Thursday, February 21, 2013

[Don't] Call Me Baby!





Hello Prens! Question - Bakit halos lahat ng tawagan ng magjowa eh Baby, Beh, Bebe? Dahil buwan ng Feb-ibig pa naman at mapagpatul ako sa mga ganito papatulan ko yang tanong na yan. Which reminds me, hindi naman ako ever tinawag ng mga naging jowakels ko ng BABY! 
  • Ekis 1 - Pangalan lang, as in first name bases (walang ka latoy-latoy). Ni Honey, Love, or kahit korneng Sweetie Pie wala, zero, nadah, zilch! Unang pag-ibig nga naman.
  • Ekis 2 - Bf & Gf. Ito medyo level up ng slight, pero generic parin. Pero nang magsplit naging BFF na. Ang sweet noh? 
  • Ekis 3 - Buang (Baliw), Hangal, Ga. Yes, dumaosdos ng bongga. Kasi naman hindi pa masyadong uso ang cellphone noon at nakikitxt lang si ekboypren sa Pudra nya. Para hindi mahalata eh yun ang code name. Mantakin nyong walang I love you para hindi mabisto? I hate you dapat. Super sweet na kami ng lagay na yan ha. Nang mag transition period naman eh naging Ga, short for Palangga or Pangga. A bisaya term for Mahal. Nagkataong malabo na kami nang narealize namin na mas oks pala yung tawagang yun. 
  • Ekis 4 - Siqui & Pawee. Ito pa cute, patweetums at may konting lambing na. Siqui short for Siquijor, dahil doon kami nagkadevelopan. Charot! At Pawee, short for Paulette. Para sa inyong kaalaman, bininyagan sya ng pangalan na yun which means little Paul. Ang lande talaga! Hindi ko alam anong nakain ng nanay nya kung bakit sya pinangalanan ng Paulette. 
  • Ekis 5 - Hanhan. Hindi Hon (short for Honey) Hanhan talaga sya, para maiba. Bakit? Hindi ko rin alam, naisip ko lang na cute pakinggan kaya yun na. Very well thought of diba? 
Yung mga ibang Ekis na hindi nabanggit at hindi nalagyan ng # puro first name bases na. Haha! Pero ang totoo hindi ko na sila maalala.  
Kesehudang tawagin mo sya or ka nya na Labedabs, Mahal, Palangga, Sugar, Cupcake, Puto, Kutsinta, eh wala naman talaga sa tawagan yan diba? 
Kasi kahit tawagin mo man syang Hampas lupa, Inutil, Panget at kahit mura na sa pandinig ng iba, kung sa inyo eh terms of endearment yun syempre yun parin ang pinaka matamis sa pandinig mo. 
Natural, Galing sa taong mahal mo eh. Chararat! 
Kayo anong tawagan nyo ng inyong mga jowakels? 

Ayan sinapian na naman po ang inyong lingkod, pasensya naman... Cgethnxbye! 


[by the way highway ako yan...nung Baby pa akech!]

Thursday, February 14, 2013

I love you...



I love you Al 

I love you Charlemagne

I love you Charles

I love you Reggie

I love you Mark

I love you Cyril

I love you Billy 

Kung ano man ako ngayon ay utang ko sa inyo. 

Maraming Salamat at naging parte kayo ng buhay ko.

I am a better person now. ^______________^ 

Pluma ng Kahapon

"Puta pare nalathala na yung sinulat mo. Ang tindi mo talaga tsong. Naalala ko tuloy noong baguhan pa tayo, dala-dala ko yung lumang kamera ko, yung de film pa? Tapos ikaw naman yung lumang notebook mo na kahit sira-sira na eh pinagtitiisan mo parin, at syempre mawawala ba ang panulat mong pinamana pa yata ng kalololohan mo? Kasagsagan yun ng pagpapaalis ng  barakong Mayor ng San Joaquin. Yung nang molestiya ng menor de edad. Nagigit-gitan yung ibang mga mamamahayag dahil hindi pinapapasok sa munisipyo. Pero pare tayo lang yung nakalusot sa kanila.

Abot tenga yung ngiti natin noon, kahit kita na ang kuyukot ko sa pakikipagsiksikan natin, sulit na sulit parin. Yun yung kauna-unahang frontpage natin. Kasi tanda ko pa, kontribyutor ka lang noon sa lumang peryodiko; Unang Balita, ang nakakatawa pa eh kotribyutor ng Horoscope. 

'Nak ng teteng ginawa ka talagang manghuhula. Ako naman yung taga kuha ng mga litrato. Kung hindi yung nalalaos na artista eh yung para naman sa Obitwaryo. Buti nalang eh binigayan tayo ni boss ng bagong raket. 
Eh naalala mo ba yung sinabak tayo sa masukal na gubat ng San Martin? Yung napapabalitang may tapunan ng mga sinalvage? Kahit napapabalita na marami-rami na rin ang mga mamamahayag na namatay dahil sa mga mababangis na hayop, makamandag na mga ahas at alupihan ay sige ka parin. Doon ako bumilib sayo... 

Kasabay ng pagsikat mo ay ang pag-angat din ng estado ng pamilya ko, bilang ako naman ang iyong side kick, kasangga at partner. Malaki talaga ang utang na loob ko sayo pare. 

Kung noon kahit sorbetes para sa kaarawan ni junior eh hindi ako makabili, eh ngayon kaya ko nang imbitahan kahit pa isang buong baranggay tuwing may okasyon sa amin. Kung noon madalas kaming mag-away ni misis dahil lampara at kandila lang ang meron kami kasi nga naputolan na naman kami ng ilaw, o di kaya walang pang ligo dahil naputolan ng tubig. Sa ngayon hindi na muling mangyayari yun. Alam mo ba, si junior ko, pinagaral ko ng medisina? Yung inaanak mo si neneng, malapit na rin matapos ng haiskul. Ang daming nagbago sa buhay namin sa tulong mo pare. 

Pero pare, sa dami ng naisulat mo walang tatalo sa paglantad mo ng anomalya patungkol sa sabwatan ng gobyerno at malaking sindikato na nagbebenta ng ilegal na droga. Ito yun, nalathala na! Sabi ko na sayo sisikat ka talaga. Magaling ka eh.


Kaya lang pare noong binangga mo sila para ka na ring bumangga ng pader. Sabi ko na kasi sayo 'wag na tayong makialam. Manganganib lang ang buhay natin. 

Nilapitan ako ni Congressman. Puta talaga pare, bukod sa malaking pera na inalok sa akin eh hawak nila ang pamilya ko. Iniisip ko lang naman ang kapakanan ng pamilya ko. Kahit ano gagawin ko para sa kanila, alam mo yun..."


"Kailangan kong gawin ang nararapat."

Sa isang kalabit ng gatilyo ay natapos ang lahat.  


Lunod ng lungkot at pagsisisi ang aninag sa mukha ng lalaking naka kahel...may pusas ang mga kamay at luhaan sa pagkwento sa kaibigan. 

"Patawarin mo ako pare..." 

********************************************
Ito ang aking munting lahok bilang pagsuporta sa Bagsik ng Panitik 2013 ng Damuhan: Blog ng Pinoy, Tambayan ng Pinoy