open pa ba sila. At marami pang pagkakataon na feeling ko noong nagpasabog ang sansinukoban ng malas factor eh ako ang may dala ng banyera na pagkalaki laki at kulay red (noh?), at ako ang nakasalo ng lahat. Buti sana kung light light lang. Wala kang magawa minsan kundi tanggapin, mag emo ng slight or umiwas nalang sa pagkakataon.
Kung hindi ko ba sinagot ang customer na humirit pa sa ilang minutong yown, may pagkakaiba ba sa series of events? Magiging maswerte kaya ako? Malamang sa alamang eh yown pa ang dahilan ng pagkasesante ko.
Hindi pa naman namatay yung dapat na rereplyan ko, so nakasave pa ako ng pera. At kung ako man ang nakasalo ng kamalasan sa sansinukoban eh sana dedbol na ako ngayon. Sa laki at dami ba naman siguro ay siguradong nagulongan na ako.
Hindi ko man nasagot ang mga tanong, kung saan man nanggaling, o bakit may ganitong kamalasang nangyayari sa akin, I always have this realization that mas maraming bagay pa akong dapat ipasalamat. Hindi naman ako naniniwala talaga sa malas o swerte eh, sadyang pagkakataon lang siguro, more on fate. Sabi nga nila (ang dami ng sinasabi netong si nila ha!) "Everything happens for a reason". At bilang ending, kasi parang napapahaba na. Kahit magtumbalentong man ako o ikaw na nagbabasa neto dahil sa mga nagyayari, meron at meron pa ding ikapapasalamat (tongue twister word) kay papa jes. Libre pa naman ang air that we breathe, so go lang ng go!
"anong relation ng picture na ito sa post ko? wala..gusto ko lang ilagay ang picture ng idol ko..hehe" |
si ramons bautistas pala ang idol mo. ahihihihih. naisip ko kung anong relate, buti may explanasyon you.
ReplyDeleteganyan talaga minsan may araw na lahat ng hahanapin mo wala, parang feeling mo malas ang araw mo hehe!
ReplyDeletecnu ba yang idol mo? hehe!
may mga araw talaga tayo na mapupuno ng kamalasan. :)
ReplyDeletethat's fine. ngiti na lang. :D
skip read ako...sino yang idol mo?
ReplyDeleteTabian, buti nalang nagpa line nalang ako sa suncell, kaya 'di ko na dinaranasan yang "CHECK OPERATOR" msg na yan, hehehe! Oo, may mga araw talaga ng kamalasan, pero dapat masanay na tayo, ganyan siguro talaga dito sa planet earth! =)
ReplyDeletehaha idol mo pala si ramon...
ReplyDelete@khanto - oh yeah! very much too much kong idol yan!
ReplyDelete@mommy razz - kerek! si Ramon Bautista po yan mommy razz..very funny guy mga pang one liner ang hirit..hehe
@empi - maraming thanx empi boy!
@akoni - e google mo kaya..type Ramon Bautista! hehe makasulat nga ako ng kalandian panigurado hindi ka magskip read..hindot ka talaga! XD
@isp 101 - ayoko ng line, hindi naman kasi ako nagtetxtmate na ngayon eh..hehe
@kiko - super to the max! :)