Tuesday, April 26, 2011

toslob sa oslob

Sa mga nagbabasa ng aking kalokohan dito sa aking blog, alam nyo na siguro na may sariling buhay ang aking mga twinkly toes. Heavy gala na naman ang nangyari sakin last weekend. At dahil sa summer di na nagpapigil ako sa beach excapade ko. 
Pupunta sana akong Bantayan Island, pero dahil sa budget constraints at dahil din sa maglilipat haybol na naman ako for the nth time around eh nagiba ng plano. 
Ganito kasi yown, hindi ako niyaya ng kung sino, ininvite ko ang sarili ko. *big grin* 
Papunta kasi ng Oslob ang bespren ko kasi taga doon ang boyfie nya, so since na cancel ko na ang Bantayan getaway ko might as well na sumama ako sa kanila for a change. 
Ektwaly, mas cheaper pag sumama ako dahil free accommodation and all that churvaness except for the fare. Ang kupal ko naman siguro kung isasama ko pa yown, eh self invite ko lang naman ang trip na ito. 
Eto na, umalis kami ng Sabeerday morning from Cebu City to the province of Oslob, which is a 3 hour bus ride from the citeeey. Sa tagal naming hindi nagkita at nagusap ng aking bespren eh halos tatlong oras din kaming nagcatching up sa bus, eh kami lang ata ang maingay sa bus, pero kebs parin. Kami kasi ang tipong kahit 'di nagkikita at naguusap ng mga ilang buwan eh pag nagkausap na in person ay parang yesterday lang kami magkasama. In short ganyan kami ka close. Pag arrive namin, eh heavy relatives pala ang sasalubong samin. Yah know na pag nasa province close family ties and all. They had this warm welcome that you'll surely would appreciate. 
Sige na fast forward na nga tayo. Eto na dahil Easter Sunday, we attended the Salubong mass na sobrang aga, pero go parin. Tapos ng mass eh pictorials galore.


Here na -


"St. Mary's Church"

"Another shot" 


"and more..sa labas"

 The church was built in the olden times. Hindi ko na natanong kung ilang taon na sya pero as you can see mas matanda pa sya sa lolo ko. A bit of fact - nasunog ang church before pero miraculously hindi nasira ang outer facade nya, kaya intact at so gorgeous parin. Ang mga walls ang arches sa pictures eh isang Kuartel na nagsilbing barracks ng army noon. Medyo konti nalang ang naiwan, umabot kasi ang dagat over there kaya mga portions nalang ang natira. 


"ruins of the watch tower and me trying hard timang na nagjump shot"  
Eto ang natira sa watch tower. Chunk nalang dahil na wash out ng dagat. And Speaking of dagat, syempre hindi pahuhuli ang mga beach sa Oslob. 


"oh yeah! beach baybeh"
Big thanks to my major sponsors - 

"bespren/co-beach bum"
"the boyfie/host and bespren"
Kamusta naman ang nagsimula kaming magswimming mga 11 am something, natapos kami mga past 3 pm na? Kaya ngayon, ang hapdi ng sunburn. Mangiyak-ngiyak ako sa hapdi. 
Pero kebs, as always na enjoy ko naman ang beach, at uulit pa ako.*hehehe* Humanda! 
By the way highway, bago ko makalimotan. Ang ibig sabihin pala ng toslob eh dip or to take a dip. Oh, yan na muna sa susunod na excapade muli. Sige bye! 

Tuesday, April 19, 2011

kung gago ka, wag kang magmaneho!

