Saturday, May 28, 2011

randoman sa last day shift


cheese stick - earphones - coffee - paella - chucks

Nagmumulti-task. 

Kumakain ng hapunan while taking chat sessions. 

Lumang paboritong sapatos, hindi na nalabhan.

Sound trip at kape para hindi antukin. 

Marami pang laman ang drawer kasi nabalitaan na may salmonella daw ang Maggi  noodles.

Excited sa weekend. 


Enjoy the weekend everyone!:)


Thursday, May 26, 2011

lil liham





Dear Tools,
@#$%^*&!

Bakit ang bagal mo?
Magtrabaho ka naman ng maayos ng 
di naman ako ma-highblood sayo.


Dear officemate-one-seat-apart-from-me,
Wag kang magmura ng malakas, keep it to
yourself.
Affected ako kasi negative vibes ka.




Dear 3 in 1 instant coffee,
Isa kang mabisang imbensyon. 
Cheers!



Dear Summer,
Sana magtagal ka pa. 
Gusto ko pang magbabad sa init mo. 
Magbebeach pa ako.*oh yeah*



Dear Weekend,
Sino ba nagimbento sayo? 
Hinabaan ka nalang sana 
para mas mahaba ang restday ko.




Dear Katawang lupa,
Makisama ka, utang na loob!




Dear Utak,
Kelan ka ba titino? 



Nanghaharass much,
Tabian 

Saturday, May 21, 2011

ito ang dahilan kung bakit wala ako ng mga nakaraang araw

I'm back t-back! Detached ako sa henternet ng mga nakaraang araw dahil ako ay umuwi sa amin. Vacation mode kungbaga. Hindi ako nagpatempt na magopen kahit anong social networking site or blog. Kaya pagpasensyahan nyo na kung hindi ako nagala sa inyong mga haybol. Bumabaha ang updates sa mga finafollow kong blogs, hayaan nyo at babawi ako sa inyo ng pagka bongga! 
Dahil nga sa ako ay umuwi, eto at magwewento ako sa inyo sa mga nangyari. Nanghiram syempre ako ng jijicam sa isa kong barkadudes para e-capture ang mga moment. 
Umalis ako Sabeerday ng gabi at nagarrive sa amin ng umaga sa Sundeeey. 




"gomorning Cagayan de Oro Citeey"
After sa lumalagapak na isang taon na hindi paguwi sa amin maraming nagbago pero hindi ang appetite ko.*hehe* Isa kasi sa mga reasons kung bakit ako umuwi aside sa namimiss ko na si Mudrax at si Fader ay dahil fiesta sa amin. So here we go sago!




"kebs ang diet"
"ang aming bruno mars inspired lechon"
Parang nag gain na naman ako ng slight (in denial) sa heavy kainan. Kasi naman pinilit nila akong kumain yan tuloy. *big grin*
May bagong addition nga pala sa aming family. Ang bagong baby ni Mudrax.


"katkat a.k.a Becky Bayla"
Ewan ko kung ano'ng pumasok o nasinghot ni Mudrax ng pinangalanan nya ang pusang 'to. Lalake po si Katkat short for Kathy lang naman. Nang tinanong ko ang nanay ko, ang sabi lang naman eh "akala ko kasi babae" sabay ngiti. No comment nalang ako. Bininyagan din namin ng kapatid ko ng bagong pangalan si katkat - Becky Bayla. Hulaan nyo nalang kung bakit.


May bago din akong nadiscover, ang bagong trip nila Mudrax at Fader.

"manicure sessions"
Ang sweet! Mga kalikot sessions ng aking payrents, bonding moment nila ang pagmanicure ni Mudrax kay Fader. Nakalibre na sila sa parlor in fairness. 

Mas jampak din ang paguwi ko kasi umuwi din ang kapatid kong lalake. 

"Bruno Mars - chumbok version"
Ayaw nyang isama ang mga piktyurs nya dito pero wala syang magagawa kasi blog ko to. *bleh* 
Ang kasama ko sa food trip, tagayan, PSP wars, at debede marathons. Nagpabili pa sakin ng kagaya daw ng kay Bruno Mars na hat eh ang laki naman ng ulo, kaya ayan slight tabingin nalang para magkasya. Isa rin sa mga holdaper ko. 

"happiness :)" 

Si Mudrax trying hard to be korean, at si Fader na tipid...tipid sa smile. Kung ako eh halos ipamigay na ang ngipin sa mga ngiti ang tatay ko naman ay mahal ang smile, so pagpasensyahan nyo na. 
Sa paguwi ko kulang kami, hindi kasi nakauwi ang isa kong kapatid kasi malapit ng manganak. Mas masaya sana kung kompleto, pero oks lang madaragdagan na naman kami. Happy Yipee Yahoo! 


Note: Sila nga palang tatlo ang notorious holdaper ko. Ngayon na nakabalik na ako sa Cebu, magfafile na ako ng bankruptcy. 

