Friday, April 8, 2011

to sir, with love


Dahil medyo wala pa akong gala kasi nga sick pa nang konti at nagiipon pa ng strength para sa next jump shot, eto at nagmamarathon nalang muna ng debede. To Sir with Love.


Hindi ko alam bakit yown ang title ng movie, eh maam naman ang teacher. Babala lang sa mga mahihina ang sikmura, hindi ito para sa inyo. Simple lang ang plot ng story. 
Reunion ng magkakaclassmate at ang maestra nilang may sakit at naguulilyanin. Ang reunion eh naganap sa cottage house ni teacher. Nagsidatingan ang mga old students ni maam. At first medyo dragging ang story kasi meet and greet at sari-saring kamustahan, hanggang sa naungkat ang history. Nag flashback ng bongga ang mga classmates. Na remember nila ang mga pinagagawa ni maam sa kanila noon. Si class president at vice pala eh hinamak ni maam dahil sa kahirapan, si jock - pinalo ni maam ng bongga dahil hindi pinanalo ang team sa relay, ayown naging step no-step yes ang lakad ngayon. Si pretty boy - dahil nga pretty boy eh minolestiya ni maam (kadirdir). Si obese girl - naging laughingstock dahil nakasira ng weighing scale at sa pasimuno na rin ni maam, na ngayon eh seksing cheching na obsess sa plastic surgery. Si shy guy - ang di nakapag pigil at tumae sa klase na pinagtawanan ng buong section calamansi dahil din sa hudyat ni maam. Oo, si maam ang pinaka bad sa story. Pero wait na malupet. Hindi pa complete ang story. Isa isang pinatay ang mga classmates. Ang suspek - ang anak ni maam na deformed and mukha at nakatira sa basement. The creepy part is the killing spree. Koya wores a bunny mask pag pumapatay na. Interesting? May matinding twist sa story na hindi ko sasabihin para may abangan naman kayo. That is if you have the guts to watch this movie. 




Eto konting patikim - 


"Ang haybol ni maam"



"The gang - aka mga tomador"

"maam pengeng cake?"


"pretty boy -huh?"
Babala: Ang mga susunod na piktyurs ay para lamang sa mga mala stainless steel na sikmura. 

-

-

-

-

-

-

-

-

-
"don't tell me I didn't warn you"

 May mga eksinang parang hindi ko na keri pero in fairview natapos ko sya. *evil laugh*

8 comments:

  1. hindi pa sinabi lahat...tssee..

    ito mga ganitong klaseng movie, dapat bina-banned to...hahha..never in my life ako nanood ng mga ganitong klaseng movie, mahina ang sikmura ko..pictures palang, natatae na ako...LOL

    ReplyDelete
  2. waaa. naunahan ako ni akoni sa base. hihihihih.

    parang like ko tong movie na to. parang saw! :p

    ReplyDelete
  3. napakadeceiving ng title, kala ko soft porn..:P dko kaya to men, morbid!:D pinapaligo ang dugo..

    ReplyDelete
  4. naku natakot ako!! madugong scene 'to ah.. hehe

    ReplyDelete
  5. @akoni - syempre para panoorin nyo..hehe pero maganda naman ang story eh, panoorin mo akoni!

    @khanto - panoorin mo khanto! masaya at maganda ang twist ng movie..pwamis!

    @mr.chiz - hahaha..kasi kasi porn lang nasaisip mo..hindi naman naliligo, natalsikan lang ng konti yan..wehehe

    @mommy raz - yep momi raz, mas nice kong papanoorin nyo..weeee!! :D

    ReplyDelete
  6. Sayo na itong movie mo!!!! :))

    ReplyDelete
  7. @akoni - no guts no glory! wahaha eforward mo nalang sa mga gore scenes...

    ReplyDelete
  8. kilala ko kung sino ang killer.. hehehe

    ReplyDelete