Still have the weekend hangover. Hindi alcoholic hangover ha, marami akong na realize over the weekend at hanggang ngayon eh traumatic parin. I was shocked about the death of AJ Perez, hindi dahil sa (1) close kami of some sort, (2) fan ako- w/c is by the way hindi,or (3) twitter/fb follower ako nya. Nalaman ko rin lang na namatay sya dahil it was all over social networking sites. At dahil na curious ako, nagpatulong ako kay mr.google, eto ang malupet na article
Before the incident, syempre weekend dapat gumala ang tabian. It was an impromptu lakad na naman. Dahil natulog ako whole sabeerday eh energize much ako by night time. Daig ko pa ang energizer bunny kasi pag weekends except noong nagkasakit ako
Maybe it was about 9pm na ako bumangon, text brigade sa mga barkadudes para gumala. Everything was set. Pumunta kami ni june sa haybol sa 'sang barkada namin. Dahil nga may sasakyan ang barkada naming yown, go kahit saan. Ready na. We're all set to go. Nang papunta na kami sa aming destinasyon para maghasik ng lagim, may nadaanan kaming group of teenagers. 
Mga magbabarkada rin, sakay sila ng dalawang kotse. Syempre we noticed them kasi ang ingay nila and hinay hinay rin sa pagmamaneho ang barkadude ko. Parang nakainom narin siguro sila. At a distance kita namin na nakasunod sila sa amin, mga limang dipang tao siguro ang layo nila. Kita namin kasi ang sasakyan ng friend ko ay parang mini multicab/pickup, so open likod. 
Sa isang iglap me narinig kaming skretch ng kotse. Pagtingin namin ang isang kotse na kasunod namin eh bumangga na pala sa nakaparadang taxi, umikot ang kotse ng 360° at tumilapon ang bumper. Napahinto kami sa gulat, mga isang kotse siguro ang layo namin sa tumilapong bumper. Siguro kung napalapit kami ng konti, sabog! Tatamaan talaga kami. Bilang kami ni june ang nasa likoran ng sasakyan, kami ang magiging casualties kung nagkataon. 
Huminto nang saglit ang kotseng nakabangga, tumingin tingin sabay may sumigaw -


"Tara bilis, bilis!"
Kumaripas ng takbo ang kotse at sumunod narin ang isang kotseng sakay din ang barkada nila. Bilang napahinto kami, kitang kita namin ang buong pangyayari. Pagdaan pa nila, kitang kita na nakangisi pa ang hinayopak na driver with his friends. Sa pagkakataong yown, dali dali naming kinuha ang plate number ng sasakyan. Pero parang sa bilis ng pangyayari, naging blurry ang lahat. Walang plate number na nakuha. Naging concern nalang kami sa nabangga nila. Bumaba ang barkada ko to check if there was someone na sakay sa nakaparadang taxi. At meron nga. Kaya pala nakaparada ang taxi kasi natutulog ang driver sa loob. 
Wasak ang likoran ng taxi. Lumabas ang driver kahit hilong talilong sya sa pangyayari. Natakot kami sa kalagayan ng driver. Morbid akong tao pero when it comes to this, parang ayokong nakakakita ng totoong nakabulagta at duguan. Jusko po!
Confirmed that he was ok, tinignan namin ang lumipad na bumper. Ang loko naiwan pati ang plate number. Buti nalang at nagkaganon. Naka hit and run sya pero nagiwan pa ng ebidensya, buti nga! 
Nagsidatingan ang mga repapeps, alam mo naman ang pinoy pag may ganitong mga eksina, daig pa ang langaw na umaaligid sa tae.
Umalis kami sa scene of the crime, kasi alam naming everything will be taken cared of at dumadami na rin ang mga langaw tao. 
Pumunta kami sa nearest ATM para may maiwaldas naman kami sa tagayan session. Malapit sa ATM nakita namin ang kotseng walang bumper, familiar. Fortunately nahuli ang guy na nakabangga, kung hindi pa naman sya ang pinaka engot, bumalik pala sya sa scene of the crime para kunin ang bumper ng sasakyan nya. Ayown huli tuloy, again buti nga sa kanya!
Naging pulotan namin ang nangyari. Swerte kami at hindi kami ang nabangga. 
Swerte at walang nasaktan sa pangyayari. Swerte at nahuli ang hinayopak. Swerte kami sa mga kaonting segundo na hindi kami ang nasa likoran ng kotse, malamang sa alamang eh wala ako ngayon at nagkukwento sa inyo neto.
Kung Gago ka, wag kang magmaneho. Kung gago ka, wag kang uminom at magmaneho, may sakay ka pa naman. Gago ka, at pinahamak mo ang iba. Gago ka at hindi ka nagiisip. Gago ka, natraumatize ako, sa tuwing malapit ako sa mga sasakyan ngayon ay laking takot ko na. GAGO! 
And its sad to admit, naglipana kayo!
Bakit may relate etong post ko kay AJ Perez? Dahil namatay sya sa car accident. 


------------------------------------

Kung umabot ka sa linyang eto either tinapos mong basahin ang post ko (salamat) or nag skip read ka (ok lang)*roll eyes*
On a lighter note. Dahil sa dami ng catching up to do at kwentong na pending ng mga barkadudes ko ay inumaga na naman kami sa tagayan sessions.


