Am back, balakubak! Nakapag muni-muni me ng ilang araw at eto natagpuan ko na ang aking sariling bait.
For this post hahalukayin ko ang mga napansin, napuna at mga nakakapag init bilbil na gawain ng mga nageefbee (Facebook).
- FB Masturbation - Self Help. Status mo, like mo, comment mo. Ewan ko kung deprived ba sa attention o sadyang forever alone ang peg nila. Hindi ba pwedeng hintayin na may pumansin sa status? Atat lang ang show teh? Utang na loob, nasa feed po kayo. Chill! Meron at meron ding papansin sa change of status nyo, kung wala, malamang sa alamang eh di type ng board of judges.
- Gratitude to the Nth level - Thanks sa Like. Pamilyar ba sa inyo 'to? Ohmayfreaknsonofabitch! Ang lagay eh kung may 69+ na nag like sa status/post/picture na ipinaskil sa pader nila eh pasasalamatan talaga isa-isa. At ang matindi iisa-isahin nila itong pasasalamatan sa comment section. Ok lang naman magthank you eh, pero parang over naman siguro kung iisa-isahin pa. Siguro kung isang libo ang nag-like ay good luck nalang sayo ne!
- Narcisso y Narcissa - Me, myself and I. Isang buong album na walang ibang laman kundi ang sarili nila. Oo alam ko may picture ka, malamang , sayo yang account na yan eh. Pero dalawa, tatlong album na puro pagmumukha mo? That is overly disturbing. Magsisimula sa subtle na smile, tapos susundan ng peace sign sa kanan, peace sign sa kaliwa, kita ang ngipin, nakadila, nakadilat, nakapikit... and the rest is yet to follow. Paniguradong mauumay kahit yung patay na patay sayo, at malilito ang mga kaaway mo na gustong gamitin ang picture mo para ipakulam ka.
- GPS Personified - Chuva at Quiapo, Chenelyn at Timbuktu. Kesehodang nasa banyo sila at naglalabas ng sama ng loob, o nasa palengke at nakikipagtawaran sa isang kilong kamatis eh updated ang mga friends nila. Wala na yatang panama ang tracking device at ang larong taguan sa kanila eh.
"Wala kaming pakialam sa kung anong kinain mo o kung saan ka nag check in, kaya wag kang mag post kung nasaan ka o kung anong ginagawa mo..." - Lourd Ernest de Veyra (Word of the Lourd)
- Virtual PDA - I miss you na cupcake. I love you talaga Buko pie. See you later peanut butter. Once, twice, a few times ok lang nakakakilig ng hypothalamus. Pero araw- araw? As in everday, at sa isang araw eh hindi lang isang beses, MARAMING wall to wall posts yan. May kilala nga ako, living in sila pero ginagawa nila ito. Kamusta naman yown?
- Hole in the Wall - P*tangina magbayad ka ng utang mo! Hoy wag kang lumande, may mga anak ka sustentohan mo naman. Totoong nabasa ko po yan sa wall ng isa kong ka pesbok. Walang keme at walang habas na ipapaalam sa madlang social networking site na ikaw ay isang low life creature. Sa kabila neto, alam nilang may haters sila pero hindi mahanapan ng panahon(?) siguro ang pag disable ng comments or block ng members.
- The Panty/Brief Syndrome - Ham and cheese for breakfast so saya talaga, after 5 mins... I love my new soap Perla, after 10 mins...Look oh, Bantay is making tahol the kapitbahay. Kung makapag change ng status eh parang panty/brief lang daig pa ang mag ekis na may 3 month rule. Para ka lang nakasubscribe sa 2366 dahil sa updates ng buhay nila. Sila na ang celebrity.
- YMer - Subtle ang mga moves ng mga ito. Kucomment ng pa isa-isa, ikaw naman sasagot sa comment nya hanggang sa humaba na ang usapan nyo. Ayan na, biktima ka na ng ginagawang YM ang comment section ng post. Sa pagkakaalam ko may chat naman at personal message ang pesbok, diba? Baka hindi na orient si neneng/koyah. Baka nga naman.
- Kumokota Kinabalo - " To be loved is divine, to love is expensive" (Mang Kepweng). Sila yung mahilig mag status ng Quotes or pictures na may caption shit. Yung tipong may ma e status lang. Tapos combo pa ng The Panty/Brief Syndrome.Tsk...tsk...tsk...Now that is getting painful.
- The Gamer/Apper - Skemberlalou Invited you to play Tumbang Preso. Enday Invited you to try Chinese Garter. Wala kang kahilig hilig maglaro ng games or gumamit ng application na yan pero panay parin ang send nila sayo. Sabagay baka nga naman may mapagpatol.
- Tag you're It - Alam nyo na 'to. May ok levels naman minsan, yung mga group pictures na kay gandang pagmasdan. At syempre may mga please-kill-me-now larawan, na para sayo eh sana binaon nalang sa center of the Earth. Sama mo na ang nagtag sayo. Putek! Madami ako neto.
Yan po ang aking nasagap sa aking pagninilay-nilay. Minsan guilty din naman ako sa iba sa mga ito. Bottom line, anything in moderation is fine like that. (Gumaganown?!) May buhay sa labas ng social networking site, at mas masaya yung mga kaibigan na personal mong nakakasama. Charus!
Tara tagay?!