Wednesday, May 11, 2011

aaaupdate

Sorry naman at slight busy po ang inyong lingkod. Pero I always make it a point na gumala sa inyong mga kabahayan. Sige na euupdate ko na kayo sa aking mga happenings - 

  • Dalawang linggo na po ako sa chat support. Pansin kong naging mahinahon na ako, konting mura nalang on the side.*hehe* Improvement yown kung tutuosin sa isang tulad kong isang kutsarita lang ang patience. Pansin din ng mga kasama ko sa opis na mas tahimik na daw ako ngayon at focus. Naks! Hindi ako nagsabi nun ah, sila. Eh sa magmumukha naman siguro akong engot kung kakausapin ko ang sarili ko at magmumura noh? Henyways, medyo nangangapa parin pero getting the hang of things na ng konti. 
  • Ang tools namin eh walang ka kupas kupas. Nagiinarte, parang may mens lang ang #$%^&@. Minsan umaandar ng tama, kadalasan may tama. Yan lage ang pinagmumulan ng mura ko at ng ka opismates ko. Sabi pa nila nagupdate na ng tools. Eh parang walang nagbago, lalong lumala. Iniisip ko pa lang nahahighblood na ako. Kung kumulo lang ang dugo ko, matagal ng naging dinuguan dahil sa putaness tools. Buti sana kung pag nagloko walang trabaho, eh tuloy parin. Hahay buhey empleyado!
  • In relation sa trabaho, sa awa ni papa jes eh regular na po ako. Yipeee! Maeenroll na ako sa health plan ng company. Maeenroll ko na rin si mudrax at si fader. Double Yipeee! Di bale na malaki ang kaltas sa sahod basta insured. Kaakibat ng mga pagka regularize eh dapat mas responsible na. Hindi na pwedeng excuse na newbie may learning curve chuvaness. Dapat competitive, go for gold lage. Gusto ko atang mapromote to CEO lang naman. Dyuk! Pero seriously (seriously daw oh) ayaw ko ng maging poreber agent. Gusto ko ako naman ang boss. *big grin*
  • Another perk sa pagiging regular ay makaka-avail ka na sa vacation leave credits. Dito ako mas excited, kasi pwedeng magplot ng bakasyon engrandeey ahead of time. Diva vongga?! Nakaplot na kasi ahead ang paguwi ko, so excited much ang show.
  • Eksaktong isang taon din akong hindi nakakauwi sa amin. So parang homecoming/fiesta/get together cherva itey. Ngayong Sabeerday na ang uwi ko, ano ngayon Myerkules? Wala pa akong ticket pauwing Cagayan de Oro. Ay oo nga pala taga Cagayan de Oro po ako - The City of Golden Friendships (dapat may s kasi marami). At dahil parang napapahaba na ito, yan na muna ang aking aaaupdate (dapat parang epileptic lang sa pagsabi). Bibili pa ako ng ticket. Sige bye!
"autistic mode"

Saturday, May 7, 2011

mama

"nang uso pa ang bell bottom"

"pang toothpaste commercial smile"
Thank you

I love you

Happy Mother's Day Mang!

Note: Kung nakita nyo na ang nanay ko, parang nakita nyo na rin ako. Magkamukha kami eh. :)

Tuesday, May 3, 2011

busy ko

Busy much po ako kaya medyo hindi ako nakakapagwento sa inyo. Eto na i-uupdate ko na kayo sa mga nangyari sa akin. Maraming nagbago. 

  • Hindi na ako voice agent, chat na po ako. Hindi na ako nagmumura ngayon verbally. Sa isip nalang. *big grin* Panay takatak ng aking keyboard. Mas stress-free sya compared sa voice. Pero nangangapa pa ng konti sa tools pero go parin.
  • Lumipat na ako ng bagong haybol. For the nth time around eh nag alsa balutan na naman ako, buti nalang konti lang ang gamit ko. Tinulongan naman ako ng mga barkadudes ko sa paglipat. Medyo maraming din akong ginawang linis/make over sa bago kong haybol. Ektwali, studio type room lang sya tapos may own CR. Isa kasi sa mga reasons kung bakit ako lumipat (na naman) eh dahil hindi na ma take ng powers ko ang pagka dugyot ng mga boarders sa tinitirhan ko noon. Shared kasi ang CR, so siguro you'd probably picture that one out. I'll leave it to your own imagination nalang. Basta kaderder sila, period. Henyways, yown nga naglipat ako last Wednesday. 
"busy much?"
  • Isa pang dahilan kung bakit ako busy ay...*drum roll*


"ako na ang late bloomer sa games"


Oh, hayan. Ang mga majorness na naka-apekto sa aking tabian life. 

Realization: Napaka life changing ng Plants vs Zombies. Lalong naging lusaw ang utak ko, minsan nga e present na sila sa panaginip ko. Paken sheyt!