"nyeta! ako na ang parang na e-ebs ang smile"

Tuesday, April 12, 2011

weekend wawa



Hindi naging mabait sakin ang weekend. Rest day ko paman din, pero wala, wala akong ginawa kong hindi humilata. Nagkasakit ako, sorry naman. Lagnat ng bongga at sore throat. Nagbabadya na talaga na magkakasakit ako last Friday. Bahing dito, sneeze doon, kaliwa't kanang atchoo! Pero sabi ko sa sarili ko, hindi pwede, may gala this weekend. Sasama ako sa Camotes Island, white beach and excited much dahil first time ko makapunta doon. 


Ang plano eh Sunday morning kami lalarga, so sa isip ko ok lang na magkasakit sa Sabeerday wag lang sa araw mismo na aalis kami. Paguwi ko galing office, eh syempre Saturday morning na yown, may kakaibang lamig na akong na fifeel, pero kebs parin. Nagyaya pa nga ako kay nieco ng tagayan session. 
Before mag session, chumibog muna kami, pero talagang di na nagpapigil ang lamig. Nasa labas na ako sa office at sikat na sikat na ang araw eh naka jacket pa ako pero malamig parin. Nagsimula naring sumakit ang ulo ko. Kaya pagkatapos ng chibog, walang tagayang naganap. 


Umuwi ako at lumagok ng biogesic, nagbabakasakaling umokey. Nakatulog ako mga 9am at  naka set na ang alarm ko to 3pm, magpapalaundry ako pagkagising. Nagising ako ng mga 1pm siguro dahil sa lamig. 
Sing lamig na ng Siberia ang kwarto ko. Pinatay ang electric fan at lumagok uli ng tabletas na iniendorso ni john lloyd, pinatay ko na ang alarm. By this time, parang nang hina na talaga ako. Unti unti ko nang tinanggap na walang lakarang mangyayari kinagabihan. 


Marami na akong napanaginipan, kung ano-ano nalang ni hindi ko na maalala sa taas ng tulog ko. 
Deep inside nananalangin ako kay papa jes na sana umokey na para makasama naman ako sa Sunday. Sabeerday night, medyo umokey na ang lagnat ko, nagdecide akong maligo, which is by the way a wrong move. Ang laki kong engot, yown pala ang ikahihina ng powers ko.


Feeling fresh pa akong lumabas para kumain sa pinaka malapit na fastfood na may malaking bubuyog. 
Paguwi ko nagmarathon pa ako ng debede, then suddenly, naramdaman ko na naman ang lamig. 
Patay! Parang lalagnatin na naman ako neto, ayown bat kasi naligo. Wala akong nagawa kundi tumungga na naman ng biogesic, halos naubos ko na yata ang isang baon pack, yung may walong lamang tablets. Bumili pa nga ako ng panibago kasi naubosan pa. Pagkatapos lumagok, nag gear up (pajama, jacket, makapal na kumot) na ako para matulog. Lumamig uli ang kwarto ko. Sa kapal ng jacket at kumot ko ay ramdam ko parin ang lamig.Lentik! 


Sa mga oras na yown, ng papapikit na sana ang pumopungay kong mata tumunog ang aking selopono...

"6am ang dating ko, uuwi lang ako at magbibihis tapos larga na tayong camotes"
2am na text galing sa barkada ko. 
Nak ng tipaklong! Pano 'to? Homayghad! 
Suntok sa buwan kung makarecover ako sa kalagayan kong 'to. 
Wala na, wala ng pagasa na gumala at mag beach.
"Pass na muna ako...may lagnat pa kasi ako, with matching chills..di rin ako mageenjoy. Next time nalang siguro"
At gumuho ng pagka bongga ang aking world. Gusto kong maluha ng pagkadami daming popcorn sa panghihinayang...
"Sure? Matagal pa tayong makakabalik don.."
Eto lang ang sinagot ko - 
"Ok lang, may next time pa naman eh...enjoy nalang kayo"
Nyetang katawang lupa, hindi talaga nagcooperate. Natulog nalang akong hilo sa pinatutungga kong biogesic. Sunday morning, umalis ako at bumili ng gamot. Iba naman, para kasing pinagloloko na ako netong si john lloyd sa mga ingat lines nya. Nagpauto naman ako sa iba, bioflu naman. Nag self diagnose at self medicate na naman ako. 


