Tuesday, July 31, 2012

Jampacked July



  Oh hai you prens! Kamusta? Matatapos na naman ang isang buwan, which leads us to another month. Natural! So recap ko lang ito sa mga nangyari sa buong buwan ko, kumbaga buod, summary and all the other synonymous words. Haha Pinataas ko lang noh? Anyways, kung binasa nyo yung nakaraang entry ko , naman,  alam nyo kung saan ako nanggaling. 


1st Birthday ng aking brat na pamangkin. Alam nyo naman pag unang apo bongga ang celebration.


"yes gumaganyan po sya" 
At nadagdagan na naman ang aking bodeh weight...




Lumantak na naman ako ng walang bukas na paniguradong pagsisihan ko. May date pa na naman ang wedding na aatendan ko. So sa ngayon eh nagsisimula na ako sa #balikalindog program. Limang butil nalang talaga ng rice every meal. So help me gawwwd!


"at oo, masaya na sya ng lagay na yan!" 
Dahil umuwi ako hindi pwedeng walang side trip. Naman! 

"Kung nanunuod kayo ng  #phl360 malamang alam nyo 'to" 
Yes guysh! Dahil sa wagas akong inggitera at makati ang paa, pumunta ako sa Tinago Falls. Which is by the way located in Iligan City. Isang oras mahigit mula sa aking hometown. 

" feeling diwata ang peg ko ditey"

Pero bago ka makatampisaw sa waterlaloo ng falls eh kelangan mo munang pumanaog(?) ng mahigit kumulang 400+ steps. Oh yes, you read it right. Hindi ko nabilang ang exact baitang. Naman! Magbibilang ka pa ba kung halos hingal to the nth level ka na? So picture me pabalik sa taas. Haha! But it was all worth it. Yung tipong mapapanganga ka sa beautifulness. 
"ang diwatang naka life jacket..ahem, ahem!" 

Oh diba taray ng orange? Sabi ni kuyang tour guide hindi pwedeng hindi ka mag life jacket kasi super, duper, as in lalim daw. Syempre bilang ako'y hindi marunong lumangoy masunorin, nag life jacket me. Nagpunta din kami sa falls mismo, kaya lang wala ng picture. Hindi naman kasi waterproof si Ngiti (my camera). Solb na solb ang panandaliang side trip! 


Pagbalik ko sa Cebu kinailangan ko na namang lumipat. At oo, the nth edition na ito. Pero sa malapit lang naman, ektweli sa kabilang pad lang. Hehe, bigger room with own toilet and bath but same price. Saan ka pa diba? Tapos may aircon pang bonus. So yun lumipat na naman me. 


"pagpasensyahan, hindi pa nagliligpit si Enday" 


Malaki yan, trust me. Pwede kang mag split at tambling nang sabay. Mejo konting ayos, curtains here and there pa, tapos palalagyan ko pa ng fountain at pool sa gitna para swabe. Charot! 


So ayan ang aking walang ka event- event na July. Kthanksbye! ^_________^





Tuesday, July 17, 2012

Random Chuvaness



  • This job has taken its toll on me. Umaarte? Parang sunod-sunod kasi yung leave at curricular activities ko, yung feeling na nawiwili na me magbakasyon nalang lage. Pumunta kaming Iloilo/Guimaras (June 21-26), Bantayan Island (June 29 - July 2), 5th year anibersaryo ng Wave namin sa previous company (July 8), House warming sa bagong haybol ni Nieco (July 15) at ngayong week uwi sa aking hometown (July 18-22). Now spell B-U-S-Y? 
  • Excitement much na rin akong umuwi. Namimiss ko na rin kasi si Fader at Mudrax kahit paniguradong bankrupt na naman ako pagkatapos.
  • Parang nalalasahan ko na ang pinakbet at paksiw'ng isda ni mudrakels. ^____________^
  • Sa paguwi ko feeling ko may magaapear, feeling ko lang. 
  • Sa dami ng aking plotted leaves lately umeeksena ang iba kong teammates. Kung makaleave daw ako wagas sa haba. Eh sa ganoon talaga pag pinagiiponan ang bakasyon. Hehehe Sana may matira at matanggap ako sa leave conversion at the end of the year. Asa much? 
  • Ikakasal na ang aking best friend by the end of the year. Nakanang! Alala ko pa yung sabi nya saken na pauunahin daw nya ako sa pagpapasakal kasal. Ayun, nag-iba yata ang ang isip. Sabi baka magmenopause na daw sya kung aantayin pa daw nya akong mauna. Nomon, nomon! Parang signs na itey.
  • Kelangan ko nang magbawas ng rice, mga limang butil nalang each meal. Sheyt! Napressure tuloy me kasi bridesmaid daw ako sa kasalan. Wow gagown ako for the pers time! 
  • 3 months na akong walang Coke at kung ano pang softdrinks. Yeahbah! 
  • Namimiss ko na ang tunog at pakiramdam ng karayom sa balat. Gusto ko na magpaburda ulet, pero wala pang budget.
  • Namimiss ko na rin yung red hair ko, pero wala pang budget ulet. Hays!
  • Nawiwili akong manood ng Fringe, malapit ko na matapos yung last season (4). Sa bahay ko nalang sya tataposin para chillax. 
  • Dahil din sa kakapanuod ko ng Fringe napaparanoid ako kahit panandaliang brownout lang. 
  • Kung kelan pa natapos ang PBB teens eh yun pa yung time na nagkakacrush na me. Iba talaga ang influence netong media. Eeeee...kinikileg at lumalande me ng slight. Hehehe 
  • Sa katamaran magblog, twit nalang me nang twit. 
  • Sa katamaran, nagrarandom nalang. (Guilty!?)
  • Sa hinaba-haba matatapos din itong random ko. 
END...










NOT!

Post ko na dito yung ginawang video ni Nieco sa aming Iloilo/Guimaras trip.

Babala: Baka maumay ka, kung hindi mala stainless steel ang sikmura mo STOP



" Yes, wala po kaming hiya...sometimes! "

Thursday, July 5, 2012

Quickie Bantayan Wanderlust



Slip into my paradise...


And drift away those sorrows


Bask into the solitude...


And leave those burdens 


For today's what matters... 


To our bound memories


When it's time...


We shall bid our goodbyes again.  

*******************************


  
Nakanang! Umeemo much? Sa totoo lang, vacation mode pa talaga ang aking feeling sa ngayon. Nasa isla nagtatampisaw sa salty water, nagbibilad sa kainitan ni Mr. Sun, gumagawa ng kastilyong buhangin at sumsasayaw sa saliw ng "Starship" ni mareng Nicki Minaj. Putek! Parang naghahalucinate na naman me. Mahaba- haba rin kasi yung bakasyon engrande ko, dalawang araw lang ako pumasok last week tapos leave ulit. What a life? 
Anyways high waist, hindi ko muna kukwento yung Iloilo/Guimaras trip namin sa maraming kadahilanan. At dahil din nabitin ako sa trip na yun, I decided last Friday to go on a sweet escape to my favorite getaway beach - Bantayan Island. Wala akong narcissistic pose kasi mas na enjoy kong magpicture-picture sa beach. This is the 4th time na pumasyal ako dito pero it always feels like the first time. Chos! It was a brief trip pero yung tipong recharged, renewed, at ready to rumble ang feeling after. #sabeh?