Ang hirap kasi sa hindi pa regularized sa trabaho, wala ka pang coverage sa health insurance. Next month pa kasi ako mareregularize(fingers crossed). Bawal magkasakit. Sa awa naman ni papa jes naka recover ako, may side effect nga lang. Nang pumasok akong office Monday night eh hilong talilong pa ako sa mga pinagiinom kong tabletas. Nang pumunta akong clinic mahaba na ang pila, umalis nalang ako baka bigyan lang ako ng biogesic. Nang simulan ko ang entry ko na 'to Monday night, natapos...Tuesday morning. Ako na ang parang junkie. 




Nagkandaduling din ako sa pagsulat ng entry kong 'to. Side effect din siguro. Lech!
Nagkandaduling din ako sa pagsulat ng entry kong 'to. Side effect din siguro. Lech!
  
"ingat mo muka mo!"
 

 

 


Saturday, April 9, 2011

blurt of the day

"Dearest,
Do you know how much in love with you I am? Did I trip? Did I stumble – lose my balance, graze my knee, graze my heart? I know I’m in love when I see you. I know when I long to see you, I’m on fire. Not a muscle has moved. Leaves hang unruffled by any breeze. The air is still. I have fallen in love without taking a step. You are all wrong for me and I know it, but I can no longer care for my thoughts unless they are thoughts of you. When I am close to you, I feel your hair brush my cheek when it does not. I look away from you sometimes, then I look back. When I tie my shoes, when I peel an orange, when I drive my car, when I lie down each night without you, I remain, yours."

                                       The letter in the movie " The Love Letter"

Friday, April 8, 2011

to sir, with love


Dahil medyo wala pa akong gala kasi nga sick pa nang konti at nagiipon pa ng strength para sa next jump shot, eto at nagmamarathon nalang muna ng debede. To Sir with Love.


Hindi ko alam bakit yown ang title ng movie, eh maam naman ang teacher. Babala lang sa mga mahihina ang sikmura, hindi ito para sa inyo. Simple lang ang plot ng story. 
Reunion ng magkakaclassmate at ang maestra nilang may sakit at naguulilyanin. Ang reunion eh naganap sa cottage house ni teacher. Nagsidatingan ang mga old students ni maam. At first medyo dragging ang story kasi meet and greet at sari-saring kamustahan, hanggang sa naungkat ang history. Nag flashback ng bongga ang mga classmates. Na remember nila ang mga pinagagawa ni maam sa kanila noon. Si class president at vice pala eh hinamak ni maam dahil sa kahirapan, si jock - pinalo ni maam ng bongga dahil hindi pinanalo ang team sa relay, ayown naging step no-step yes ang lakad ngayon. Si pretty boy - dahil nga pretty boy eh minolestiya ni maam (kadirdir). Si obese girl - naging laughingstock dahil nakasira ng weighing scale at sa pasimuno na rin ni maam, na ngayon eh seksing cheching na obsess sa plastic surgery. Si shy guy - ang di nakapag pigil at tumae sa klase na pinagtawanan ng buong section calamansi dahil din sa hudyat ni maam. Oo, si maam ang pinaka bad sa story. Pero wait na malupet. Hindi pa complete ang story. Isa isang pinatay ang mga classmates. Ang suspek - ang anak ni maam na deformed and mukha at nakatira sa basement. The creepy part is the killing spree. Koya wores a bunny mask pag pumapatay na. Interesting? May matinding twist sa story na hindi ko sasabihin para may abangan naman kayo. That is if you have the guts to watch this movie. 




Eto konting patikim - 


"Ang haybol ni maam"



"The gang - aka mga tomador"

"maam pengeng cake?"


"pretty boy -huh?"
Babala: Ang mga susunod na piktyurs ay para lamang sa mga mala stainless steel na sikmura. 

-

-

-

-

-

-

-

-

-
"don't tell me I didn't warn you"

 May mga eksinang parang hindi ko na keri pero in fairview natapos ko sya. *evil laugh*

Wednesday, April 6, 2011

viliam


At dahil lusaw pa ang utak ko eto na muna ang aking post na napulot ko lang din. Viliam ang batang gawa sa papel, enjoy!


Sometimes, life is not always what we want it to be.

Tuesday, April 5, 2011

sick

"in bed"
I'm feeling quite sick the past few days. I've been having this re-occurring headaches, specifically on my left temporal part of the head. Having a hard time sleeping even if I took aspirin just to get rid of it. Been homesick and terribly wanted to go home, but I can't. Don't know if this is due to stress or any of some sort. I need a break.